"Mama Reona!" Sigaw ng matinis na tinig nang batang nasa limang taon ang edad at papunta sa akin.
Binuka ko ang mga braso ko at nang makalapit ito ay agad na ikinulong ko ito sa mga braso ko.
"How's school?" Tanong ko dito at kinuha na ang may gulong na de hilang bag mula dito at hinawakan ko ang munting kamay nito at nagsimula nang pumunta sa sasakyan ko.
Agad na nagliwanag ang mukha nito at nakakagigil ang pagka cute nito.
Mamula mula ang chubby nitong pisngi na binagayan ng mapulang labi nito at saka ang mabibilog na mata nito na binagayan ng malalantik na pilit mata at ang nagpa cute pa talaga dito ay ang medyo kulot na itim na buhok nito.At bagay na bagay dito ang uniform na checkered na maroon at hat na pink na lalong nagpaputi dito.
Nasa prep na kasi ito at next year ay magki kinder na ito.Sabagay Maganda ang Nanay, Gwapo ang Tatay kaya napaka cute ng naging anak nilang dalawa.
Naiiling na naisip ko at mapait na napangiti pagkaisip na paano kung nabuhay ang Anak namin ni Jake na si Roxanne ganito din kaya kaganda ito?
Marahil hindi siguro, di naman ako kagandahan eh!
"Okay naman po Mama Reona, binigyan nga po ako ng stars ni Teacher eto po oh!" Sagot nito at pinakita pa ang kamay na may tatak na stars.
"Good Job Johanna, mana ka talaga sa akin" natutuwang hinaplos ko ang ulo nito.
"No po Mama Reona, Kay Daddy daw ako nagmana sabi ni Grannie" nakangising sagot nito sa akin.
Ang Grannie na tinutukoy nito ay ang Mama ni Jake.
"Yes po" natatawang sang ayon ko dito.
Pagkalapit namin sa kotse ko ay agad na binuksan ko ito at pinapasok na si Johanna pagkatapos ay ako naman ang sumunod at ilang sandali pa ay agad na pinaandar ko na ang kotse at umalis na sa school ni Johanna."Where do you want to eat Johanna?" Tanong ko dito.
"Jollibee!" Anito at pumalakpak pa.
"As you wish Baby" sagot ko dito.
-------------------------
After namin kumain ay umuwi na kami sa bahay ni Jake......
Yes sa bahay nito na ako nya inutusan na tumira after na may mangyari sa amin nang gabi na yun four and a half years ago,
Ayaw ko nga na pumayag pero nagulat na lang ako kinabukasan na wala na ang mga gamit ko,
Yun pala pinahakot na nito lahat lahat nang gamit ko at pinacancel na ang pag upa ko sa unit ko,
At ang mas ikinaloka ko pa ay nang pumasok ako sa trabaho ko at nagulat pa sila na pumasok ako gayun nag resign na daw ako,
Yes and the culprit of it is the Jerk Man name Jake Adam Montecarlo,
At wala na akong nagawa pa or rather nagpatangay na lang ako sa gusto nito,
Sa almost five years na nakarelasyon ko ito ay alam na alam ko na ang mga ugali nito.
Demanding, Dangerous, Possesive and madly in love kay Lucille na gagawin nito ang lahat para dito.
And ang pinaka malala nyang ugali ay What Jake want, Jake always and surely get regardless it is thing or person,
At sadly ako ang latest nitong Conquest, at nagtagumpay ito,
Kaya eto ako ngayon nakikitira sa bahay ni Jake,
Tagapag alaga ni Johanna,
Tagapamahala ng mansiyon nito,
Pati na pangangailangan ni Jake ako ang nag aasikaso....Para nang ako ang Asawa nito....
Okay para na akong mistress nito,
Masakit pero tanga ko eh,
Ang tanga tanga ko at minahal ko ito pati na si Johanna na anak nito,
Halos ako ang nagpalaki dito.Si Lucille?
Di ko alam kung babalik ito o hindi na,
Ang tagal tagal na kasi mula nun pumunta ito sa Paris at di pa muli itong bumabalik,
Ni phone calls, Ni Text wala, kahit sulat walang dumadating kina Jake at Johanna,Kung ano nang estado ko sa buhay ni Jake sa oras na dumating muli ito.
Natatakot ako na baka muli akong itapon basta basta ni Jake pag bumalik si Lucille,
Ayaw ko nang muling maranasan ang pinagdaanan ko dati lalo pa at di lang si Jake ang nawala sa akin, nawalan din ako nang anak....
At ang mas nakakasakit pa ay nun sinabi ko kay Jake na namatayan kami ng Anak,
Natatandaan ko na bahagya lamang nagulat ito at niyakap ako nito,
Walang salita na namutawi sa bibig nito,
Dinalaw pa nga namin na tatlo kasama ang baby pa na si Johanna si Roxanne sa sementeryo.Yun na ang una't huli na pumunta si Jake kay Roxanne,
Nasaktan talaga ako nun kasi mahal na mahal nya si Johanna samantalang si Roxanne.....
Pero inintindi ko na lamang ito at inisip na ganun siguro lamang ang reaksiyon nito,Masakit pero dapat na masanay na ako,
Minahal ko ang lalaki na ito eh....."Si Daddy nandyan na Mama Reona!" Excited na sabi ni Johanna pagkakita sa kotse ni Jake na nakaparada na.
Agad na binuksan na ni Johanna ang pinto ng kotse ko at patakbong pumunta na sa loob ng kabahayan.
Naiiling na sinundan ko na lamang ito at nakita ko na patakbo itong lumapit kay Jake at niyakap ito at agad naman na kinarga ito ng huli saka pinugpog ng halik ni Jake ito sa mukha.
"Daddy ang aga nyo pong umuwi" puna dito ni Johanna.
Lumapit din ako kay Jake at hinalikan ito sa pisngi na tinugon naman nito sa pamamagitan ng paghalik sa lips ko.
"Tama si Johanna bakit ang aga mong umuwi?" Tanong ko din dito.
Madalas kasi alas diyes na ito nakakauwi dahil tambak nga ang trabaho nito nitong mga nakaraang buwan.
"Tapos na kasi yun project namin kaya eto umuwi na ako agad para makasama kayong mag ina ko na makasalo ko sa hapunan" sagot nito.
Pagkaraan ay hinapit ako nito sa baywang ko karga karga pa rin si Johanna at iginiya papunta sa naghihintay na hapag kainan kung saan may mga nakahanda nang mga pagkain.Tila musika sa pandinig ko ang sinabi nito,
Mag ina ko....
Kung sana totoo yun kaya lang nagdudumilat ang katotohanan na di kami magka anu ano ni Johanna,
Wala akong ni katiting na karapatan sa anak lalong lalo na sa Ama nito.