CHAPTER XXVII - Wala sa lugar

5 1 0
                                    

CHAPTER XXVII - wala sa lugar

"I do... "

"You may now kiss the bride " sabi ni father.

Oh my gosh!! THIZIZIT!! After all these years ikinasal na ako. Ay hindi pa pala completely kasal. Kulang na lang ng kiss to seal the 'deal'. Asus! May pa-deal deal pa akong nalalaman. Sige na nga, ipipikit ko na mga mata ko.

"You're really pretty today " sabi nung groom ko. Sus! Lagi naman akong maganda eh.

Okay I'm waiting... waiting... Tagal naman nung kiss. Okay be patient Shing!! And, keep your eyes closed!!

.

..

...

....

.....

Ang tagal ah... Limang period na yun...

Sira-ulong groom yan! Ang tagal nung kiss. Mahiwalayan ko nga bukas. Teka?! Bakit ba ako kinakasal?! Unti-unti ko namang binuksan yung mata ko.

-_-

O_o

>_<

@_@

T^T

"Nakakatuwa kang tignan... " sabi nung mokong na nakangisi, pagmulat ko ng mata. Na I'm pretty much sure na hindi yung groom ko. "Kanina ka pa nakanguso diyan. " Tapos tumawa naman siya ng malakas.

Ay oo nga pala. Naka-nguso pa ako. Kasi naman eh!! Ang tagal nung groom ko. Teka, panaginip lang pala yun. Kainis! "Tigilan mo ako... Mao-ospital ka ng wala sa oras!! " tinaasan ko naman ng kilay.

Pinatong niya naman yung ulo niya dun sa hinihigaan ko para kapantay ng mukha niya yung mukha ko. "Katulad ng ginawa mo?? "

"Ha?! " tumingin tingin naman ako sa paligid ko. Puti yung walls. Puti rin yung kurtina. Puti rin yung side table. "Patay na ba ako?? Nasa heaven na ako?? " tanong ko kay Aries.

"Muntikan na. " Nagsmirk lang siya tapos inangat na yung ulo niya tapos tumingin-tingin din sa paligid. "Pero wag ka mag-alala. Kapag namatay ka, red and black yung colors na makikita mo. " Pinalo ko nga sa tiyan. Bad!!

Teka... Tumayo naman ako sa pagkakahiga. "AAAwwccHH! " napalingon naman siya agad sa akin. Hinawakan ko naman yung ulo ko. "BENDA?! "

Umupo naman ulit siya dun sa may gilid ng kama ko. "Kanina pa yan nakalagay sa ulo mo. " Tumingin naman siya sa taas. Siyempre tumingin din ako. "Kahapon pala. "

"ANOOOO?! " bigla ko naman siyang nasampal. "Ay mali... Sorry!! "

Tumingin naman siya sa akin ng masama. May galit?! "Na-aksidente ka kahapon. Nabangga ng cr-v. "

"AAAAAAAaaaaaaAAAAaaaaaaaaNNNNNNNNnnnnNNNNNNnnnOOOoooooOOOO???!! "

Muntikan ko ulit siyang masampal. Nagulat na lang ako nung dumaplis lang dun sa kabilang pisngi. Wow nakaiwas!! Pwede nang pang-action movie. "Please lang!! " tinaas niya naman yung dalawang kamay niya. "mas okay kung hindi mo papantayin. "

"Teka anong sinasabi mo na na-bangga ako ng cr-v?! " ang tindi ko naman. Nabangga na ako ng cr-v buhay pa! Pwede na akong pang-headlines sa mga tabloid.

"Oo nga. " Kumuha naman siya ng saging dun sa may basket na nakapatong sa side table. "Pahingi ah... " lokong 'toh kumain pa ng pagkain ko.

Inagaw ko na lang yung nabalatan niya nang saging. "Dali! Kwento mo na!! Bakit ako nandito sa ospital!! "

Kinuha niya naman ulit yung saging. "Atat ka!! " kukunin ko sana ulit kaya lang biglang sinubo niya tapos niluwa din after. Teka, parang napanood ko na 'toh sa kfc ah?! "Oh ano?! Kukunin mo pa?! "

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon