"Mam are you serious?!" Di makapaniwalang tanong ko sa manager namin.
To think kabado pa ako kanina nang ipatawag ako nito at inakala ko kanina ay may di magandang ibabalita ito sa akin.
Kakauwi pa lamang kasi namin mula sa Conference na pinuntahan namin sa Manila kaya kabado ako.
Lalo pa at nakita ko si Jake dun at nagkausap pa kami,
Then yun sa park na scene kung saan nag burst out yung damdamin ko kay Jake at nasabi ko dito ang mga nakatagong pagdaramdam ko dito at yun nga iniwan ko na ito dun.Akala ko nga susundan nya ako pero nakahinga ako nang maluwag nang hanggang matapos ang conference ay di na nagpakita pa si Jake.
At ayaw ko man na aminin pero may nadama ako na malaking panghihinayang na di na ito nagpakita sa akin.
"Yes Reona ikaw na ang na assign sa Manila Branch natin na mamahala as manager so congratulations" nakangiting sagot nito at kinamayan ako.
Di makapaniwalang tinanggap ko ang kamay nito.
"Oh thank you Mam Stancey, I, I don't know what to say" di magkadantatutong wika ko.
"You deserve it, Reona and good luck" anito.
Ilang sandali pa kaming nag usap at pagkaraan ay nagpaalam na ako dito.
Di pa din ako makapaniwalang na promote ako,
I mean three years pa lamang ako sa kumpanya na ito at batid ko sa sarili ko na tuwina'y binibigay ko naman ang best ko para sa kinabukasan nang anak ko,
Kaya lang masyado lamang akong nabigla at the same time natutuwa.
Pagkapunta ko sa desk ko ay inayos ko ang mga gamit ko at naghanda na ako para umuwi na.-------------------
"Talaga na promote ka?" Di makapaniwalang sabi din ni Danna,
Ang kaibigan ko na sa tuwing magtatrabaho ako ay pinag iiwanan ko kay Rowan at plano ko ay iiwan ko muna sana siya sa Tita Danna niya pag pumunta ako sa Maynila."Oo nga eh, ako din di makapaniwala" sagot ko dito.
"Eh pa'no yan di sa Maynila na kayo titira nyan ni Rowan"
"Oo nga eh, yun sana ang ipapakiusap ko sa'yo kung pwede iwan ko muna si Rowan sa iyo habang inaayos ko yun titirahan namin ......kung okay lang sa inyo ni Damian" alanganin na pakiusap ko dito.
"Yun lang ba? Sus okay na okay lang sa akin alam mo naman na lagi silang magkalaro ni Jessica" tukoy nito sa anak na babae. "At alam mo din naman na pangarap ko na maging manugang yan kay gwapito mong anak" kinikilig na sagot nito.
"Thank you ha promise pag naayos ko na ang titirhan namin ni Rowan ay agad na susunduin ko na ang anak ko dito" sabi ko dito.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinagot nito."Sus ikaw talaga, hala halika na at mag meryenda tayo may kakanin na binili si Damian" anyaya nito sa akin.
Tumango ako dito at saka sumama dito papunta sa may kumedor.
--------------
"Mommy kailan mo ako babalikan?" Nakapout na tanong nito.
Nahinto ako sa pag iimpake ko at hinarap ito.
Nasabi ko kasi dito na sa Maynila na ako magtatrabaho,Di ko napigilan na mapangiti pagkakita sa nakasimangot na mukha nito.
Mula sa buhok sa mata sa ilong sa wangis nang mukha wala man lang kinuha sa akin,
Lahat puro sa Ama nito,
Pati ugali ni Jake kinuha din nito,Inire ko ba ito?
Anak ko ba ito?
Wala man lang kinuha sa akin eh!
Napatawa ako nang lihim sa hinaing nang isip ko,
Pagkaraan ay lumapit ako dito at kinuha ang kamay nito at tinapik tapik."After na maayos ko na ang titirhan natin at makahanap ako nang Yaya mo" sagot ko dito.
"Matagal po ba yun?"
"Medyo..... pero promise ko sa Baby Rowan ko pag ayos na ang lahat susunduin na kita" malambing na sagot ko.
"Mommy, di na ako baby" angal nito.
"Opo di na, pero pano naman ang Mommy sino na ang ipapamper ko kung wala na pala ang baby ko?" Kumunot ang noo nito at lalo pang sumibi.
Lalong nag pout si Rowan sa sinabi ko.
Isa pa sa ugali na namana nito sa Ama nito ay ang pagiging territorial sa mga mahalaga sa buhay nya.Mapabagay man yun,
O mga tao na mahalaga para dito."Okay Mommy pero this time lang po" anito.
Napangiti ako dito at saka kinarga ito at pinaikot ikot.
Napahalakhak naman ito at nang binaba ko na si Rowan nagtatakbo naman ito sa paligid nang kwarto habang hinahabol ko ito.
Masaya ako na kasama si Rowan na kaming dalawa lamang,
Four years old pa lamang ito pero napakabibo na nitong bata at nang minsan na nagtanong ito tungkol sa Ama nito ay di ako agad nakasagot at ilang saglit na nag isip nang idadahilan ko at nang maisip ko na ay sinabi ko nasa barko ito at matagal tagal pa bago ito makauwi.
Having see Rowan by my side happy and playful always have a sparkling smile at me makes me forget of guilt because I keep denying his father to him,
Maybe in near future he ask me of his father then maybe I will have the courage that I needed and I will never again deny the right to know his father.