Chapter VIII - Encounter with a Beast

15 1 0
                                    

Chapter VIII - encounter with a beast

"Alam mo bestfriend, parang... ang saya saya ko... " sabi ni Mika. Papasok na kami ngayon sa trabaho. At hindi ko alam kung bakit niya sinundo sa bahay. Mukha pa ngang timang kasi paglabas ko sa gate naming nakita ko pangiti-ngiti habang nakatingin dun sa kotseng kuba ng kapit bahay namin.

"Haaay... feeling ko nga masyado kang masaya, tinotopak ka nanaman. Bakit nga ba bigla bigla ka na lang uma-appear sa harap ng bahay namin?? " tanong ko sa kanya.

"Wala lang... gusto ko lang... " sabi niya habang nakangiti. Ano ba yan... Tino-topak nanaman siya. Ngumingiti nang walang dahilan.

"Speaking of topak... Kamusta na ba yung si Steph?? "

"Naku! Yung bading na yun... Malamang pinapantal pa rin yun matapos idikit yun sa, I quote from Steph, 'ever precious smooth and sliky semi-tan skin ' niya." Tapos ngumiti naman siya with a dreamy look. Nakakatakot na talaga 'toh minsan. "Ang kulit kasi ni Ice eh... " ahh.. kaya naman pala.

So, what really happened with Steph?? Okay, flashback... *tinganingnganinganing...*

"Guys! Tulungan niyo ako!Hinahabol ako ng rapist!! Gusto niya kunin ang aking pagkababae!!!! " sigaw ni Steph habang super nagmamadali siya papasok ng resto.

Bigla naman kumalampag yung pinto. Super na-tense kami lahat. "Okay dito lang kayo guys at gels pati na rin ikaw, " sabay turo kay Steph.

"Excuse me gel ako!! " nakipagbangayan pa talaga...

Unti-unti namang binuksan ni Aries yung pinto. Nagulat na lang si ice kasi nagpapakabayani siya, inunahan naman ni Aries sa pagbukas. "Pare naman! Sayang yung line ko! Ako na dapat eh! "

"Ano ba! Mag-ingat kayo! " sumiksik naman si Steph dun sa may cashier's table habang takot na takot. Grabe! Para siyang nilalapitan ng mga magagandang babae na nagkakagusto sa kanya. Pambihira?!

Sumilip naman kaming apat pinto. At... "Teka, ikaw ba yung rapist?? " tanong ni Ice. Binatukan naman ni Mika. Hindi ko naman inasahan yung sagot nung 'rapist' ni Steph.

"meow! Meow meow! " sabi niya habang dinidilaan yung paws niya.

Tinignan lang naming si Steph. "Wwaaaaahh!! Andyan na siya!! Iligtas niyo ako!! " Napatumbling naman kami dahil super nagsisigaw si Steph sa buong resto. Imaginine niyo na lang, mas grabe sumigaw ang bakla kesa sa mga babae. Kinailangan pa naming suksukan ng napakalaking pipino yung bibig ni Steph para lang matigil yung sigaw niya.

Binuhat naman ni Ice yung pusa. At guess what kung anong ginawa niya, "Meow meow?? " nagca-cat talk ang loko?!

"Anong tinanong mo?? " talk about walang kwentang usapan.

The conversation ended up with dalawang batok(s) . Yung isa galing sa akin pa-batok kay Mika, yung isa naman galing kay Aries papunta kay Ice. Akalain mong kausapin yung pusa?! At sabi daw nung pusa, nagugutom na siya. Pambihira?!

Pano nagkapantal si Steph?! Allergic pala ang bruha sa pusa. Ayun! Nung, "HUWAG MONG IDIDIKIT YAN SA EVER PRECIOUS SMOOTH AND SILKY SEMI-TAN SKIN KOOO!! " at poof! Nung pauwi na kami namula siya at tinubuan ng kung anu-anong bukol sa buong katawan with different shapes and sizes. Naka-confine nga raw sa ospital. Wawa...

"Ang babagal maglakad oh... parang walang trabaho!! Bilis bilis!! "

"Hindi ko talaga gusto yang matabang yan... " bulong sa akin ni Mika. Parehas talaga kami.

"Bouncing baby boy... sana tumalbog na lang siya tapos mapadala sa Mercury... " sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung san ko napulot yung Mercury.

"Korak! " at nag-agree ang magaling kong bestfriend.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon