Chapter II - The Riddle

27 2 0
                                        

Chapter II - The Riddle

After that not-so-wonderful encounter with my so-called complainant, balik na ulit ako sa dati kong buhay. I'm hoping na sana hindi na maulit yun. Nakaka-trauma kayang bitbitin ng mga pulis. Not to mention, maraming usisero't usisera na kung makatingin ay parang lalamunin na ako ng buhay.

"Bestfriend, tulala ka nanaman diyan. Iniisip mo nanaman siguro yung nangyari sa mall nung isang araw noh? " tanong nung isa pang usi kong bestfriend.

"Mika, alam mo na namang nakaka-trauma yung nangyari. Ang masama pa maghahanap daw ng kung anong ebidensya yung ma-angas na lalaki. Siyempre naga-alala ako dahil marami pa akong pangarap sa buhay noh! Hindi ko yata kyang mabulok sa kulungan sa kasalanang -- "

"Hep hep hep!" singit niya. "Nagda-drama ka nanaman. Ilang beses ko na yan narinig para ka nang sirang palaka! " sirang ano?!

"Sinong naging palaka?? " bigla naman kaming napatingin sa likod namin.

Hindi ko pa pala nasasabi na nasa cafeteria kami ngayon ng aming prestigious university. Mga sophomore na kami kaya wala nang masyadong pressure sa studies. Nakapag-adjust na ika nga.

"STEPH!!"

'Lil info about our super friendship steph:

Steph (es-teffffff) alt. pronounciation (ba-deng-ger-zeeee ) - derived from the Girlalu name: Stephanie which derived from his TRUE given name StePhen with a capital S and P. :p

"MIKKKKAAA!!! "

At pooof! They became koko crunch! I mean nagyakapan sila at umupo na yung baklush naming friendlalou sa table namin. I'm sure may mga controversial na schoolbiz news ang bruhilda.

"Oi bading!" sabay tapik niya sa shoulder ko. Kelan naman ako naging bading? Anyway, sanay na naman ako. "Narinig ko sa mga sources kech na muntik-muntikanan ka nang ma-police arrest last Saturday! Super na-scared ang aking skin hairs mare! Ano bang nangyari?"

"Naku Steph wag mo na tanungin yan si Shing. Da-dramahan ka lang niyan. As in every detail maku-kuwento niya. Anyway, may iba ka pa bang balita?" at talagang nagala-startalk at the buzz ang dalawa.

Yan ang usual routine namin dito every lunch break. Tsismisan. Pero okay lang hindi naman kami name-mersonal. I mean hindi naming ginagamit yung mga nalalaman naming na pamblackmail ng iba. Pero I was thinking about that kasi lately may bruhildang nangaaway sa barkada namin... hmm... Nah! Mabait ako eh!

Bumili na muna ng makakain si Steph. Tuloy ang kwentuhan. Nagtaka na lang ako nung biglang tumigil na lang sa kakasalita si Mika. Si Steph naman tuloy pa rin yung machine gun niyang bibig. After a while, napansin din ni Steph na natahimik si Mika. Nakatitig lang naman siya ng super nasurprise yung tingin sa kung anong species na nasa likod ko.

"Mika! Nawalan ka na ba ng battery? Teka lang sususian kita! " patayo na sana ako sa upuan ko pero bigla naman akong pinigil ni Mika. What's with her huh?!

"No need Shing. Uhmmm... a... e... --"

"I, o, u! I love it! Bravo Mika! After 18 years of existence na-pronounce mo na rin ang vowels! Parang nung nusery hirap na hirap ker na sabihin ang vowelalou na mga yan! I did not expect that I came from... I came from one of the taf ten! " talk about weird things?!

"Guys... Feeling ko kapag kasama ko kayo tumataas yung IQ level ko. " sabi ko sa kanila.

"Bakit nandito... I mean... sila? Nandito? " tatalikod na sana ako kaya lang biglang umarangkada yung bibig ni Steph. At guess what kung anong ginawa niya?

Nagkwento. "Ahh... Sila ba... Ngayon mo lang ba sila nakita? Jaw dropping ba ang keber na face ng dalawang dudes? Infainess nung unang beses na nakita kech ang mga papables na mga aruch... "

Stolen ShotMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon