"There you are Adam!" Walang emosyon na nilingon ko si Joey.
Katatapos lamang nang kasal at nandito ako sa kubling bahagi nang garden kung saan ginaganap ang reception nang kasal.
"Joey....." ngumisi ito sa akin at saka inabutan ako nang wineglass na may laman na red wine.
"Condolence my friend" anito at saka ipiningki ang wineglass nito sa wineglass ko at saka tinungga nito ang hawak nito bibig nito habang ang sa akin ay inikot ikot ko.
"I thought you're busy kaya di ka pwede as bestman so akala ko di ka dadalo sa kasal ko" tanong ko dito.
"Tumanggi ako as bestman mo, pero di pwedeng di ako dadalo aba libre ang pagkain dito eh, binongga talaga nina Tito at Tita ang kasal nyo ni Lucille bumabaha ang pagkain at alak at kung saan libre dun ako" natatawang sagot nito sa akin.
Mapakla akong napangiti.
"At saka pakiramdam ko di naman kasal ang dadaluhan ko kundi lamay mo" dagdag pa nito.
Di ko ito tinugon at sa halip ay tinalikuran ko ito saka tumingala para tignan ang papalubog na araw.
"Why did you not mock me at sinabihan na all along tama ka at mali ako?" Maya maya ay tanong ko naman dito.
"Eh di pumalahaw ka lalo nang pag iyak tapos ano? Aaluhin kita pupunasan ko mga luha mo pati na sipon mo? Yayakapin at sasabihan kita na you are a trash, a dirt" umiiling ito pati na ang hintuturo. "Ah ah ah wag na uy di pang alo ang magandang katawan ko"
Natignan ko ito pagkaraan ay naupo sa may bench sumunod din si Joey sa akin at naupo din.
"I lie to Reona sinabi ko na fubu lang kami na di ko iiwan si Lucille para sa kanya, nagmakaawa sya sa akin na kahit maging Mistress ko okay lamang sa kanya pero di ko kaya na ikulong sya sa piling ko na" napayuko siya at napapikit nang mariin.
"I cannot bear na masaktan sya na kutyain sya nang mga tao para lamang makasama ko sya,
She don't deserve it, She is a wonderful and happy woman that brings me joy,
I have to set her free, kahit mahirap, kahit masakit para sa akin" garalgal ang tinig na kwento ko kay Joey.Habang sinasabi ko kay Reona na di sya mahalaga para sa akin,
Na panakip butas lamang sya at pangkama lamang ang relasyon na mayroon kami...Na mahal ko si Lucille.....
Parang binibiyak ang puso ko sa sakit....
Ayoko kong gawin ang magsinungaling dito at sa halip yayain ito na tumakas kami at magpakalayo layo.....
Pero di ko kayang takasan ang obligasyon ko sa anak ko kay Lucille,
Pagkakamali ko yun na dapat pagbayaran ko,
At di tama na pati si Reona idamay ko pa dito,Kaya masakit man pinalaya ko na si Reona at hangad ko na makahanap sya ng taong muli ay magpapasaya sa kanya.
Naramdaman ko tinapik ni Joey ang balikat ko.
"That's the right thing to do Adam, ikaw na lamang ang dapat na lumubog sa kumunoy na ikaw ang may gawa, she is innocent and her just fault is loving you" anito.
Teary eye na tumango ako dito.
"Eh Lucille nandito lamang pala ang Asawa mo kung saan saan pa tayo naghanap magkasama lamang pala sila ni Joey" tinig ni Mama ang nadinig.
Lumingon kami kapwa ni Joey sa kanila at nakita namin sina Mama at Lucille na papalapit na sa amin.
"Tita!" Agad na hinalikan ni Joey si Mama. "Tila Tita paganda ka nang paganda ikaw din Lucille" baling nito kay Lucille na ikinangiti nito nang malaki.
"Naku ikaw na bata ka talaga napakabolero mo" natatawang sagot naman ni Mama dito.
"Ma...." lumapit ako sa ina ko at saka hinalikan din ang pisngi nito.
At pagkaraan ay tumingin ako kay Lucille.Yumakap agad si Lucille sa akin.
Di ko ito tinugon at sa halip ay marahan na binaklas ko ang pagkakayakap nito sa akin.Naningkit naman ang mga mata nito at lihim na sumimangot sa akin.
Pero di ko ito pinasin at niyaya na ang mga ito na pumasok na ulit sa reception hall.
------------------------
"What's wrong with you Adam!" Naiiritang sigaw ni Lucille sa akin.
Nandito kami ni Lucille sa honeymoon suite namin.
"Wala akong ganang kamutin ang kati nang katawan mo and besides we are just married in name only" tinatamad na nagtakip ako nang unan sa ulo ko.
"Shit Adam! Then what will I do lumabas at maghanap nang lalaki sa labas para makalantare ko ganun ba?" Naiinis na bumangon ako at tinignan ito.
Naka see through na nighties ito na kulay pula at wala na itong underwear sa loob.
Napakaganda nito sa kabuuan pero wala akong madama ni katiting na pagnanasa dito.
"I don't know if epekto yang nang kakatihan mo o nang pagbubuntis mo sa anak ko pero don't you dare na magpakama sa ibang lalake habang nasa katawan mo pa ang anak ko, You know ang kaya kong gawin sa iyo pag nalaman ko na ginawa mo pa din ang maglandi sa iba,I will make you pay at ngayon pa lamang ipapahugot ko na ang anak ko sa tiyan mo dahil ayaw ko na mamana nang anak ko ang kakatihan mo, why don't you just pleasure your self with vibrator? Ibibili kita if you want? Surely it will make you satisfied and then just four months from now on kahit kapapanganak mo pa lamang pwede ka nang manghalbot nang lalakeng kakalantariin mo" puno nang pang uuyam na suhestiyon ko dito.
Namutla ang mukha nito dahil sa sinabi ko at sinugod ako.
"Damn you! Damn you! Assholes! how dare you na bastusin ako" pinaghahampas ako nito nang unan.
Di ko sinangga ang panghahampas ni Lucille nang unan sa akin at sa halip ay pinabayaan ko ito hanggang maramdaman ko na huminto na ito sa pananakit sa akin.
Pagkaraan ay pumunta ito sa may pinto ng kwarto kung saan ay nakalaan para dito at saka pabalabag na sinara nito ang pinto.
Naiiling na muli ay nahiga ako at pinikit ang mga mata ko at ilang sandali ay nakatulog na ako.