CHAPTER XXII - Seryoso?!

3 1 0
                                    

CHAPTER XXII - seryoso?!

"te- te-- teka?! " lumuhod naman ako sa harap nung bata. "wag ka umiyak! I mean, ba't ka umiiyak. "

"mama... *sob* miss... *sob* you... " ah okay... May mas malala pala sa mickey mouse gropies na nakakain ng mickey mouse cookies.

"Ineng, feeling ko nawawala yang bata na yan. " ako din eh... Feeling ko mawawala ako sa sarili ko.

"Okay sige... " hinawakan ko naman siya sa super liit niyang kamay. "Dadalhin kita sa guard. Tapos hahanapin natin yung MAMA mo. Okay?? "

At sa ikinataas ng langit, mas lalong lumakas yung iyak niya. Pambihira?! Ayon sa aking ear-o-meter, ang kanyang boses ay may 1000++ (take note!! Plus plus yan!! )

"no... *sob* don't... *sob* mama... *sob* leave... *sob* " hindi ko *sob* siya *sob* maintindihan... Teka?! Ba't pati ako umiiyak?!

Tinignan ko nalang si kuya sorbetero,

Manong sorbetero tayo'y sumayaw

Batang munti sayo'y naghihintay

Kalembang mong hawa--

Bakit may background music?! Nasobrahan ata ako ng kape kagabi... Nag-inuman kasi kami. Eh, hindi marunong uminom ng beer. Ayun! Napagdiskitahan yung kape. Masabi lang na nag-inuman kami.

Anyway, tumingin na lang ako kay kuya. At mukhang na-gets niya yung ibig kong sabihin. "Ayaw niyang iwan mo siya. Ayaw niyang iwan siya ng mama niya. " Ano?!

"So ibig sabihin, ako ang gagawin niyang dswd habang hindi pa namin makikita yung nanay niya?? " kamusta naman itong batang 'toh nakayakap sa binti ko at umiiyak. Hey!! Baka malagyan ako ng sipon!!

Tumango naman si kuya. "Mukhang ganun na nga. Pero iniisip niya talaga mama ka niya eh. " tumingin naman siya sa may likod ko. "Andyan na si Sir "

Tumayo na naman ako mula sa pakakaluhod. Teka, speaking of sir, may nawawalang bata pa pala akong kasama. "Sino yang batang yan?? "

"Monster!!! " at umiyak ulit siya ng pagkalakas-lakas. Mukha bang monster si Aries?! Sa pagkaka-alam ko asal monster lang... "I don't like you!! *sob* Go away!! " maldito pala 'tong batang 'toh.

Lumuhod naman si Aries para ka-level niya yung bata. "I don't like you either. So might as well YOU go away and mind your own business. " binatukan ko nga.

"English-in daw ba yung bata?! Tignan mo lalo pa tuloy umiyak. " sabi ko sa kanya habang tumatayo na siya.

"Nage-english eh!! " sabi niya habang nagkakamot ng ulo. "Ang sakit nung batok mo ah! " Tinignan niya naman yung bata. "Anong problema niyang batang yan?! "

At ipinaliwanag ni kuya kung anong nangyayari dun sa bata. Galing talaga ni kuya. "Teka kuya, pano ka nakakaintindi ng language ng batang 'toh?? Hindi nga makabuo ng thought nung una eh. "

"Ako pa! Sa dami ba namang bata na tumatambay dito sa stand. Sinong hindi matuto ng weird na language nila. " at talagang finlip pa niya buhok niya. Nagpapakitang gilas. Kuya talaga oo.

"So anong plano mo kuya sa batang 'toh?? " tanong niya.

Tinignan lang kami ni kuya. Tapos sabihin daw ba, "Hindi ko plano. Anong plano NINYO?? "

"Hey hey hey!! Ayoko ng ganyang biro. " sabi ni Aries habang nakataas yung dalawang kamay. "Ibigay nalang natin sa guard! Aray teka!! "

Bigla biglang pinalo nung bata sa binti si Aries. "You're bad!! Bad!! " yumakap naman uli siya sa binti ko. Pambihira?! Binti lang kaya niyang abutin?!

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon