CHAPTER XXVIII - Ang petsa
Kahit pa gustung-gusto ko itanong kung anong nangyari, hindi ko naman malapitan yung loko kasi...
Nasa guidance office nanaman ako at tinatalakan ng mabait naming guidance counselor.
"Ang dami mo nang record dito!! " sigaw niya habang nakataas yung kamay niya. "under probation ka sa scholarship mo!! "
At tuloy pa rin siya sa pagtatatalak. Talo pa nga niya yung pinapangsabong tandan ng tito ko eh. Nai-imagine ko ngang tandang siya eh.
"Tik ti laok!! Tik ti laok!! " wow!! Rooster na rooster ang arrive niya ah!! Natawa naman ako kasi boses tandang nga siya, mukha namang itlog ng manok dahil bokals siya. "At anong tinatawa-tawa mo dyan miss Cruz?! "
Napapangiti na lang ako sa gilid. "Wala po... "
"Basta!! Kapag within this week at nagkaroon ka nanaman ng record, ipatitigil ko yang scholarship mo!! "
Haaay... Pano nga ba ako tumatagal sa school na 'toh?? Pinapunta nanaman ako s DCO slash promoted Guidance Councilo-- counselor pala. Nagtatatakbo kasi ako kanina sa corridor, hinahabol ko yung math prof ko dahil humihingi ako ng special quiz dahil nga na-aksidente ako. Eh sinuswerte akong nabangga ko yung soc sci prof ko kaya ayun! Hindi pa man ako nakakasalita, dinala na ako kay tandang este bokals este sa guidance namin.
Hindi ko naman namalayan na may sumabay pala sakin. "Nilipat na nga siya ng office sinusundan mo pa rin?? " tapos ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Ako nata yung sinusundan eh. Kung kelan naman ako dinala sa guidance saka nilipat yung bokals na yun. " tumawa na lang ulit siya tapos ginulo buhok ko.
Nagkwentuhn lang naman kami habang naglalakad pauwing dorm. Nagkwentuhan kami about sa mga palpak ng school. And when I say palpak, major disaster talaga. Kinuwento niya yung boy's cr na sira yung flush. Yung huling tao kasing nag-*ehem * sa cr nabiktima. Nung nagflush kasi yung nag-*ehem *, ayun! Nagsplash yung *ehem * niya sa buong katawan niya. And mind you, nasusuka talaga ako habang kinukwento niya yun.
"At alam mo kung ano yung pinaka-catastrophic na nangyari sa school??" nang kinuha nila si bokals as school administrator?? "nung kunin ka nilang estudyante... "
Babatukan ko sana siya kaya lang nagtatakbo papasok ng dorm. Malamang hindi ko na hahabulin. Remember?! 100m dash in 5 mins?!
Nang nasa floor na namin ako, nakita ko si Aries na nakasandal dun sa hawakan ng hagdan. Napangiti na lang siya nung nakita niya ako.
"Ang bagal mo talaga kahit kelan... " hinampas ko naman siya sa tiyan. Buti nalang hindi nahulog sa hagdan. "Hindi pa pala ako nakakapagpa-alam ng maayos. "
"Sus! Kelan ka pa naging maayos?! " tapos kinaway-kaway ko sa harap yung kamay ko. Nung tumingin naman ako sa kanya, tinititigan lang niya ako ng parang nagtataka.
Ngumiti naman siya tapos pinitik yung noo ko. "You're really weird sometimes... " kung weird ako ano ka?? Autistic?!
"Hey!! Pang-128 na pitik mo na yun, if I'm not mistaken... " sabi ko.
"It's 118 ." tapos pinitik niya ulit yung noo ko. Nag-smirk sabay sabing, "Make that 119... " Pambihira?!
"Now look who's weird... " tumawa lang naman siya.
"Ikaw! " at talagang-- ?! Tinap niya naman ako sa right shoulder. Tapos lumakad na palayo. " 'Night! Sweet dreams and... See you tomorrow. "
"Bukas?? Saturday kaya bukas. " tinaas niya lang naman yung shoulders niya. Akala lang niya siguro may pasok bukas. Naman?! 18 y/o ulyanin?!
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomansaFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...
