Chapter XV - Gutom lang yan

3 1 0
                                    

Chapter XV - gutom lang yan

"haay! Preskong lugar!! Sobrang na-miss ko itong kwartong 'toh!! " sabi ni mika habang binabato sa kama ko yung mga damit niya. Nati-timang nanaman ata.

"hoy babae!! Yung gamit mo nasa kama ko!! " napatingin naman siya dun sa tambak na damit na binato niya. Buti na-realize niya di ba??

At akalain niyong ngitian lang ako ng bruha?! "Palagay muna ng gamit!! " at talagang--?! Binato ko naman yung mga damit niya sa ulo niya. Ayun! Naging parang ghost na sumabit sa clothes' line!! "Hey!! Nagpaalam naman ako ahh!! " sabi niya habang inaalis yung mga nakasabit na mga damit sa mukha niya.

"Tignan mo nga yan kama mo!! Ang luwag-luwag tapos sa akin mo ilalagay!! " tapos tinuro ko naman yung kabilang kama. "Tignan mo nga may isa pang kama dun!! Talagang pinili mo pa yung akin!!" sabi ko sa kanya after kong ipagpag yung dalawa kong kamay dahil tapos ko na ilipat yung payatas ng mga damit niya mula sa kama ko papunta sa kanya.

"Teka, speaking of isang kama?? Ano 'tong latest feature na dinagdag ng dorm sa room natin " tanong niya sa akin habang nililipat uli yung mga damit niya sa kama ko. Pambihira?! Pinagsabihan na nga eh!!

"Aba malay ko " sagot ko kay mika. Habang hinahagis ko pabalik yung mga damit niya. "Baka binigyan sila ng extra fund. Ayun! Tinopak sila at bumili ng bagong kama. "

"Asus! Hindi nila yun gagawin!! Si manager pa?!? Bibili ng extra na kama sa 358 ay may 357 pala kasi storage room yung isa" pambihira?!? Alam ni Mika yung exact number ng kwarto dito?? "Baka lagnatin siya. " kwento niya habang patuloy na hinahagis yung mga damit niya sa kama ko.

Ang tigas talaga ng ulo ng timang na 'toh. "Bakit nila nilagyan ng extrang kama?? " ano ba yan, hinahagis ko pa rin pabalik yung mga gamit niya. Nagiging bundok nanaman sa kama ko.

"Siguro para sa ma mumu... Woooo! " tinigil niya muna yung paglagay niya ng gamit niya sa akin. Nag-act naman siya na parang si Sadako. Yung tipong naka-arms forward siya tapos naglalakad. "Pero I doubt it. " Tinuloy niya na naman ulit yung paghagis niya ng damit niya sa kama ko. "Hindi titira mga mumu dito kasi matatakot sila kay manager. Ako nga nung unang pasok ko dito natakot ako eh! Akala ko buko ng niyog na tinubuan ng tao eh! " at nagawa niya pang mang-alipusta??

"Hindi naman. Parang hopia baboy lang na naka-meet ng fairy godmother na ginawa siyang tao. " nag-nod naman si Mika. Naniwala nanaman siya sa kalokohan ko. Saka ko lang na-realize na hindi pa rin siya tumitigil sa pagtambak ng damit niya. "MIKAAAA!!! "

Tumingin naman agad siya sa akin. Tinuro ko yung mika's clothes-made smokey mountain sa kama ko. Tumakbo siya agad sa akin tapos nagpakita ng close-up smile niya while saying, "Sensya na! Eto na!! Inaalis na!! Gusto mo bilangan ko pa eh!! 1, 2, 1, 2, 1, 2, 3!! "

Pambira?! Sana dineretso niya nalang sa closet niya yung mga damit kesa ini-istambay sa kama, kama KO. Teka, bakit kami naga-ayos ng mga gamit naming ngayon sa dorm?? Naku!

Pinabalik na kami ngayon sa dorm. Hindi pa kami kasi pinalipat agad nung pasukan kasi under renovation daw. Under renovation?! Eh ang nadagdag lang naman ay yung extrang kama sa bawat kwarto eh. Kaya eto ngayon second week lang kami nakalipat. Nakakapagod ding umuwi-uwi sa bahay.

Nagulat na lang kami nung biglang bumukas yung pinto. "HALLLLUUUU!!!! "

"HAYAAAHH!!!! " at pumorma nanaman si Mika nung stance ni Jackie Chan. Parehas lang naming siya tinitigan ni Mara. "Ay sori! Mabait na pala siya! Sorry memory gap lang!! "

"Teka, bakit nandito ka?? " at bago pa man siya sumagot lumundag na siya dun sa isang kama. "ha?? "

"Ako yung magmo-move dito. " Seryoso?? Tatlo sa isang kwarto?? Akala ko talaga pang-mumu yun.. "Masyado daw kasing marami yung demand ngayong sem eh. Kaya eto ako!! Dito na ako!! "

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon