CHAPTER XXV - Famous quotations

5 1 0
                                    

CHAPTER XXV - famous quotations

"Go go go mga pipol!!! Keri natin itech!! " at talagang nagsisigaw siya sa bahay namin?!

Super naloka ako nung nalaman ko na sasali daw si Steph sa Ms Gay dito sa tribo este barrio este... Basta lugar namin dito. Namen!! At kami pa daw ba ang gawin niyang sponsors?!

"Steph galingan mo mamaya ha!! Alam kong ikaw ang pinakamagaling sa lahat!! Sige aalis na kami. Dumaan lang kami ng papa ni Shing para mag-goodluck. " sabi ni mama. Haaay... Pati mga magulang ko todo suporta...

At ito pa ang nakakapagtaka!! "Kuya, sigurado ka bang wala kang amnesia?? O di kaya may memory gap?? Pwedi ring naka-high??"

"Ewan ko nga eh... " sabi ni kuya. "Sa palagay ko kukunin na ako ni Lord mamaya. Kaya eto, napapayag ako ni Steph na mang-escort sa kanya. Siguro magandang senyales 'toh na mananalo si Steph. "

"Sana nga... " sabi ko with a hoping look.

Tumingin naman sa akin si kuya na parang nagtataka. "Anong 'sana nga'?? Sana nga na mananalo si Steph?? " tanong niya.

"HINDI NOH!! Asa namang iwi-wish ko yun." tinap ko na lang siya sa tiyan sabang sabing, "Sana nga kunin ka na ni Lord!! " binatukan naman ako nung loko.

"Dali kumatok ka sa kahoy!! " Naniniwala siya dun?? Tinulak niya naman ako papunta dun sa may pader na kahoy na sinasandalan ni Ice.

"Okay!! " sabi ko sabay taas ng mga kamay ko. Kinatok ko naman yung noo ni Ice. Nagising tuloy yung mokong.

"Natutulog yung tao!! " Pambihira?! Kaya niyang matulong nakatayo?? Idol!!

Binatukan naman ulit ako ni Kuya. "Sira ulo!!" aba't?! "Sabi ko kahoy hindi hangin!! " at talagang--?!

"Pare may sinasabi kang hangin?! " nasasaktan?! Umiling naman si kuya.

Binatukan ko na lang pabalik. "I'm just being kind to animals kuya!! " tinignan naman ako nung dalawang sira nang nagtataka. "Heller?! Kawawa naman yung mga anay oh!! Bubulabugin ko!! "

Pinalo naman ni Ice yung noo ko. Langya!! Gumaganti?? "Shing!! Isa akong tao!! " tapos nag-act siya na parang naiiyak. "Mas pinili mo pa akong saktan kaysa yung mga anay.. ." sumandal naman siya dun sa dresser. "Nasasaktan din ako!! Tao!! Nasasakta-- ARAY!!! " nasasaktan nga...

Hinataw kasi ni kuya yung tiyan ni Ice. Ayun!! Parehong hinahawakan yung noo tsakaka tiyan. "May nasasaktan pa kasing nalalaman... "

"Ladies!!" sabi nung ulong lumabas sa may pintuan. "the show will start in 30 mins!! "

At next thing I know, tinatakpan na namin yung tenga namin dahil nagtilian yung mga bading. Okay?? "ANAK NG BUTETE!! " di ba batang frog ang butete?? Waaah!! Pati ba naman sa mga palaka uso ang teenage pregnancy?! "Excuse me po?! Nasa ms gay beaut-- *cough* *cough* beautttt-- *cough*" parang naghihingalo lang ah. "beautttTTtTttTT-- *COUGH*"

*BLAG!*

"basta CONTEST!! Wala tayo sa palakasan ng tili!!" ayun! Natuloy din yung sinasabi ni Mika. Hampasin daw ba sa likod ng blowdrier ni Steph?!

Tinulungan naman namin si Steph na magbihis. Ang drama nung bruha. Gusto daw niya filipiniana para dalagang Pilipina daw yung effect.

"Buti talaga wala si Aries dito." sabi ni Ice dun sa gilid. Nageemote nanaman yata... "Hindi nya mapapanood ang mga ganitong makapanindig balahibong contest!! " pwedeng substitute sa mga horror movies?!

Pinalabas na naman kami nung echuserang frog na organizer nung beauttTTttTTtt-- CONTEST . As usual yung mga kabadingan nagaayos pa kahit pinapapila na... Pero infairness, nagmukhang humanoid (take note humanoid lang) si Steph. Talo pa ako nung prom namin.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon