CHAPTER XVI - Suntukan na lang kaya?

6 1 0
                                    

CHAPTER XVI - suntukan na lang kaya??

"Bakit hindi mo kaya sumali sa amin. " sabi ni Mara. "Magtry-out ka bukas "

"Hala!! Sana makapag-prepare muna ako di ba?? Bukas na agad?? " sabi ko. Langya! Pagta-try outin ba ako sa kanila agad agad?? "Ikaw Mika?? May suggestion ka?? "

"Science bombers?? " nah! Baka sumabog pa sa mukha ko ung mga experiments namin.

"Lady kickers?? " soccer team?? Matanggal pa yung paa ko. Hindi pa uso ang foot transplant.

"Writer's guild?? " nakakapagod magsulat. Pahirapan pa kapag may deadline.

"Move your feet?? " dance club?? Parehas kaliwa paa ko eh. Pati nga size magkaiba eh!! Tsaka ako sumasayaw sa stage?? Kahit nga sa panaginip hindi yun nangyayari eh. Kung mapanaginipan ko man, bangungot yun.

"Mickey mouse fans club?? " napatingin nalang kami ni Mara sa kanya. Bruhang 'toh! "Ayaw mo nun?? Every meeting may free mickey mouse shaped cookie?? "

Bakit ako namomroblema sa pagsali sa kung anong clubs at org. Naman?! Kailangan daw kasi ngayong sem, magkaroon ako ng atleast 1 co-curricular activity na sasalihan. Ang bait talaga ng mga nagbigay ng scolarship. May kung anu-anong requirement pang nalalaman.

"Kasi Shing, magtry-out ka na nga kasi sa volleyball team namin. " sabi ni Mara habang kumakain ng apple. Siyempre naki-join si Mika. Pambihira?! Dati cheese bread kinalolokohan niyo ah?? "So?? "

"Sige na Shing yun na lang. " buti na lang naintindihan ko yung pinagsasa-sabi niya dahil puno ng apple yung bibig niya. "Sasali rin ako kapag sasali ka. "

"Osige na po mga madame " tumalon naman ako dun sa kama ni Mara. Aba! Papalampasin ko ba yung apple na dala ni Mara?? "Magtatry-out ako bukas ng hapon. " I'm gonna faint tomorrow afternoon.

Hindi ako masyadong nakatulog nung gabi kasi iniisip ko yung escape plan ko. Bakit?? Siyempre!! Kapag pumalpak ako mamaya sa try-out dapat may plan b ako, which is tumakas at wag na muling magpakita!!

Nagulat na lang ako nung may biglang umakbay sa akin na nilalang habang papunta ako sa first class ko. "Juliet, parang awa mo na pilitin mong paalisin si Steph sa kwarto namin. "

"Hey, para kang lasing!! " sabi ko kay Aries kasi paika-ika kami maglakad. Umaatake nanaman ba mental problem nito??

"Hindi niya kami pinapatulog ni Ice!! Gaahh.. " sabi niya na para pa ring lashhhing. *hik*

Pambihira!! Pa-sway sway p rin kami sa corridor. Lasing ba siya o bangag?? You know, naka-high?? "Hindi ka pa nasanay kay Steph. "

Umiling naman siya. Sa bagay, hindi pa rin ako nasasanay kay Steph. "Tignan mo nga oh!! 4 na araw pa lang siya sa amin ganito na kalaki yung eyebags ko!! Dati first floor lang ngayon may 5th floor na yung eyebags.. "

At walang anu-ano eh nilapit nung mokong yung mukha niya sa mukha ko. Pambihira?! "Hala! Hala! "

*blag*

"Oops! Sencia!! Hindi sinasadya!! " kawawa naman. Bangag na nga siya ngayon nai-hampas ko pa yung mukha sa bulletin board.

"Sige na nga Juliet." binitiwan niya na rin ako. Sa wakas!! Ang dali na rin makapaglakad. "Delikado ka rin tulad ni Steph. " sabi niya habang paalis at nasa batok niya yung mga kamay niya.

"Hindi naman.. 99% safer ako kesa kay Steph! " sabi ko sa kanya.

"May 1% danger pa rin. " Sabi niya habang wine-wave yung kamay niya sa akin. Bruhong 'toh. Sana madapa... "But with you, I don't need any precaution. " Eh kung murderin kita??

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon