CHAPTER XIII - a T with M??
"AHUMMMM..." ini-sway niya naman yung hands niya paharap. "Aruchamenisotoooooo!!" tapos nagtaktak mo siya...
Tinaas ko na lang yung kilay ko sa mga pinagagagawa niya. "Steph!! Hindi naman effective 'toh eh!! "
"Heh!! " sabi niya habang nakapikit pa rin... "Huwag kang komontra!! Hindi tayo susuportahan ng mga gumagabay sa ating mga Espiritu!!! "
"Sabi ko sayo bestfriend hindi magandang idea 'toh eh!! Natatakot na ako kay Steph!! " sabi sa akin ni Mika.
"Halahuuummm!!! Taraguuuummm!!!" ngayon naman nagpa-papaya dance siya. Hindi kaya sinaniban na siya ng espiritung sinasabi niya??
Haaayyy... Kanina kasi habang pauwi kami ni Mika, nakasalubong naming yung loka-lokang nagcha-chant dito. Kinuwento namin yung nangyari sa akin at super nainis ang bruha. Umuwi muna sa kanila at kinuha yung witchcraft kit niya. Loka-loko sabi niya kukulamin daw namin si Mara. Ang scary pala ni Steph kapag naka-away. Naku! Magiging forever friends talaga kami nito!!
Eto kami ngayon sa kwarto ko at super usok dahil ang daming kandila na nakasindi. Pinasindihan kasi nung mangkukulam namin. "Steph, ano ba!! Nagugutom na ako!! "
"Ako rin eh... " tapos tumayo na siya at tumigil sa pagsasa-sayaw niya... Haayyy... Napagod din siya mangulam. "Teka lang, last na..." kinuha niya naman yung manyika. Sabi niya kanina si Mara yun... Haaaayyy... Medieval times pa ba ngayon??
Nagulat na lang kami nung biglang sinuntok niya sa may noo yung Manyika. "Teka, akala ko baa ng ginagamit diyan karayum?? Ba't mo sinuntok?? "
"Eh out of stock kanina dun kayla Aling Maria eh... Hindi ako naka-kuha eh... Okay na yun! Improvised yung pananakit sa kanya... " Haaayyy... Halata namang hindi effective eh...
Bumaba na naman kami kasi tinatawag na rin kami nina Mama. Sila Mika at Steph naman, sa amin kakain ng dinner. Yang mga yan pa ba magpapalampas ng pagkakataon na kumain ng libre?! Nanaginip ako kung palampasin nila yun...
"Long time no see Mika tsaka Steph. " Sabi ni Mama.
"Oo nga eh ang tagal niyo nang hindi nakadalaw dito nami-miss ka na Steph ni Michael. " Sabi ni Papa
"DADDDDDD!!! " super naman maka-react!! Siniko ko naman yung utol ko. Yep, si Michael ay isa sa aking mga magaling na utol. In short, mga walang kakwenta-kwentang sutil kong kapatid.
"Naku dad," nag-blush naman ang bruha... "Hindi ko po inakala na ngayon pa lang tinanggap niyo na ako bilang ako. At bilang isang kapita-pitagan may bahay nitong si Michael. " Sabi ni Steph.
"Waaaaahhh!! Hindi pwedeng malahian ni Steph ang pamilya namin !!! Pano na lang yung magiging anak nila di ba?? Baka isumpa tayo ng mga ninuno natin!!" sigaw ko kayla mama at papa. Nag-nod naman si Wyc, short for Wycent. Yung mas bata kong kapatid na lalaki. Medyo tahimik kasi yan hindi katulad ni Kuya na parang Vacuum cleaner yung bunganga. Pero misan puma-punch line din at inaasar ko. Sige na!! Lagi akong ina-asar ng mga kapatid ko!!
"Shing?! That would be so wonderful!! We'll be a happy family. Magkakaroon ka ng super cute na mga pamangkin!! " tawa lang ng tawa sina mama at papa. Hindi yata nila na-take yung pinagsasa-sabi ng magaling kong kaibigan na si Steph.
"Hello?! Possible pa yun kung sakali?? " natahimik kaming lahat at napatingin lang kay Mika. "Naman?! Eh parehas kaya silang may-- " hinawakan ko naman si Mika. Grabe 'tong babaeng 'toh! Kumakain yung mga tao tapos may sasabihin siyang kung ano..
"Mika!! Kumakain!! " sabi ko sa kanya habang hawak hawak pa rin yung bunganga niya.
Inalis niya naman yung pagkaka-takip ko sa bibig niya. "Ano ba Shing!! Paranoid ka na talaga. " Sabi niya habang inaayos yung buhok niya. Nagulo ko ata kanina. "Ang sasabihin ko, parehas silang may X and Y chromosomes!! You know, biology?? XX sa females tapos XY sa males?? "
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...