CHAPTER XXXVI - action-drama
"WAG KANG LALAPIT! ISA PA WAWASAKIN KO YANG ULO MO!! " pambihira?! After drama, comedy, drama and back to comedy, nagiging action na yata yung theme ng storya ko.
Kung bakit may humahabol saking goons ngayon, hindi ko alam. Pambihira talaga. Asan yung mga tingurian kong mga kaibigan. Well, MALAY KO! Si Aries naman out of sight. Bakit? Well...
"Edi ibibigay ko sayo yung akin. Quits na tayo." Malapit na sana ako mag-hyperventilate kaya lang nacurious muna ang lungs ko dahil nagulat si aries pagtingin niya sa likod ko. "Uh, magc-cr na muna siguro ako. "
Tapos umalis na siya. What the--?! Matapos mo ako sabihan nun iiwan mo ako. Pambihira talaga. Pumunta na muna ako dun sa thumbs up at bumili ng ice cream. Malamig naman sa mall pero trip ko lang bumili. Umupo ulit ako dun sa inuupuan ko kanina.
CR AH... Naubos ko na yung thumbs up ko't lahat more than 30 minutes nang napupudpod yung pwet ko sa upuan. Naku! Mababalatan ko talaga ng buhay si Aries pagbalik niya. Nagulat na lang ako nang may biglang lumapit saking bata.
"Ha? " May tinaas naman siyang rose tapos binigay sakin. Ah okay... ARIES?! Wag mo sabihing nag-transform ka sa pagkabata?!
"May nagtransform ba sayo dun sa cr?! " tinitigan lang naman ako nung bata tapos may binagay sakin na note. After nun, umalis agad yung bata tapos pumasok dun sa iasng sports shop. Binasa ko na naman yung nakalagay sa papel. AT WALANG--?!
'Need to go. Sorry.
NAKU! Hindi ako naaasar okay?!
Naglakad na naman ako palabas. Since mukhang hindi ko mahahanap yung mga sira-ulo kong kasama kanina, naglakad na ako palabas. Dapat ba magdrama ako dahil iniiwan nila ako?! Oh well... ISISIGA KO YUNG MGA YUN PAGNAKITA KO!!
Yun ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito sa may parking area at nakikipaghabulan dun sa mga goons. Actually, hindi ko alam kung anong kailangan nila. Teka, kidnap-material ba ako ngayon at maraming gustong tumangay sa akin?!
"Pare! Ang tigas ng ulo tignan mo oh! :(Nakatungtong na dun sa may atm machine! Sa susunod na lang! "
"Ako nga muntik nang ipakain dun sa aso nung nasa pet shop kami eh! " sabi nung isang alipores nung main goon. "Boss sa susunod na lang! "
Bigla namang lumapit sakin yung malaking lalaki. TEKA?! ASAN NA BA YUNG MGA GUARD?! "SABI NANG WAG KA LALAPIT EH!! "
Hinawakan niya naman ako sa wrist ko tapos hinila ako pababa nung atm machine. Ano ba naman yan. "Sumama ka na kung ayaw mong masaktan. "
"Hindi ako pagkain!! Hindi ako nakakakain! Humanap na lang kayo ng ibang iaaalay niyo!! " tinignan naman ako ng parang nagtataka nung tatlong lalaki. Naman?!
Naka-wala naman ako dun sa hawa niya tapos nagtatatakbo papunta dun sa may gazebo. Kaya lang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. "Pambihira?! Ikaw yung pinakamatagal mahuli ah! " sabi nung lalaki na nasa loob nung kotse.
Pagtingin ko sa likod, nandun na yung tatlong goons sa kanina pa humahabol sakin. Eto yung mga napapanood ko sa action movies! Dadating si Ronnie Ricketts o di kaya si Cong Revilla para iligtas ako! O di kaya si FPJ! TEKA?! *Awwwoooo!* Mumu na pala yun.
Nabigla ako nung may pumunta sa harap ko. "Leave. Her. Alone. " Whoa?! Si ET?! Action star na rin ba siya?!
Bigla naman naglakad papunta samin yung tatlong goons. Nung inches away na lang sila pinikit ko yung mata ko dahil ayoko yatang makakita ng da-moves nila. If ever man saktan nila kami. Next thing I know bumukas yung mga pinto dun sa kotse sa likod namin. Tapos,
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...