CHAPTER IV - summer what?!
"Susi... susi... please magpakita ka na oh! " kelan pa nakakarinig ang susi??
"Hui! Hindi tutubuan ng tenga yung susi... " sabi ko sa kanya
"Yeah right! Tulungan mo na nga lang ako. Ikaw naman may kasalanan kung bakit nawawala yun eh." Sabi niya while still brushing the floor. Asting! Instant vacuum cleaner!
"Hala! Ako daw ba sisihin? " dahil mabait ako, tumulong sa search for the missing room key segment niya. "Pero infairness, quits na tayo. Nawala ko susi mo, naapakan yung paa ko dahil sayo."
Tuloy lang kami sa kakahanap nung susi niya. Ewan ko kung bakit masyado siyang nagmamadali hanapin yun. Well, whatever it is, masyado akong mabait para tulungan siya.
Bigla naman may biglang kuminang sa may bintana. Dahil curious akong bata, gumapang ako papunta dun. Bwisit! Bakit kasi hindi pa ino-on yung ilaw. Halos isang oras na rin yun ah! At hindi nga ako nagkakamali! Ang oh-so-important key ni Aries!
"FOUND IT!"
Bgsshhkk!
"Ouch! " sabi ko sabay hawak sa noo ko... masakeeeeeeeet!
"You make my head hurt!" napatingin naman ako sa kanya. Teka, line ko yan ah! "literally... "
Salamat sa madilim na lugarat nagka-umpugan lang ang aming mga noo. AT HUWAW!! "May ilaw na pala. "
"Yeah, after ng clash ng mga noo natin. Ang galing parang nagcreate ng spark. Nagpabalik ng kuryente. " Sabi niya. Tinaas naman niya yung susi "Salamat sa tulong" nagpagpag naman siya habang tumatayo "sa head bat din. "
"Wag mo kong pilitin ihagis ulit sayo yung susi!" sabi ko habang tumatayo. May kasama kasi akong jentelman <appropriate spelling para sa kanya> na pinabayaan akong tumayo magisa.
Lumapit naman siya sa akin. At super tumindig mga balahibo ko dahil super lumapit siya sa akin. UHmmmm... A foot?? Or maybe half?? Or uhmm... a few inches?? Yeah right! 2 inches siguro!!
"Hooooyy!! Maintain your distance dude! Ayon sa Archi Class ko intimate distance 'toh! Ang dapat sa friends and acquiantaces is about a foot or longer!"
Pinitik niya lang yung noo ko. "Aray!! Nakita mo nang injured oh! " sabi ko sa kanya while pointing on my forehead.
"Ang tigas talaga ng ulo mo... " tapos wooosh! Lumabas na siya. Aba't--?! Iniwan talaga ako?? Bumukas ulit yung pinto at lumubas yung ever nakakalokong ulo nung mokong. "Ms. Magna wala ka bang balak lumabas?? Let me remind you, hindi mo 'toh kwarto. "
Napatingin naman ako sa paligid. Sabi ko nga eh, lalayas na ako...
Mag-isa na lang akong bumalik sa may lobby. Paglabas ko nung kwarto wala nang bakas ng Aries. Hala! Disappearing act?!?! Aba!! Mga buhay pa pala ang people dito? Nagke-kwentuhan at parang walang nangyari kanina. Mga walang hiya! Kayo yung umapak sa akin kanina eh!!!! Bago pa ako tuluyan makapagdrama, tinawag na naman ako nung tatlo, sina Mika, Steph at Ice, dun sa may harap. San kaya nanggaling 'tong mga 'toh??
"Hoy Bading!! " malamang kilala niyo na kung sino yung tumawag sa akin? Umupo na naman ako kasi hindi ko yata kayang makinig kay Steph nang nakatayo. Masyadong mahaba yung sasabihin niyan. Tignan niyo? "Kamusta?!" ahhh... mahaba nga...
"San naman kayo nanggaling??" tanong ko sa kanila.
At nagtinginan lang ang tatlo. At yung isa, si Ice, naging look-out. "Wala si Manager..." So??
"Uhmmm... Kumain lang kami kay Aling Nenita.! Nakakagutom na eh... " sabi ni Mika.
"Yeah! Ginutom ako ng cheverloung dorm's save the world day! " sabi ni Steph.
And lastly, pahuhuli bang magcomment si Ice? "Yep! Atsaka dun, may ilaw! Maliwanag! " malamang maliwanag kasi may ilaw...
"Teka, teka, ikaw? San ka nanggaling? " ako?? May pinuntahan baa ko?? <<memory gap..
"Uhmm... ako??"
"BINABATI KO KAYO MGA MINAMAHAL KONG MAGA-ARAL!! " Napatayo na lang kami sa kinauupuan namin. Pambihira! Mas matindi yung takot naming sa kanya kesa dun sa 'ili ili' music. Tsk tsk tsk! "Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kayo nagkagulo. But anyway, ang galing natin! Nakatulong tayo sa ating pinakamamahal na Mother Earth!! "
"Haayyy... Next sem sa Dorm 2 na ako maga-apply... Ayoko na dito.. " sabi ni Ice
Tumingin na lang samin yung dorm manager. Hindi na lang kasi tumahimik. May bagong meaning na ulit ako sa entry ko sa aking name dictionary about kay Ice...
Ice (ayssssss) - alipores ng complainant ko; love interest ni Steph. (na unknown pa rin kung tamang meaning). Dakilang side commentator...
Pinabalik na naman kami sa mga kwarto namin. Wala na namang importanteng napagusapan. Siyempre ang makakausap ko lang, si Mika. So, wala talaga importanteng napapagusapan. Uhhhhmm... Do I still make sense??
Kinabukasan, dumalaw lang kami sa school namin para kunin yung class cards namin. As usual maraming nagi-iyakan at nagluluhuran sa harap ng prof dahil sa failing marks. Uhhhmm... yung akin? Okay lang. Good enough para ma-maintain ko yung scholarship ko. Good news di ba?
"Bruhilda!!! " CARING na tawag sa akin ni Steph. "Kamusta ang mga grade lalu mo? Deal or no Deal baa ng drama?! "
"Deal" deal means tanggap ko yung grades ko.
"Bakit si Shing!! Naka-1 sa English 10... >.< nung nagtake ako niyan nagremovals pa akooooooooooo....... " Sabi ni Ice habang HUWALA?!!?!?
"Pano mo nakuha yan?! " tanong ko sa kanya
"Hinablot ko... " sabi ni Ice habang umiiyak pa rin dun sa class cards ko.. T.T bumulong na lang si Aries at sabi "may lahing magnanakaw "
"Teka, speaking of magnanakaw, gusto niyo ba mag summer job?!!?! " hindi siya excited..
"Anong koneksyon ng magnanakaw sa summer job?? " tanong ko kay Ice
"Wag mo na patulan. Madi-disappoint ka lang after mong malaman yung sagot. ." sabi ni Aries. Uhhhhmmm... Okay lang sanay na ako kay Mika.
"Magnanakaw. Nagnanakaw ng pera! Meaning in-need sila ng money. And that's the way how they earn theirs. Through summer job, we'll earn money!!!!!! Moneeeyy!! And more moneeeeeyy!!!! "
"Ang galing ng analysis!!! " mas na-disappoint yata ako sa pagpuri ni Mika sa lebel ng analisasyon ni Ice. Waw! Nose-bleed...
"See Ms Magna? " Yeah... Teka, sumasagot ako sa Ms Magna?! Haaayy.. unti-unti natatanggap ko na yata yung nakatadhanang pagtawag sakin ni Aries na Ms. Magna..
"So Shing! Tara! Sama tayo sa summer job nila Ice!! " sabi ni Mika. Nag-nod naman si Steph
"Uhmmm... Let me think about it... " sabi ko whiel placing my finger sa aking sentido. "No. "
"Awwwwww... Shing-gerbou! " kelan ko naging apelyido ang Gerbou?! "Sumamer ka na!! Not to mention, baka mabulok ka lang sa bahay niyo! Kaw rin!" at talagang--?!
"No! There's no way I'll be going on that summer job."
"Sigurado ka na ba dyan? "
"Yep. 100% sure! "
"So ang gagawin niyo lang is magentertain ng costumers, maglinis ng counter top at kung ano anong madumi dito sa restaurant, and lastly, maghugas ng plato dun sa likod." Sabi nung lalaking parang na parang bouncer pero sabi ni manager daw siya..
"Ain't that easy as a summer job?? "

BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...