CHAPTER III - Dictionary
Pagpasok ko ng kwarto ko, I mean namin, question and answer portion na agad yung nangyari. Siyempre sino bang hindi magtataka na may bigla bigla na lang papasok na nilalang sa kwarto na parang basang sisiw. Buti at may consideration pa siya at pinagpalit niya muna ako.
"So anong drama mo sisterette at basing-basa ka ngayon?!" tanong ni Mika. "Pambihira! Daig mo pa yung mga isda sa wet market ah! " Connect?!
"Sandali? Di ba tuyo na yung mga isda pagdating sa palengke? " genius kong tanong kay Mika.
"Sira! Kaya nga wet market eh!" ano raw?! "Wet lahat ng binebenta dun!" Mga mahal kong mambabasa, napaluha na lang ako sa mga pinagsasabi ng bestfriend ko. Next thing I know, naglanding yung kamay ko sa ulo niya. "AWWWWCH!! WATCHA DO DAT POR?! "
"Ibig sabihin pati yung mga bigas na binebenta dun basa?!" tanong ko sa kanya.
At isang makasaysayang "Bakit hindi ba? " and madramang sagot ng aking bestfriend. Pinatulan ko pa kasi yung wet market niya eh. T.T nakakapanlumo.
"Haaayyy... Anyway, kaya ako ganito kasi wala akong masakyan. Ala ba namang tubuan ako ng monggo dun sa waiting shed." Sagot ko sa kanya.
"Bestfriend, it's supposed to be kabute... "
"Anong kabute? " tanong ko sa kanya. Gutom nanaman siguro ang bruha
"Bestfriend natitimang ka na. Wala namang tanim na monggo sa school." Your point is? "Kaya ang tutubo sayo kabute hindi monggo. " Sabi niya sa akin with matching twinkle ng eyes at light bulb na bigla na lang sumulpot na parang kabute sa may ulo niya.
"Mika," tumingin lang siya sa akin, still with the twinkling stuff sa mga mata niya. "Yung wrinkles ko lumalabas na... " lumapit naman siya sa akin. At talagang--?!
"Okay lang yan bestfriend magpapaderma tayo bukas!" talk about hopelessness... "Teka teka teka... Bruha! Sana naisip mo na may payong ka sa bag mo di ba?! " Shoot!
"WAAAAH! Nakalimutan kong may payong pala ako!!" dun ko na na-confirm na nakain na completely ng brain cells ko ang utak ko.
"Haaaayyy..." comment pa? "Malaking T talaga..." tumingin na lang ako sa kanya ng soooooper saaaaammmaaaa! Yung tingin ba na tipong nagtatawag ng mga fire sa ilalim ng kalupaan hoping na lamunin ang bestfriend ko ng buhay. "Eto naman. Malaking T means Timang. Kaw ah! Kung anong iniisip nitong bad ideas! "
"Mika, yung blood pressure ko tumaataas. Feeling ko yung blood sugar level ko nasa highest level possible na. At the same time-"
"Naku bestfriend! Masama na yan! Ang bata-bata mo pa lang pero ang dami mo nang sakit!" Better keep myy mouth shut.
"Uggh... I'm gonna faint!"
"HALLOUUU MGA FRIENDSHIPS!! " biglang bukas ng pinto at pasok ng isang nilalang.
"fainting... FAINTED..."
"tooot... tooot... tooot... toooooooooooooooot!!!!!!!" ano raw?!
"Ano ka?! Unknown life form from toooot planet?! " tanong ko sa ever fresh from the toilet bowl kong kaibigan na si Steph.
"Sira! Yan yung device sa hospital. Yung nagde-determine ng heart beat rate ba yun?! Basta kapag may tumunog na sooooooper haba means deadish na yung kinakabitan nung device!"
"You guys really make my head hurt!" yan na lang ang nasabi ko sa kanila.
Attention all dormers, please proceed to the lobby for the 1st dorm's save the world day.
Ano raw?! Ang weird nung pangalan nung kung ano mang event na yun. Bigla namang tumayo sina Mika at Steph. Tumingin na lang ako sa kanila.
"Sasama ka ba o magpapatubo ka ng kabute dyan?!" tanong ni Mika. Haaayyy... buhaaaayyy...
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...