CHAPTER VI - Dwell in the Past

17 2 0
                                    

CHAPTER VI - dwell in the past

"Anak... " teka, mommy?? "Anak... gising na. Akala ko ba may summer job ka? Late ka na oh." sabi niya sabay turo sa alarm clock ko.

Bumangon na naman ko. Nyak! 8 am na. Late na nga talaga ako. Kailangan kasi magre-report kami ng 7am. Oh well. Absent siguro ako nito. Pagiinitan nanaman siguro ako ni Mr. Bouncing baby boy bukas.

"Okay ka lang ba anak??" tanong ni mama habang hawak sa ulo ko. Hala! Mukha ba akong may sakit?? "Ang tamlay mo kagabi pa. Nagaalala kami ng Daddy mo. "

"Okay lang ako ma. Baka napagod lang sa trabaho kahapon. " Or maybe na-stress dahil nakita ko ulit yung bruhildang Mara na yun.

"Osige magpahinga ka na lang dito sa bahay." Sabi ni mama. Habang hinahakot yung mga kinalat kong labahin. Nakokonsensya tuloy ako kasi hindi ako tumutulong sa bahay.

"Ma, pwedeng lumabas na lang muna ako?? " sabi ko kay mama

Tinignan naman ako ni mama ng.. aheemm... may bahid ng doubtfulness... Ano nanaman kayang iniisip ng madir ko?? "Anak, hindi mo na kailangang maglihim sa amin ng papa mo." Then? "Naiintindihan na namin na dalaga an gaming unica hija." Parang alam ko na yung susunod na line nito... "Kaya kung may problema kayo ng boyfriend mo, sabihin mo lang sa akin. Makikinig ako. " Pambihira?!

"Maaaa!! Wala po akong boyfriend!! " sigaw ko sa kanya with matching bato ng unan. Hala! Bad na anak! Bad!!

"Ma naman. Sa palagay mo ba may papatol diyan?! " sumulpot pa yung walang kwenta kong kuya. Oo may kuya ako. Kuya Kot. Yeah ako lang nagimbento ng name niyang yan. Puro panga-asar lang naman nakukuha ko sa kanya eh. Natural, aasarin ko rin siya. Go girl power!

"Tumahimik ka! Parang sayo may pumatol na. Dakilang basted ka naman kuya! "

"Aba't--?! Hindi mo yata naitatanong maraming naglalaway sa guwapo ng kuya mong 'toh! " super powers!! Flooooorrrr..... lamunin niyo na siyaaaaaaa.....

"Yuck! Sabihin mo maraming maglalaway dahil nasusuka! "

Medyo naging mahaba pa yung pagtatalo naming ni Kuya. Si mama naman nakatitig lang sa amin. Akala niya kasi dait mga hindi kami makabasag pinggan. Pero tumaas din sungay namin nung lumaon. Haayyy... Pero di hamak na mas mahaba yung kay kuya.

Lumabas na naman ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro kung san nalang aabot yung perang dala ko. Haaayyy... Nanood na muna ako ng sine. Nakakbuwiset yung movie! Akalain mong yung bida na pinapatay ng sandamakmak ng sundalo, namatay! Bakit ako naiinis?? Kasi hindi yung mga sundalo yung nakapatay sa kanya. Actually, siya pa nakatalo sa sandamakmak na sundalong yun. Sino nakapatay sa kanya?? Langgan. Oo, langgam. May phobia daw kasi sa langgam yung lalaki. Pambihira?! Akala ko pa naman action yung pinanood ko. Yun pala comedy sa huli.

Bandang 3pm, dumaan ako dun sa resto. Mukhang okay naman sila. Nakita ko si Ice, pinapagalitan ni Mr. Bouncing baby boy. Haaaayyy... Nawala lang ako may kapalit na siyang pinagiinitan. Naku!! Nagse-selos naman ako. ASA.

Naglibot-libot na lang ako sa park. Grabe hindi ko alam na kayang kong magmoony-moony sa isang buong araw. Medyo na-depress siguro ako dahil nalaman kong may grudge pa rin sa akin si Mara.

"Oucch!! " ang sakit nun ah! At-

"Eeeewwwww... sorry my dear friend... Nag-slip kasi yung itlog na binili ko sa grocery kanina eh.. " sabi ng mabait kong kaibigan.

"So you're back." Sabi ko sa kanya habang inaalis ko yung dumkit na eggshells sa akin. Pambihira?! Ang baho ko na...

"alive and kicking! " kung ikaw kaya yung sipain ko?! "How's life? Balita ko may summer job ka ngayon ah?!" Siyempre, masipag ako noh. Kesa naman katulad mo na walang ginawa kundi maglagay ng blush-on. "Anong summer job yun? "

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon