CHAPTER XVIII - dethroned
"AYOKO NA!!! I'M GONNA DIEEEEEEE!! " binato ko nga ng cornik.
"Ang OA mo bruha... Exam lang yun!! Hindi yun yung magde-decide kung magiging successful tayo sa future. " Sabi ko sa kanya.
"*sob* ganyan ka magsalita kasi yakang-yakang mo na yung exam na yun... Eh ako?! I have nothing... nothing... "
"NOTHIIIIIIIIIIIINGGGGGG!!!! If I don't have you!!!!!! " birit ni Steph pero hindi ganun ka-birit... Pambihira?! Kinanta??
"Kalokohan niyo ah... " nagulat naman ako nung tumingin ako kayla Mika, Aries at Ice. At akalain mong nagtaas ng mga papel na may numbers na pi (Mika), -500 (Aries) , 10 (Ice). Pambihira?! Ano 'toh?? Singing competition?!
Tinignan naman ni Ice sina Mika at Aries. "Hey!! Akala ko ba 1-10 lang yung ilalagay!! " kinuha naman ni Ice yung papel ni Aries at tinuro yung no na nilagay niya. "Eto?! Bakit 'toh negative?! "
"Excuse me?! " sabay sabat ni Steph. Ako magkakaroon ng negative na score sa utak eh...
"Kelangan ko pala ng tulong nio sa project ng sc. " sabi ni Aries habang ngina-ngatngat yung burger niya. Pambihira?! Parang pusa.
"Yan ba yung naririnig ko kay Ian na donate donate chu chu?? " donate donate chu chu?? Ang cool naman nung title ng project.
"Uso pa ba yan?? " tanong ni Mika.
"Mika, isipin mo na lang, kelan ba hindi na-uso ang mga nasalanta ng bagyo?? Pati na rin ung mga nasunugan tsaka mahihirap na tao?? " nag-nod naman silang lahat. Si mika?? Pina-process pa yata ng brain cells yung mga pinagsasa-sabi ko.
"Actually for abandoned kids siya tsaka mga ulila... You know, mga bata sa bahay ampunan and dswd " sabi ko nga eh, walang kwenta rin ung pinagsasasabi ko.
"Ay! Gusto ko yan mga sisterette!! Coz I believe in the saying that the more you give, " the more you receive?? "hindi ka kuripot!! "
Bago pa man gumuho yung buong school sa mga pinagsasasabi ni Steph, pumunta na ako sa next class ko.
Nagulat na lang ako nung may biglang um-appear na Steph sa right ko. "Kamusta naman ang no. 2 scholar ng aming prestigious na eskwelahan?? "
Lalo akong nagulat nang may lumabas na Mara sa may kaliwa ko. "O?? Akala ko ba no.1 si Shing?? " nag-act out naman si Mara na parang gulat na gulat.
"Bakit?? Hindi mo pa ba nababalitaan?? " ay sige mag-talk show daw ba sa tabi ko?!
"Ano yun?!?! " tanong nung best dramatic actress sa kanan ko.
"May babae daw na nagngangalang Alicia 'Ilaa' Torres na nakatalo kay Shing sa ranking!! " sabi naman nung baklitang prang galing sa parlor. Teka?!?! Si Torres?!?! Scholar din?!?!
"Ano ba?! Pambihira?! Talo niyo pa sina Lolit Solis at Christy Fermin ah... Ang chi-chismosa niyo... " sabi ko sa kanila.
Nagtinginan naman yung dalawa at akalain niyong ang isagot lang sa akin ay... "YUCK!! " Pambihira?! Pandirihan daw ba yung mga hosts na yun??
"Mga sira!! Sa ginagawa niyo kanina parang sinasamba niyo na yung dalawang yun eh... " yun nalang yung nasabi ko sa kanila.
After ng 100 years na paliwanagan na dapat na nila ako lubayan dahil male-late na sila sa kanya-kanya nilang klase at nanganganib na yung buhay nila sa akin, nakapasok na rin ako sa 3rd class ko ngayong araw.
Pagpasok ko ng classroom, nagdi-discuss na yung professor namin. Medyo mainit pa ako sa mata niya dahil sa ginawa sa akin ng magaling kong bestfriend na si Mika. Tinignan naman niya ako pag-upo ko.
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...