CHAPTER XXIV - Step one

6 1 0
                                    

CHAPTER XXIV - step one

"SINONG NAGSABING GALIT AKO?!?! " sabi ni Ice habang naglalakad kami papuntang cafeteria. "ANONG TINITINGIN-TINGIN MO DYAN HA?!?! " sabi niya dun sa babaeng mukhang nagtataka dahil lumalabas na lahat ng wrinkles ni Ice.

"Naku papa Ice I'm here to comfort you in your sorrow!! Let me be your shining-- " bigla naman siyang naputol kasi binangga siya ni Mara.

"Wow english!! Pa-cheese burger ka naman!! Burger!! Burger!! " sabi ni Mara. Namen!! Kelan ba matitigil ang cheeseburger fever?!

Inirapan lang siya ni Steph. Humarap na lang siya kay Ice. "Aking iniirog na Yelo. "

"Bakit Yelo?! " tanong ko.

"Duh?! Ice?! " tumingin ulit siya kay Ice. "Ako'y narito nakasuporta sa bawat pagsubok na dinaranas ng iyong pusong nagu-gunam gunam..." Francisco Balagtas Jr?!

Bumulong naman si Mara sa akin. "Ano naman ngayon yung problema niya?! Pambihira?! Parang nakalunok ng libro sa Noli Me Tangere!!" tinaas ko na lang shoulders ko.

"Aking tatanggalin iyong masidhing nararamdaman. Liliparin ko hanggang tarok ng iyong lumuluhang mga tala. " What the--?! "sisipatin ko ang bawat sulok ng iyong- afshmajgpwlabgojgssdfwerasf srkjshriihasorihaiur erihas... "

Mga kaibigan, hindi po nagtransform si Steph sa kanyang totoong sarili, isang MONSTER!! Hinawakan lang ni Ice yung leeg niya with both hands, sinikipan yung hawak, inalog. At... Alam niyo na kung anong sumunod.

What's wrong with Ice (and his wrinkles)?! Eto lang naman ang naganap mga 3 hours ago... *tinganinganinganing *

Naglalakad kami ni Mika sa may corridor nang biglang nakasalubong ko si Justin. Alala niyo pa ba siya?? You know, kung si Mar Roxas ay si Mr Palengke, si Justin naman ay si.... Tantananantanan!! Mr Lamok!! (Tanungin niyo si Aries kung bakit.)

"Shing!! " nakita niya ako tapos kumaway. "kamusta?? "

"Justin!! " nyek!! Tinawag ko lang siya. Parang, 'Jenny!' at 'Johnny!' lang ah!!

Huminto naman siya sa harap namin ni Mika. At for 10 secs nagtitigan sila. Yep, nagtitigan. Titig lang as in titig. Titig pa. Walang katapusang pagtitig. WAAAAAH!!

"Hello?! Galaw galaw naman diyan baka mastroke!!" sabi ko habang wine-wave yung kamay ko sa mala-series circuit na connection sa mata nila.

"Hi!! Mika di ba?? Sana naaalala mo pa ako?? " tanong ni Justin. Nakikilala?? You mean, he?? Her?? Them?? In short, sila dati?? Este, magkakilala si dati??

"Oo naman!! " sabi ng aking dearest bestfriend dun sa boylet sa harapan niya. Hmmmm... "geog camp di ba?? " nag-nod naman si Justin.

"Buti naaalala mo pa ako... Kasi hindi pa kita nakakalimutan eh. " Asus! Sume-segway... Mga lalaki talaga. Tinignan niya naman ako. "Kaibigan mo pala si Mika. Wow! Small world... "

"Small world... " sabi ko sarcastically. "Sige nga kung maliit ang mundo ikutin mo... " siniko naman ako ni Mika. Problema nito?!

"Pasensya ka na kay Shing ah... Medyo may tuliling lang... " Nagsalita ang wala... Inirapan ko na lang.

"You know what, akala ko hindi na uli tayo magkikita after nugn geog class. " Sus! Nasa isang school kayo panong hindi kayo MULI magkikita?? Nag-nod naman si Mika. Haayy.. Ka-dramahan nanaman po tayo dito... "Nanghinayang ako kasi I wasn't able to get your number nung last day. " Number?? As in 1, 2, 3?? Hindi pala siya marunong magbilang eh...

"Bakit naman?? " tanong-tanong ka pa diyan... For I know, na-excite ka kasi kukunin niya na number mo... TEKA?! Bakit ba dakilang NEGA ako. Kahit kelan naman eh...

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon