CHAPTER XXXV - hyperventilate
"Teka Mika! Napapagod na ako! Ano ba kasing kailangan mo kay pareng Ace?! "
Mga kaibigan. Nagkakamali po kayo. Hindi po yan si Ace Vergel o si Ace Espinosa. Nasa hardware po kami ngayon. Naghahanap kami ng electric fan dahil winasak ng super hadouken powers ni Mika yung fan namin. In short, natabig niya, bumagsak at poof! It became koko crunch!
"Nasira niya nga kanina yung electric fan natin. Eh ang init init a dun sa kwarto. Kaya yan kinonsensya kong bumili ng bago. " Sabi ko kay Mara.
"OO NA!!! KASALANAN KO NA!! AKO NA ANG NAKAGAWA NG KAMALIAN!! AKO N-- "
Tinakpan ko naman agad yung bibig niya. Pinagtitinginan na kasi kami nung mga saleslady tsaka salesman. Akala siguro nila may shooting dun na may pamagat na 'Ako na ang may kamalian.' Pambihira?!
"Oo na! Alam na namin yun Mika! Pwede maghanap ka na muna ng electric fan na ipapalit mo dun. Dali! Nagugutom na yung small and large intestines ko! "
Buti nga small and large intestines lang yung nagugutom. Yung akin, nagrereklamo nanaman yung mga anak ni Steph sa loob ng tiyan ko. 'LECHON!! CALDERETA!!' See? Choosy?!
May lumapit naman na salesman samin tapos pinakitaan kami ng iba't-ibang electric fan. Pati nga ceiling fan tinapat sa mukha naming para daw ma-feel namin yung lakas. After 10 years hindi pa rin kami makakita ng maayos na electric fan dahil nga dun sa salesman na ang gulo-gulo. Kung anu-ano na lang pinapakita.
Mula electric fan, napadpad kami dun sa mga inidoror sumunod naman yung Christmas lights tapos doorknob. Tapos ngayon nandito kami sa part na may mga feather duster. Hindi ko na nga maintindihan kung tinutulungan niya pa ba kaming maghanap ng electric fan eh.
"May naamoy ako... " tinignan naman namin si Mara. Ano naman kayang amoy yan? Baka naman gutom lang yun.
"Huh? Wala naman akong naamoy ah?? " sabi naman ni Mika.
"Ay totoo po yan ma'am! Meron po kami ritong ionizer. Kaya super fresh air po ang nalalanghap ninyo! Baka gusto niyo rin pong bumili?" haayy.. Ayan nanaman po siya.
"Hindi eh... Kakaiba... " inamoy niya naman yung mga lalagyanan ng feather duster. Pambihira?! May lahing aso?! "Teka, parang nandito sa kabilang side..."
Naglakad naman siya papunta dun sa kabila. Siyempre sumunod naman kami ni Mika pati na rin yung usi na salesman. Pagdating naman dun sa kabilang aisle, wala naman kaming nakita.
Siniko naman ni Mika si Mara. "Hey, baka mamaya may naapakan ka lang na nuno sa punso kanina. Magpaalbularyo ka na lang mamaya! " binatukan nga ni Mara.
"Ay ALBULARYO?! Meron din po kami niyan!! "
Natulala na lang kami dun sa salesman. Pambihira?! Pati albularyo meron sa hardware?! "Well... Sige na go! Hanapin mo na yung naaamoy mo para makauwi na tayo. "
Tinuloy na naman ni Mara yung 'search for the missing smell' quest niya. From aisle no 3 nakarating kami sa no 18. Pambihirang ilong yan! Nakasunod pa rin naman yung salesman na kada lipat namin ng aisle eh naga-alok samin ng mga bagay-bagay Pati nga yata siopao na-alok na samin eh.
"MARA!! NAPAPAGOG NA AK-- "
"Shh! Malapit na!! Nararamdaman ko na. " sabi naman ni Mara after takpan ng plastic yung bibig ni Mika. Ayun, muntik-muntikanan nang mahimatay dahil hindi makahinga.
"Teka, ano ba naman kasi 'tong naaamoy at nararamdaman mo? " tanong ko sa kanya haband tinitignan yung mga kandado na nakadisplay. "Maganda bay an o masa-- "
"Parang sugo ito ng kasamaan!!! " At talagang--?!
"AY MERON DIN PO KAMI NA SUGO NG KASAMA-- " tinakpan ko na agad ng kamay ko yung bibig niya. Ganun ba talaga kapag salesman? Dapat sobrang ingay at kung anu-anong inaalok sa customers?!
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...