CHAPTER XXIII - puyat
"Pwede ba!! Wag kayo galaw ng galaw!! " sabi ko dun sa dalawa kong kapatid. Parang mga kiti-kiti. Hindi mapakali.
"Eh... Kasi naman eh!! Naging close na rin sa atin sina Tita Mia. " Nagaalalang sabi ni Kuya. Pambihira?! Eto lang pala yung makakapag-patino sa kanya. Loko-loko kasi pagdating sa mga babae.
"Wag naman sanang may masamang mangya-- " tinakpan ko naman agad yung bibig ni Wyc. Pambihirang mga lalaking 'toh! Ang hihina ng loob.
"Alam niyo, masyado kayong nega... Ayusin niyo nga!! Malapit na tayo sa 5th floor. Wag kayong kiti-kiti dyan. " Sabi ko sa kanila.
Pagtapak na pagtapak naming sa 5th floor, nagtatakbo na agad yung dalawa sa corridor. Siyempre, nagmadali na rin ako. Ano ba naman yan, ayokong may madramang mangyari nanaman ngayon.
Nang malapit na kami sa may operating room, nakita ko si Tito Jerby na nakatungo. Si mama naman hinihimas-himas yung likod ni Tito. Si Papa, ina-aliw yung 10 year-old na anak na lalaki nila Tita. May babae namang nakatayo sa harap nung operating room. Yeah right, si Ayla. Kaya pala nagmamadali siyang umalis sa school kanina.
Nagulat naman kami nang may biglang tumabi na lalaki kay Tito Jerby na may hawak na kung anik-anik na mga papel. "Sir sir!! Kami na lang po kunin niyo na Funeraria!! May discount po kami ngayong buwan!! " what the--?!
Nakita ko naman na kinuha ni Tito yung papel tapos hinampas sa mukha nung lalaking nanga-alok ng Funeraria. "LUMAYAS KA!! HINDI MAMATAY YUNG ASAWA'T ANAK KO!! "
Pinigil naman ni Mama si Tito sa pagwawala. Pambihira?! Alukin daw ba kasi?! "Mga tao talaga! Para lang maging maayos ang buhay nila, wala silang pakialam kung may masasaktan silang tao. " Sabi ko kayla kuya at Wyc.
Narinig ko namang mahinang pumalakpak si Wyc. Problema nito?! "Pa-cheese burger ka naman... Burger!! Burge-- " napatigil na lang si Wyc nung siniko siya ni Kuya.
"Hindi oras ng panga-asar ngayon Wyc." Pinapahanga talaga ako ni Kuya... Unang beses niya lang maging seryoso. Astig!! Bigla naman nag-lean palapit sa akin si kuya tapos bumulong ng, "kapag tapos na lahat ng kaguluhan nito, magpapa-cheese burger ka talaga ha!! " Pambihira?! Ipa-confine ko kaya 'tong mga kapatid ko dito sa ospital para gumaling na yung utak?!
Bigla-bigla naman bumukas yung pinto ng operating room.
*BOG! *
Oops... Natamaan sa likod si Ayla. Kasi ba naman, nakatalikod sa pinto. Dun pa kasi pumepwesto eh... :DTeka, bad Shing!! Bad!! Drama ulit ang genre ngayon. May lumabas na doctor tapos lumapit agad si Tito Jerby. "Doc kamusta po mag-ina ko. "
UHmmm... medyo nagtataka lang ako. Parang nakita ko na 'tong eksenang 'toh dun sa favorite tagalog old movies ni Mama?? Yung tipo bang sina Lorna Tolentino, Sharon Cuneta atsaka si... Babalu?! Oh well...
"She's safe. " Sabi nung doktora habang malungkot. YES!!
"Doc, yung anak ko?! Ligtas ba silang dalawa?? " Tanong ni Tito. Si mama, naka-suporta pa rin as always. Naka-akbay siya kay Tito. Baka kasi pag-hindi hinawakan, mahulog. Magaya pa kay Ayla. Teka, nasan na si Ayla?!
"Teka, nasan si Ay-- "
"Shh... wag ka muna mag-ingay ngayon Shing..." sita ni Papa. Teka?! Kelan baa ko naging maingay?! Sa pagkaka-alam ko ako'y isang mahinhing binibini at halos hindi makabasag pingan.
"makabasag ulo kaya... " Sira! Basag na talaga yung ulo mo Steph!! WAAAHH!!! Yung espiritu ni Steph!! Nararamdaman ko dito sa Ospital!! NOOOO!!!
"DOC!! Ang anak ko?! " tanong ni Tito habang niyuyogyog yung doktora.
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...