CHAPTER V - close encounter
"May pa-100% sure ka pang nalalaman. Pupunta ka rin pala. " Hindi ko ginustong pumunta dito noh!
"Hay naku Aries! Hindi mer alam kung panong pilitan ang naganap sa kabahayan ng lola mo kanina para lang dalhin siya dito. " Sabi ni Steph. Ano ba yan!
"Yep! Witness ako dyan!! " sabi ni Ice.
Yeah witness sa lahat ng torture sa doorknob ng kwarto ko. It all started with a crash. Hinulog nila ako sa kama ko. Pinapasok sa cr. Ni-lock at walang ibang magagawa kundi maligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Alam kong wala akong magagawa kundi sumunod sa kanila kundi baka ipatapon nila ako sa Dapitan. Next thing I know, nakatayo na ako sa harap ng 'All meals P99!' sign.
"Hoy ikaw diyan! " turo niya sa akin.
"a-a-ako?! " sabay turo ko rin sa sarili ko.
"Malamang, kanino ba nakaturo yung daliri ko?? Sa sarili ko??" Pilosopo si Bouncer. "Puntahan mo yung customer dun! Tanungin mo kung anong pang kailangan nila!"
Yan ang naging drama ng aking buhay may trabaho ngayong araw. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ako yung pinagiinitan ni Bouncer. Eh marami naman siyang tauhan! Ang dami talagang taong gusto ako pabagsakin! Pero hindi ako matitinag!! Never ever EVER!!!
"Oi! Tawag ka ni manager "
"Ako nanaman. Lagi na lang ako, ako, ako. Kelan ba magiging... "
"Sheryl Martha!" YUCK! Ang pangit ng tawag sa akin. Ilang beses ko na sinabi sa kanyang SHING SHING AT SHIIIIING ang itawag sa akin! "Kunin mo yung order nung nasa table na yun!!"
"Oo nga Sheryl Martha kunin mo na! " Tinignan ko na lang ng masama si Ice nun. Flooooorrrr... lamunin niyo siyaaaaaaa... Ultimate super powers!!!
"SHERYL MARTHA!!!! "
"OO na po!! Nandyan na!! " Tumakbo na naman ako dun sa table na yun. Nakakainis talaga. Sa bahay nga hindi ako mautusan nung mga loko-loko kong kasama dun. Dito naman super utos yung Bouncing baby boy na yun!
"Sir, may I take your order? " sabi ko dun sa customer. Kaya lang nung tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa... uhmmm... ang sarap dukutin ng mata masyadong mababa yung tinitignan. Naka-skirt pa naman ako ngayon dahil uniform daw.. T.T "SIR!!" this time tumingin na siya sa akin.
"Ahh..." kung san-san nanaman tumitingin...
"Sir ano pong gusto niyong orderin?! " nagtitimpi pa ako nito. Pasalamat siya at may pledge of service of whatever you call that na ibig sabihin lang is dedicated ako sa work ko. Pledge of loyalty bay un?
Nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinawakan sa may bewang at hinigit pa-upo sa lap niya sabay sabing "Ikaw Ms anong gusto mo? " talagang--?! "gusto mo ba sumama sa akin??" sabay ngiti...
BLAG!!
Pinagpag ko yung mga kamay ko. Aba aba aba! Girl power ito mga dude! Nasuntok lang naman siya ng aking magagandang kamay. Feeling niya guwapo siya ah! Bigla naman pumunta si bouncing baby boy sa table. Tinulungan niya pa yung bastos na lalaki!
"Pagsabihan niyo yang babaeng yan ah! " sabi niya habang hawak yung panga niya tapos nagwoooooosh! Nawala na siya sa aming paningin! Tama lang yan!! Go away!!!!
Tinignan ko naman si Mr. Bouncing baby boy at... uhmm... ahahaha... nakatingin siya sa akin ng masama. Yung tipong gusto niya ako sunugin ng hadouken powers niya... "SHERYL MARTHA!!!!! " tinaas niya na lang yung kamay niya... Oh my gosh!!! Is this the end of my ever beautiful life?!?!
"Oops... "
Ang tagal naman yata nung hinihintay kong malakas na sapak galing kay Mr. Bouncing baby boy. Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko. At...
"PAUL ARIES!!! " ang intensity ng voice walang pinagbago!!
Pinunasan naman ni Aries yung natapon niya kay Mr. bouncing baby boy. Yuck!!! Ang lagkit! Milkshake ba naman yung itapon. "Sorry sir, pupunasan ko na lang..."
"WAAAHH!!! KAYONG DALAWA!! MGA WALA KAYONG KWENTA!! " at nagwalk out siya!! Haayy... saved na ang precious buhay ko... "SHERYL MARTHA!! Maiwan ka mamaya kakausapin kita." Hindi pa pala... "At ikaw!" sabi niya sabay harap kay Aries, "LINISIN MO YANG DUMI NA GINAWA MO!!!" uhmmm... mukhang kelangan ko na ng EENT. Ang sakit sa tenga!
Tinap naman ako ni Ice sa shoulder. "Nice punch! " sabi niya while smiling.
"Tinalo si Pacquiao... " pasalamat ka niligtas mo ako kanina!
"Alam mo bang may negative impact yung ginawa mo sa restaurant?! " blah blah blah.. paulit-ulit na lang yan line niyang yan...
"Mr. Bouncing bab--, I mean, Manager, eh ang bastos nung lalaki eh! Porket ba customer siya at waitress lang ako pwede niya na gawin yun?! " defend ko sa sarili ko! Go girl power!
"Oo pwede niya gawin yun!" aba't--?! "At may negative impact yun sa restaurant! Hindi mo ba yun naisip?!" see?! Paikot-ikot lang yung paguusap namin!
Wala ring nangyayari sa usapan namin. Ide-defend ko yung sarili ko, siya naman, uulitin lang yung 'may negative impact yun sa restaurant!'. Haaaaaayyy....
"Dahil diyan, wala kang suweldo ngayong araw!! " At talagang--?! Sinusubukan niya ang aking powers!!! Tinignan ko na lang siya ng matagal... flooooorrrrrr.... Kainin niyo na siyaaaa....
Hindi na rin ako makikipagtalo kasi ang susunod niyang line ay 'may negative impact yun sa restaurant.' Pambihira! Parang pinrogram na sa brain niya na yun yung sasabihin kapag may sinsasabi akong di hamak namang mas sensible kesa sa mga sinasabi niya.
Umalis na ako ng restaurant. Bahala siya dun! Siya mag-sara noh! Wala na nga akong sweldo ngayong araw eh! "Pagnakita ko talaga ulit yung lalaking yun--"
"No to bad thoughts Ms. Magna " napalingon na lang ako. Naman!! Parang monggo talaga siya. Ang bilis tumubo. "Bawal yan sabi sa bible! Not to mention, masama sa kalusugan" napakunot na lang ako ng noo. Ano raw?! Med student ba siya at the same time nagse-seminaryo?! "Yan, nire-wrinkles ka na... Tsk! Tsk! Tsk! "
"Pwede ba... Tigilan mo muna ako ngayon. Naa-asar pa ako dun sa lalaki tsaka kay Mr. Bouncing Baby boy... " sabi ko sa kanya. Tapos umalis na ako.
At magtataka pa ba ko kung sumunod siya?! "bouncing baby boy?? "
"Oo. Yung dakilang manager natin. " Tumingin lang siya sa akin. Para bang nagtataka siya kung pano ko napulot yun. "Sabihin mong hindi?! "
Tumawa na lang siya. "Sabi mo eh! "
"Teka bakit nandito ka pa?? " tanong ko sa kanya.
"May hinahanap lang akong pusa..." sabi niya habang nagtitingin-tingin sa may floor. Sira talaga 'toh. Tapos bigla siyang napatingin sa akin, "Ay! Nakita ko na pala! " talagang--?!
Tumakbo naman siya palayo. Parang sira! Akala naman niya hahabulin ko siya?! Oh well, hinabol ko nga. >.< "PUSA AH!! BUMALIK KA DITO!! "
"Yung boses mo parang boses ni Manager!! "
"Yuck! Wag mo ako i-compare sa bouncing baby boy na yun!! " sabi ko sa kanya.
Hinahabol ko lang siya nun. Nakakahiya nga kasi para kaming mga timang nanaghahabulan sa public na lugar. Feeling nila nanonood sila ng movie na 'habulin mo ako' yung theme. Eeew...
Bigla namang may nabunggo akong babae. Uh-oh alam kong nahawaan ako ni Mika ng pagkaka-amazona niya, alam kong medyo malakas yung tama ko. Malakas ang tama means malakas ang pagkakabunggo hindi malakas ang, alam niyo na..
Huminto rin naman si Aries para tignan kung ano yung nangyayari. Usi...
"Uhmm.. miss sorry. Teka tutulungan kita" sabi ko dun sa babaeng medyo uhmm.. sosyalin ang look ng bruha...
"OK lang ak--"
"Mara?? "
"Shi-Long time no see slut! "
![](https://img.wattpad.com/cover/2748424-288-k660653.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...