Chapter IX - Epistaxis
On leave si bouncing baby boy ngayon. Pumunta daw sa Hawaii. Nabunot daw sa isang raffle draw. Naku! Sana kainin na lang siya ng mga pating dun. Kaya ang saya saya naming mga nagtatrabaho ngayon. Inspired na inspired kaming magtrabaho kasi walang malaking bola na tumatalbog talbog sa loob ng resto.
"Tignan mo yung dalawa dun oh... " tumingin naman ako dun sa tinuturo niya. Aba't--?! Kasweetan sina Mika at Ice.
Hindi ko pa pala nasasabi na nanliligaw na si Ice kay Mika. Mga 2 ½ weeks ago na. Wow! Ang galing pa rin ng estimation ko. 2 ½ weeks means ang bilis nagdaan ng panahon at pasukan na ulit next next week.
"Okay na yan kesa naman magmukmok nanaman yan sa loob ng kwarto niya at magiiyak. " Nag-nod naman si Aries. "Kung alam mo lang kung gano siya nakakatakot nugn namumula yung mga mata niya dati. Parang multong kalalabas lang ng mental asylum. " Wow! Ang nagagawa ng panonood ko ng horror movies!
"Hindi ka pa magmemeryenda?? " tanong niya sa akin.
"Ahh.. hintayin ko na muna si Mika. " Sabi ko sabay turo kay Mika dun sa sink. Haayy... Buti naman at naghiwalay na yung dalawang lovebirds.
"Sige una na kami ni Ice. " Kumuha naman ng kamatis si Aries. Akala ko isasama nila sa meryenda nila. Nagulat na lang ako nung binato niya sa ulo ni Ice. At poof! Sapul!
"Problema mo?! " sigaw ni Ice.
"Tara! Meryenda tayo. " Lumapit naman si Aries sa kanya sabay akbay. Pambihira?! Hindi man lang nag-away?? At talaga gusto ko sila mag-away?!
Lumapit naman ako kay Mika. Medyo nagugutom na rin ako. Nakita ko naman yung timang na naghuhugas ng mga baso. Pangiti-ngiti ang bruha. Eversince nung araw na nagbreak sila nung boyfriend niya at niligtas siya ni Ice tinanggap ko na, na may love-nat ang matino kong bestfriend. "Hoy, ngumingiti-ngiti ka nanaman. Kain tayo ng meryenda. "
"Ayoko hindi ako nagugutom... " sabi niya habang nakangiti.
"Hindi ka kumakain ng maayos. Tapos tuwing gabi hindi ka makatulog kasi text ka ng text sa akin. Pati ako pinupuyat mo. Tignan mo yung eyebags ko oh... Alam mo ba na sympt-- "
"Oo na bestfriend!! Inlove na nga ako!! Hindi ako maka-kain, hindi makatulog.. " Sabi niya habang nakangiti pa rin.. hay... Malala na talaga siya...
"Sasabihin ko sana naka-droga... " pabulong kong sinabi.
"May sinasabi ka bestfriend?? " tanong niya habang nakangiti pa rin! Naku! Naiinis na talaga ako sa ngiti ng babaeng 'toh... Pero sige na nga... Kung san siya masaya, suportahan taka.
"Ah... wala naman.. "
Hindi naman na kami kumain ng meryenda ni Mika. Hindi daw talaga nagugutom ang bruha. Haayyy... Bakit pa kasi ako sumasama sa mga Ramadan sessions nito... Okay lang kakain na lang ako sa bahay. Malapit na naman yung uwian.
"Teka, si Steph?! Hindi na ba talaga papasok yung timang na yun?? " tanong ko sa kanila. Yep, eversince hinabol siya ng kanyang oh-so-cute rapist niya at nagkapantal hindi na ulit nagpakita dito sa resto.
"Malay ko dun. Natrauma yata dun sa rapist niya. " Sabi ni Aries. Siguro nga. Masalimuot kasi masyado yung nangyari sa kanya. Alam kong masyadong nahirapan ang kanyang kalooban.
"Nagretire na yun. Alam mo na, mahirap na magtrabaho kapag uugod-ugod na.. " Sabi ni Mika.
"Ha?? Napanis?? " napatingin naman kami kay Ice. Hindi kasi naming alam minsan kung san niya nakukuha yung pinagsasabi niya. "nag-expire?? " nag-extend yata yung deafness awareness month. Umabot hanggang May...
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...