Chapter XI - Clearing things out?

10 1 0
                                    

Chapter XI - clearing things out?

Paikot-ikot, ikot, ikot. Wala lang. Umiikot lang ako dito sa campus. Sino ba namang maga-akala na hindi ko pa mahahanap ang magaling kong class room. Akala ko pa naman sanay na ako dahil third year college na ako ngayon. Mabait yata ang school administration at iniba nila ang pagpapangalan ng classroom??

"SHHIIINNGGG!!! " nagulat na lang ako nang biglang lumabas na Ice sa harap ko. Masaya nanaman siya. After kasi ng party, weekend tapos enrollment na. Halos hindi na kami nagkita-kitang 5.

"Masaya ka masyado ah?! " sabi ko sa kanya habang sumabay siyang lumalakad kasama ako. Ang dami rin nagha-hi sa kanya sa mga corridors. Sikat talaga siya noh??

"Hindi naman... Sinagot na kasi ako ni Mika -- "

"ANOOOO?!?! " nagulat naman siya biglang napalayo sa akin. Nagtinginan naman yung mga babaeng mukhang may gusto sa kanya. "BRUHANG BABAE YUN!!! Hindi sinasabi sa akin!! Bigla-bigla nalang-- "

"Teka!! Cool ka lang!! Hindi pa tapos yung sinasabi ko." Sabi niya while crossing his hands. Natakot yata sa overflowing powers ko. "Sinagot na ako ni Mika sa panaginip ko. " Sabi niya with a dreamy look. Hinataw ko nga yung tyan.

"Pambihira?! Buti na lang hindi ka pa niya sinasagot... " sabi ko kay Ice.

Sasagot pa sana si Ice kaya lang, bigla nanamang may lumabas na unknown creature sa tabi ko. Hulaan niyo kung sino nagsabi ng line na 'toh?? "Oo naman siyemperzz! Ako'y isang dalagang Pilipina!! Siyempre hindi ko muna a-answerin si Papa Ice!! " *ting!* Tama! Si Steph na bigla bigla na lang sumusulpot.

Haaayy... Isipin niyo na lang kung anong nangyaring torture sa utak ko nang makasabay ko sa pagpasok sina Steph at Ice. Tumataas nga talaga ang IQ level ko kapag kasama ko sila.

After siguro 15 mins na pakikipagbangayan sa dalawang yun, nakita ko na rin yung classroom ko na sa pagkakatanda ko ay dating located sa kabilang building na miles miles away sa bagong niyang kinalalagyan. Mga school administrator talaga malakas ang topak.

Papasok na pagpasok ko sa classroom hindi ko alam kung anong kamalasan ang sumunod sa akin, may narinig akong nagsalita sa banding likod ng "Nandito na pala yung salot!! " tumingin ako at... ahh okay... si Mara lang naman...

Teka?! "MARA?! Bakit ka nadito?! " nilapitan niya ako at humarap siya sa akin. Nanliliit tuloy ako kasi mas matangkad siya sa akin.

"Hindi ka ba masaya at nandito ang bestfriend mo?! " tumawa naman yung 3 alipores niya sa likod. If I'm not mistaken, miyembro sila ng volleyball team ng school. Nagulat ako may bigla siyang tinaas na can at inispray sa akin yung laman. Teka?! Whip cream?! Tumawa sila nung mga kasama niya. "Loser... "

Hinawakan ko naman yung mukha ko. Pambihira?! Gawin daw ba akong human size sponge cake na may whip cream?! Buti na lang may naisip akong plan A. "Uhmm... Actually, I really missed you. Payakap nga! " At with all my might, niyakap ko siya. Yuck! The germs dude!

"Bitiwan mo nga ako!!" sigaw niya habang inaalis niya yung pagakayakap ko. Pagka-alis ko, nagkalat na din yung whip cream sa kanya. Awww... Ang galing ko talaga gumanti!! "You wanna fight?! I'll give you some!! " sure! Gusto mo suntukan na lang tayo!! "Girls!! Tulungan niyo ako!! Ang yucky nung whip cream!! Punta tayong cr." After 3 seconds, nawala na sila sa paningin ko. Tanong ko sa sarili ko, pano nangyaring nagkaroon na siya ng alipores?? Mapalitan nga ng title 'tong story na 'toh. 'The attack of the monstrous mean girls: take two!' Keri di ba?!

Teka, may problema pa pala ako. WHIP CREAM!!! Pano ko ngayon 'toh tatanggalin?! Palabas na sana ako ng room nang may biglang pumasok. "Bestfriend! Anong nangyari sayo?! " agad na tanong ni Mika.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon