Chapter XII - May magagawa ba ako?

6 1 0
                                    


Chapter XII - may magagawa ba ako??

"Bakit ko naman yun gagawin?? You think her answers will help me?? More like it'll pull my grades down. Clear?? " ah basta!! Kung ayaw nila maniwala wala akong pakialam!! Tumingin na lang ako kay Mika. Pambihira?! Sumama nanaman siya kahit hindi siya involved sa problema.

Kahapon kasi pinauwi ako ng maaga at sabihin ko daw sa mga magulang ko yung nangyari. Siyempre hindi ko sinabi kasi wala naman talaga akong ginagawang kasalanan. Ngayong umaga daw kakausapin ako. Kaya ayan, pinagiinitan ako nung kalbong discipline coordinator namin.

"Si Shing po?? Mangongopya?? Eh kayang kaya niya yung perfectin eh!! " sabi niya. Tama yan! Ipagtanggol mo ako bestfriend!!

"Pero huling huli ka sa akto na nakatingin sa desk ni Mara. Sapat nang evidence yun. " Pambihira?! Ebidensya nanaman!! Eh yung complainant ko nga pinagbibintangan pa rin akong nagnakaw ng wallet niya eh!!

Tumahimik na lang ako at hinayaang mag-usap si discipline coordinator at si Mika. Hayaan mong magbangayan yung dalawa. Sanay naman sila dun eh.

"Pwede ba Ms. Jamilla Kathleen Sanchez, hindi ikaw si Mrs. Cruz. Hindi ka nanay ni Sheryl. " Tignan mo talaga ang tawag nila sa aking dito. Sheryl... blah blah blah!! "Under no circumstance you'll escape from this violation." Pamibhira?! Parang line yan ng mga pulis ah! "You'll receive a sanction as soon as your parents report here. Sige makakalabas na kayong dalawa. "

Lumabas na naman kami ni Mika. Wala yatang nagawa yung pagsabi ko ng totoo. As in yung TOTOO. Saka ko naiisip yung mga pwedeng mangyari. Pwedeng... "Mawawala na yung scholarship ko. " Tinginan ako ni Mika.

Inakbayan niya naman agad ako. "Shing!! Umiiyak ka ba?? Teka, ano bang gagawin ko... " Umiling-iling naman siya. Naghahanap ata ng tambayan na pwede akong humagulgol... Napuno na kasi ako. "Osige dun na muna tayo sa library. "

Pumasok naman kami sa may discussion room sa library. Umiyak lang ako ng umiyak. Si Mika naman super daldal at kung anu-anong sinasabi na pampagaan ng loob. "Gusto talaga niya ng away?? "

"Bestfriend?? Gising ka pala akala ko nakatulog ka na... " sabi niya.

"Nagi-isip lang ako ng strategic plan na pwedeng magpabagsak sa kanya. " Sabi ko kay Mika na super nagtataka sa mga pinagsasa-sabi ko.

"Hala bestfriend!! Anong drama mo ngayon?? 'Babangon ako't dudurugin kita'?? " tinignan ko lang naman siya... haayy... gawin daw bang soap ang buhay ko?! "Haayy... Bestfriend," sabi nya sabay tapik sa balikat ko. "Sabi nga nila, if you can't beat them--" Yeah, alam ko na yang quote na yan... "Umiyak ka na lang sa sulok at maglaslas ka!! "

Binatukan ko nga. Anong umiyak?! At paglaslasin pa daw baa ko?! Hindi ako papayag na durugin nila ang aking dignidad!! "Pano ko ngayon ipapaliwanag 'toh sa mga magulang ko?? " tanong ko.

"Bestfriend, be honest. Kung talagang anak ka nila, maiintindihan nila at kakampi sila siyempre sayo. " Ano raw?! Si Mika?! May sinasabing madramang line?!

"Pano kung hindi sila maniwala?? Ibig sabihin nun hindi nila ako anak?! "

Hinampas niya ako sa braso at siyempre super napa-aray ako. Hampasin ka daw ba ng amazona?! "Example ko lang yun, nagpa-apekto ka naman sa madramang line ko?! " sira talaga 'toh! "Tara! Magsisimula na yung next class natin. At sa awa ng Diyos kasama mo na ako sa subject na yan. Mapagtatanggol na rin kita laban sa bruhildang yun!! "

Hinila niya naman ako palabas. Teka! May nakalimutan ako! "Hey, peram naman ng salamin."

Nagtaka naman si Mika "Bakit naman?? Babasagin mo tapos gagamitin mog panglaslas?? " At talagang binigay niya?? Pano ng kung gamitin ko talaga??

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon