CHAPTER XIX - ka-animal-an
"Bakit naman mukhang loka-loka yang si Steph?! Tignan mo oh! Nakatingin dun sa puno sa labas tapos naglalaway. Parang autistic lang oh! " sabi ni Mika habang nakatingin kay Steph.
"Kasi pupunta ako ngayon sa zoo. " Sagot ko.
"Ha?! Wag mo sabihing masaya siya kasi iiwan mo na siya dun sa zoo kasama yung mga kapamilya niya na matagal niya nand indi nakikita?! " sabi naman ni Mara. Si Mika naman nag-nod lang. Si Steph... Ayun! Naglalaway pa rin dun sa puno.
"Hindi. Tinawagan kasi ako ni Kuya. " Sagot ko sa kanila habang naga-ayos ako ng sarili ko.
"Ano?! Tinawagan ka ng kuya mo para ipasok sa kulungan ng leon yan si Steph?! " tignan mo nga naman kung anong nagagawa ng tsismis. Nagi-iba nga talaga ang kwento. "Astig yun! " Pambihira?!
Binatukan naman ni Steph si Mika. "Excuse me!! Hindi magagawa ni Michael na ipakain ako sa leon dahil gustong gusto niya ako!! "
"Gustong-gusto patayin... " may tama ka!!
"Tinawagan ako ni Michael para lang sabihin ko kay Shing na pumunta siya ng zoo!! " at bigla ba naman tumalon talon sa kwarto naming?! "For I know gusto lang niya ako makausap!! Bakit ako pa tinawagan niya pwede naman si Shing dib a?? " at tinignan niya nanaman yung puno sa labas. Teka, mukha bang puno yung kuya ko?! Mas pwede pa yung sumasabit sa puno.
"Hindi kayo naniniwala noh?? " Tanong ko dun sa dalawang bruhang parang puzzled yung itsura. Tipong hindi sila naniniwala na magagawa yun ng kuya. "Hindi kasi ma-contact ni Kuya yung cellphone ko kaya ayan. Pinagtsagaan bigla-biglang natawagan si Steph. Magkukumpisal nga raw siya mamaya eh. " Sabi ko sa kanila.
"Pambihira?! Parang kasalanan ang maka-usap si Steph ah! " sabi ni Mika.
"Si Kuya pa! Kinulang ng 10% yung IQ nun eh. " After kong sabihin yun, zinipper ko na rin yung bag ko. Whoa?! Ganito ba talaga ako katagal mag-ayos?! "O siya, siya. Pupunta na ako dun sa zoo. "
"Teka, matanong muna kita. Bakit ka nga pala pupunta sa zoo?? " tanong ni Mara.
"Ahh... Yung kinulang ng turnilyo ko kasing kuya, pinapapunta ako dun sa tito naming nagta-trabaho dun. Humihingi ng turnilyo este humihingi ng ostrich egg. Ewan ko kung san gagamitin. " Sagot ko sa kanya.
"Ano yun?! Kakainin nila?! Sa laki nun pwede nang pakainin yung buong soccer team nila ah! " sabi ni Mika.
"Malay ko. Baka ido-donate dun sa project ng SC. Marami ring mapapakain na bata dun. " Sabi ko. Binuksan ko na naman yung pinto. Kaya lang bigla akong tinawag ni Mara.
"Teka!! Hindi mo isasama si Steph?? " pinagpipilitan talagang iwan si Steph sa zoo?!
"Hindi yan bagay sa zoo. " Bigla namang nagningning yung mga mata ni Steph. Hala?! Na-touch sa sinabi ko?! "Sa mental asylum dapat. " At yun! Inirapan lag ulit ako at tinitigan ulit yung puno sa labas. "Bye!! "
Saturday ngayon at hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming kamag-anak namin ng sira ulo kong kuya, ako pa yung nautusang kumuha nung ostrich egg. Mukha ba akong taga-kuha ng itlog?! Sumakay na naman ako sa tryke at wwwoooosssh!! After ilang minuto, nakarating na rin ako sa zoo. Ngayon, saan ko hahanapin ang crocodile wrestler kong tito?!
Pumila naman ako dun sa bilihan ng ticket para makapasok. Pambihira?! Tignan mo nga 'toh, inuutusan na nga ako, ako pa magbabayad ng entrance fee ko?! Habang binibilang ko naman yung sukli ko, may nakabangga naman ako. "Sorry po!! "
Tumingin naman sa akin yung lalaki. "Hey! Ikaw pala! Athlete's foot?? " Pambihira?! Bakit ba hindi ako tinatawag ng mga tao sa pangalan ko.
Ini-stretch out ko naman yung kamay ko. "Shing hindi athletes foot. " Sabi ko sa kanya. Nakipag-shake hands din naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...
