CHAPTER XXXI - looking for a missing piece
Nang umalis si Aries, nagtinginan lang yung dalawang babae at isang bading sa akin. Si Ice naman binato ng kwek-kwek si Gino. Ginawa na bang 'Pag-binato ka ng bato, batuhin mo ng kwek-kwek' yung saying na ilang beses nang sinasabi ng nanay ko sa akin.
"GINO!! Huwag mong sabihing tino-topak nanaman yung si Aries?? Akala ko naman matino na siya ngayong college... " sabi ni Ice.
"You can't blame him... " sabay bato niya ng squid rings kay Ice. Ahhh... yun pala yun. 'Kapag binato ka ng kwek-kwek, batuhin mo ng calamares.' Quote for the day.
"Alam niyo kayong dalawa... May malaking feeling ako na meron akong dapat malaman... " sabi ko kayla Ice at Gino.
"Feeling ko rin Shing may dapat kaming malaman... " napatingin naman ako kayla Mara at Mika. Nagulat na lang ako nung nakitang kong nakataas yung mga kilay nila sa akin.
Mas laling akong nagulat kasi may tumawa ng pagkalakas-lakas sa harap ko. Gusto niya uli ng lumilipad na kwek-kwek?? "ALAM KO YAN!! Siguro yung... 'Wala akong sinabing-- '"
Nasayang tuloy yung 10 pesos ko. Dalawang kwek-kwek na yung nabato ko kay Steph. Magagalit sakin nanay ko nito kapag nakita niya. "Pano mo naman nalaman yun?! " tanong ko sa kanya.
"Well, sources... " sabi ni Steph sabay kindat sa akin. Ang galing talagang ng babaeng 'toh. Este bading pala.
"Pambihira?! Lahat ng balita alam mo ah..." nag-salute lang naman siya sa akin. "Alam mo... bagay kang magtrabaho sa Gobyerno... Makaka-detect ka ng mga balita tungkol sa mga corrupt. "
"HELLO?! " nabigla naman ako nung sumigaw si Ice. "Gobyerno ka dyan?! Gusto mong kulayan niya ng deeppink at orange yung Malacañang?! " may point siya...
"Teka mabalik ako... Magkakaroon tayo ng room meeting mamaya sa dorm, Shing. Be sure na uuwi ka ngayon dahil... " natatakot na ako... "KAKANTA KA!! "
"JOIN AKO DYAN!! " sigaw ni Steph. Ano ba yan!! "VIDEOKE BA?!" nagsasayaw pa siya dun sa upuan niya. "weeeeee~~ I lovushhhh!! Magvivi-videokech tayerzzzz!! Magpro-production chenez akerzzz!! Magda-dancy dancy meee!! Wit na!! "
Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Steph. In fairness, kahit down ako ngayon, naging masaya yung araw ko. Haaayy... Pasalamat na lang ako kasi nandyan yun mga kaibigan ko. Na, tumatawa pa rin. Si Steph, naku! Nagsasasayaw pa rin. Si Gino mukhang timang na nakatitig sa amin.
Tumingin naman siya sa akin tapos nagtanong. "What did she- he-she-he--... " mas natawa tuloy ako. Kasi naman walang pronoun para kay Steph. "it!! What did it say?? " Pambihira?! Ginawang bagay si Steph?!
"Uhmmm... baliw daw siya. " Tinignan niya naman ako ng parang nagtataka. "You know yung may tama sa ulo. Alam mo naman ibig sabihin nun di ba?? "
Buong araw ko na naman hindi nakausap si Aries. Anong big deal?! Seriously sa tingin ko naka-droga na yung taong yun. Gusto ko man tanungin kung bakit siya nagkakaganun pero feeling ko, hindi niya naman ako masasagot ng maayos. Sus! Kelan ba siya naging maayos?!
Pagkabukas na pagkabukas ko ng kuwarto sa dorm ang dilim. "Hoy!! Hindi naman brown out ah!! "
Nakita ko pa yung... Pambihira?! Bakit nakasabit yung lampshade ko?! Nakatapat naman yung ilaw dun sa upuan. "Magandang gabi Cruz... " ha?!
"Tigilan niyo yan... Masakit ulo ko tsaka inaanto-- "
May bigla namang tumulak sakin paupo dun sa may lamp shade. "Kumanta ka na Cruz!! Kung hindi... " hinataw niya naman ng dos por dos yung study table ko. Napasigaw tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...