CHAPTER XXVI - DDR

7 1 0
                                    

CHAPTER XXVI - DDR

*tik* *tak* *tik* *tak* *tik* *tak*

"Like, hello?! " sabi ko sa kanila. "Wala man lang diyang 'Good evening!!' o di kaya 'Kamusta yung pageant ni Steph?'?? Galaw-galaw!! Baka ma-stroke!! "

Ang magaling kong mga magulang at ang aking mga kapatid ay nakatitig lang sa akin, nakatulala parang bangag. Teka?! Panong nakauwi ng mas maaga si Kuya sa akin dito?!

Para naman silang nagising nung tumawa yung sira-ulo kong kuya. "Gusto mo sumali sa DVD marathon namin?? " tanong niya habang inaakbayan si Wyc.

"May pasok kaya bukas tapos magpupuyat tayo?? " Pano ba yan!! Good example yata ako! Nung 5th grade nga candidate ako sa pagiging best in GMRC!! Hindi nga lang ako yung napili kasi candidate din yung anak nung titser naming sa subject na yun. Sad...

"Duh?! " tignan mo nagagawa kay kuya ng pagsama-sama kay Steph... "Linggo ng wika kaya bukas! " Monday kaya bukas. Pano naging Linggo?! "Hindi ka talaga nakikinig. " Matalino naman... "10am pasok 3pm uwian. "

"Ganun??? " tapos ngumiti naman ako. "Edi masaya!! Anong first movie?! " nung pa-upo na ako sa sala, tinulak naman akong palayo ni Wyc. "BAKIT?! "

"May mangi-interview sayo... " tapos tinuro niya sina mama at papa. Si papa mukhang seryoso pero si Mama nakangiti lang. Kamusta naman yung interview?! Job?? College entrance?? O baka naman tungkol sa career ko as dramatic actress?!

Napa-sandal na lang ako sa pinto nung nagsalita si papa. "Sino yung balsubas na Hestas na Barabas na Judas na naghatid sayo?! " *cough* excuse me po! (Mike Enriquez tone )

Tinignan ko naman sina kuya at Wyc. Ngumingisi lang. Nagtatawanan pa?! Patay kayo mamaya sakin!! "Papa naman... Dalaga na si Shing natin. Ganyang-ganyan din yung edad ko nung niligawan mo ako... " mama?! Nagre-reminisce ng past?!

"Hindi pwede!! " lalo tuloy akong napasandal dun sa pinto. Lumnapit naman siya sa akin tapos sinigawan ba naman ako diretso sa mukha ko. Tumatalsik pa nga yung laway eh! Papa talaga...

"Dad... " pipigilan pa sana ni mama kaya lang biglang naging machine gun yung bibig ni papa in an instant. Naman?!

"Masyado ka pang bata!! Ano na lang sasabihin ng mga kapitbahay natin kapag nakita ka nilang may kasamang lalaki!! Tapos iisipin nila mga kunsintidor kaming mga magulang!! Tapos... Malalaman yun ng mga kaibigan namin, mga kaopisina ko!! Hindi na nila ako ililibre dun sa Japanese restaurant!! Hindi na ako makakain ng tempura!! Magkakasakit ako dahil hindi ko na makakain yung paborito kong pagkain!! Isusugod ako sa ospital!! Mauubos pera natin sa pagpapagamot sa akin!! Maghihirap tayo!! Magbebenta ka na lang ng samapagita sa may simbahan!! " HANHO RHAW?!

Pagkatapos niyang sabihin yun hingal na hingal siya. "The best ka talaga papa! Akalain mo yun?! Hinatid lang si Shing dito ni Aries, naging sampaguita vendor siya?! "

Binatukan naman ni mama si papa. Yan ang gusto ko sa kanila eh... Ang sweet!! Kulang na lang gawin silang beehive ng mga bubuyog. "Pagpasensyahan mo na 'tong papa mo anak. " Sabi niya sa akin. "Ganyan na talaga kapag tumatanda... "

Bigla naman napalingon si papa. "SINONG TUMATANDA?! "

Tinignan lang naman naming siya. Haha! Papa talaga kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan. "DUH?! " sabi ni mama habang nag-snap pataas. My gosh!! Steph!! Stay away from my family!!

"Uhh... 48 years old pa lang naman ako eh... " sabi ni papa habang nakatingin sa floor. Nalulungkot?? Mama kasi eh...

"Mama... " napalingon naman kami kay Wyc. "Nanga-asar... ka-edad niya lang naman si papa. " Piningot naman ni mama. Nasasaktan no 2!!

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon