CHAPTER XVII - Usapang laway

7 1 0
                                    

CHAPTER XVII - usapan laway

"Tantararantanan!! " loka-loka!

"Go Shing!! Keri mo yan!! " Pambihira!! Parang pasok na talaga ako sa team at nakikipaglaro sa ibang school.

Nakita ko pa nga si Steph na may bitbit na plackcard na may nakalagay na 'pag nakapasok ka Shing, me-make up-an kita always my dear!!' hindi kaya diretso lamay ako nun?!? Pambihira?!

Yung dalawang kumag naman hindi na nanood. Binitbit kasi ni kuya si Ice para magpractice. Tapos si Aries naman, binitbit din nung president ng SC. Pambihira?! Sa ibang tao nga under sila. Pano pa kaya sa asawa nila.

"Okay position!! Magpakilala kayo isa-isa." sabi nung coach. At yun nga sumunod na kaming mga nagta-try out.

Medyo nasa may gitna pa ako kayo natulala na lang ako dun sa mga nagpa-practice ng basketball sa kabilang side ng gym. Napalingon na lang ako sa katabi ko nung nagpakilala siya. Bakit ako hindi mapapalingon?? Eto kasi sinabi niya. "Torres, Geline 3rd year BS Architecture" At talagang--?! Nandito siya?!

Sumunod naman ako. "Cruz, Shing 3rd year BS Architecture. " Pambihira?! Parehas pa kami ng course at year?!

At ayun!! Kung anu-ano na lang pinapagawa sa amin ni Coach. Serve, receive, block, spike. Yung iba ngang terms hindi ko maintindihan. Ah bahala na itatanong ko na lang kay Mara mamaya.

After nung lahat lahat na pagpapadive sa amin ni coach sa floor na alam kong marumi, dinismiss niya na kami. Bukas daw niya sasabihin kung nakapasok kami. Umakyat na naman ako dun sa bleachers para sunduin yung tatlo kong fans. Na hinihiling ko nasa wag na maging fans ko.

At ang bumungad sa akin ay isang baklang natutulog dun sa plackcard na ginawa niya kanina. Naglalaway pa nga eh. Yung dalawa naman kain ng kain ng mani. At yung isa binabato dun sa bading na parang isa sa mga street children yung mga balat nung mani.

"So nagpapakasaya kayo diyan habang ako parang sinsalvage na dun?! " sabi ko sa kanila. Buti naman nakita na nila ako. Si Steph naman, tumayo na tapos pinunasan yung laway niya. Kadiri oh!!

"Ano ka ba Shing!! Try-out yan eh!! Nung nag-try out nga ako mas mukha akong ni-rape eh... " loka-loka pa rin talaga siya...

"Buti naman tapos ka na... YAaaaAAaaaAAAaaaaAAwwwwnnn.... " Ang haba nun ah... Nag-inat inat naman siya. "Dali sasamahan mo ako ngayon sa library at tuturuan mo ko sa calculus!! First exams na next week noh!!" at yun, hinawakan niya ako sa wrist at tinangay palabas ng gym.

"Yuck!! Teka, yung pinapangkapit mong kamay!! " Tinignan niya lang yung kamay niya na nagslip na pababa sa kamay ko.

"mas lalong yuck my dear!! Hindi tayo talo!! Wag ka magbigay ng mga kahulugan sa actions ko. Hindi ako tomboy!! Buti sana kung kamay yan ng kapatid mo noh!! Michael my labs " pambihira?! Ang haba ng monologue niya about sa 'hindi ako tomboy'. Pwede nang ilagay sa book of poems and short stories.

"Sira!! Yung kamay mo!! Yan yung pinampunas mo ng laway after mong makatulog. " sabi ko habang ina-alis yung pagkakahawak niya.

Umatake naman yung lahi niya ng pagka-linta at dikya, kaya hindi ko maalis yung pagkakahawak niya. Na-shock na lang ako sa mga sumunod niyang sinabi.

"Excuse me?!?! Nandidiri ka sa laway ko?!? " malamang... "Hindi mo alam, maswerte ka dahil isa ka sa mga tao na nalagyan ng halimuyak ng aking super precious and marvelous saliva!! " kelan nangyari yun?? "Isa pa, kinukuha na ng body shop as their new found perfume scent ang aking saliva!! " hala!!

"Ano naman daw ipapangalan nila dun?? " tanong ko. Malay mo tinopak na talaga yung body shop at kunin na bagong scent yung laway niya. Kadiri talaga...

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon