CHAPTER XXIX - Like what?!

6 1 0
                                    

CHAPTER XXIX - like what?!

What the heck?! Parang gusto ko yatang mahimatay. Teka, masakit yata pagbigla akong bumagsak. Tiled kasi yung floor nila. Okay pa sana kung vinyll. Narinig ko na lang na bumukas yung pinto sa likod ko. Hindi ko na kailangan lumingon kasi kita naman yung reflection niya sa pagkadami-daming mirror.

"Was it a surprise?? Or matagal mo nang alam?? " tumingin na lang ako sa kanya. Na-speechless talaga ako. Buti nga hindi ako nag-freak out.

Kasi nung may nagtapat rin sa akin nagtatakbo ako. Yun nga yung sinsabi ni Kuya na nawala ng parang bula nang kinausap ni papa. Haayyyy... Tignan mo ang nagagawa ng pagkabangag. Napakuwento tuloy ako...

"I've always wanted to tell you that. Kaya lang laging indirect yung mga nagagawa ko sa attempts ko. "

Tinaas ko naman yung dalawang kamay ko tapos umatras ako. "Nagtatapat ka ba sakin?? "

Ni-lean niya lang yung mukha niya sakin. "More like nangu-ngumpisal... " tapos ngumiti siya. Mas lalo ko tuloy gusto himatayin. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Na-mouse trap yata yung dila ko. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. Bigla naman nag-iba yung expression ng mukha niya. Parang nagaalala. "Hey, what's with that look?? "

At sa dinami-dami ng salita pwede kong sabihin, eto lang nasabi ko. "Ha?? "

"Sorry... Ayaw mo ba?? " tapos hinawakan niya ako sa magkabilang shoulders ko. Hindi pa rin naalis yung nagaalalang look niya. "I'll take it bac--"

"NO! "

"WHAT?! "

"I... I mean... " napayuko na lang ako. Okay pwedeng pakibato ako ng bato?! Tinapay na lang pala. "Wala akong masabi... "

"Okay lang noh!! " tapos ngumiti siya ng nakakaloko. "Hindi naman kita inaayang magpakasal. " Siniko ko nga. "Pero I'll do that someday. "

Hinawakan niya na lang ako sa kamay at hinila ako palabas nung house of dimensions which turned out to be house of mirrors. Nakangiti naman yung attendant sa amin. Haayyy... Feeling niya nagkaroon ng soap opera sa loob.

Naglakad-lakad kami sa mall ng ilang minuto pero hindi pa rin kami nagu-usap. Feeling ko tuloy ako na yung pinaka-worst (pinaka na, worst pa! walang makakatalo! ) na date sa buong universe. Malay mo talo pa akong ng mga alien di ba?? Teka?! Sino na bang naka-date sa mga alien?!

Galit kaya siya?? Or maybe yun nga, iniisip niyang walang kwenta lang yung araw niya sa akin. WAAAHH!! Nagda-drama nanaman ako.

"SORRY!! "

"Ha?! "

Natawa na lang kami natawa. Saka ko na-realize na parehas kaming timang. Siya lang pala!! HINDI AKO TIMANG OKAY?! Defensive?! Nagsmirk naman siya tapos binatawan niya yung kamay ko. "Did I do well?? "

Do well saan?? "Saan?? Dun sa acrobatic act na ginawa mo 3 weeks ago?? Na-impress ako kasi kahit gano kalakas yung pagka-dulas mo, wala ka man lang galos!! " binatukan naman ako ng loko.

"Sa date natin... " tapos nagkamot naman siya ng ulo niya. "Tsk! Hindi ko alam kung maayos ba yung ginawa ko... " Tumingin naman siya sa akin tapos iniwas din yung tingin. "Unang beses ko lang kasi 'toh. "

Nagulat naman ako tapos siniko ko siya sa may shoulder. "Seryoso ka?! 18 years old ka na tapos hindi ka pa nakakapagdate dati?! " sigaw ko sa kanya habang tumatawa.

Tinulak naman ako nung loko dun sa gilid. Buti na lang wala akong tinamaan. Sira-ulo talaga 'toh. "Sige! Nang-asar pa... " at super nag-mtv naman siya dun sa gilid. Naku! Lalaking 'toh kung hindi ko lang gu--... Kung... BASTA!!

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon