Chapter I - Hindi ako criminal dude!

8.6K 40 11
                                    

Chapter I - Hindi ako criminal dude!

"kasi ilang beses ko na sinabi sayo na hiwalayan mo na yang boyfriend mo.. " bigla kong hirit kay Mika.

Nagco-complain nanaman ang bruha kong bestfriend sa wala niyang kwentang boyfriend. Pano ko nasabing walang kwenta? Birthday lang naman ng bestfriend kong 'toh ngayon. At guess what? Kaming dalawa lang ang magkasama.

"Tignan mo, birthday na birthday mo ni-hindi man lang magtext. " No-show yata ang drama ng pinkamamahal daw niyang lalaki.

"Osige na! I got the point. Wala nga siyang kwenta. Eh sa anong gagawin ko? Pinana ako ni cupid sa kanya. " Sabi ni Mika habang nag hahalungkat ng pera sa bag niya. Tinreat niya kasi ako ngayon. Malamang birthday niya kasi.

"Walang hiyang Cupid yan, oo! Pana ng pana hindi man lang naisip na nasasayang yung mga puno sa kagubatan para lang makagawa ng mga pana niya. "

"Ui! Wag kang magalit sa friend ko! " Langya! Kelang pa nakikipag-friend si cupid sa mga tao?

"Bahala ka nga dyan! " sigaw ko sa kanya. Alam niyo namang wala lang yun. Pero yung pakikipaghiwalay niya sa WALANG KWENTA niyang boyfriend, I really mean it.

"Tara na nga! Libot-libot muna tayo. Medyo maaga pa eh! " Mukhang full of energy pa rin siya kahit super ka-emohan ang mga pinagu-usapan naming kanina.

Naglibot-libot muna kami sa mga stalls. Feeling naman nung mga sales lady bibili kami. Super asikaso sila. Ang hindi nila alam wala naman kaming pera para bumili. Window shopping lang ang keri naming ngayon. Magse-sem break na at wala na next week yung ina-asahan naming allowance. So bad...

WET A MINIT! I mean, wait a minute mga dude na nagba-basa. Hindi ko pala nasasabi ang aking napakagandang name. My name's Sheryl Martha Cruz. Pero Shing ang tawag nila sa akin simula 3 years old pa lang ako.

"Shing! " see? "bili tayo nung thumbs up dun oh! " sabay hila niya sa akin. Syempre wala akong magawa kundi magpadala. May lahing amazona kasi si Mika. Shhh... quiet lang kayo. Ako lang kasi nakaka-alam nun.

Habang hila-hila niya ako, "Araouch!! " bigla na lang may bumunggo saming lalaki. Sa sobrang lakas, na-alis yung hawak sa akin ni Mika. Imaginine niyo na lang na amazona na yung nakahawak sa akin, na-alis pa.

"Shing ayos ka lang? Sayo yata super bumunggo yung lalaking yun eh. Hindi man lang nag-sori. Ang bilis pa ng takbo! Mga lalaki talaga walang magawang tama." Korak! Sana nare-realize niya ganun din yung boyfriend niya.

"Yep. Ayos lang! Teka," pagtingin ko sa baba may wallet. Hala! Baka naiwan nung lalaki. "Pano 'toh? Naiwan yata nung lalaki?" Sabi ko pagkatapos pulutin yung wallet. Ui! Mukhang makapal! WAAAAH! NO SHING! Mabait akong bata at hindi ako kumukuha ng hindi akin! Ang bait ko talaga.

"Yeay! May pan-shopping na tayo!! " At nagbunyi ang amazona?! Binatukan ko nga. "Joke lang eto naman. " Sabi niya habang inaayos yung buhok niya. "Pero kung gusto mo pwede rin! " binatukan ko nga ulit. "NAKAKARAMI KA NA AH! "

"Okay lang yan para matauhan ka na kay Nate, yung walang kwenta mong boyfriend! " sigaw ko sa kanya. At alam niyo kung anong sunod na ginawa ng bruha?

"Kanina mo pa ako ina-asar tungkol kay Nate. Nakakasakit ka na ah! " Nagdrama siya. Oh come on. Hindi ko na talaga kaya yung topak nito. "Anyway, I-surrender na lang natin siguro sa lost and found para kapag incase na hanapin nung lalaki yan. " Sabi niya habang nakangiti. Talk about mood swings.

"Okay tara na! " pero bago pa man kami naka-layo, may nakka-lokang sipol kaming nakarinig. At hindi lang yun ordinaryong sipol ah! Sipol ng guard.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon