Chapter VII - Iba na 'toh

16 2 0
                                    

Chapter VII - Iba na 'toh

"Hoy! Wag mo pag-initan yung repolyo!!" sabi ni kuya tagapag-luto.

"Ay sorry! " Sabi ko after kong tigilan yung pagchop-chop dun sa repolyo. After ko kasing mag-cause ng gulo nung waitress pa ako, ipinasok na ako dito sa kusina. Para kung sakali daw yung mga gulay at karne na lang yung susuntukin ko. Ano ba yan!

After ko gawing manyika ng mangkukulam yung repolyo (thinking na yung sinasasaksak ko ay si Mr. Bouncing baby boy ), nagayos-ayos na ako dun sa counter top. Lumipat na daw kasi ako dun sa labas. Magka-cashier daw ako. Haayyy... Lahat na ng trabaho dito sa resto nasubukan ko ah?!

"Pssst! Ms. Magna " tumingin naman ako sa tabi ko. At whoa?! Ang lapit na naman niya...

"Distansya mo dude! " yun na lang nasabi ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin. Tumabi na siya sa akin tapos may tinuro sa may west ng resto.

"Oh my gosh!! " tumango naman siya. "May batang inaalis yung 'All meals P99' sign!!"

Binatukan niya naman ako "Aray--!! " hala! Ngayon naman tinakpan niya yung bibig ko. Ano 'toh torture chamber?? Habang nakatakip yung kamay niya sa bibig ko, tinitigan ko lang siya. Ayaw dumistansya ng loko! Sinabihan na ngang ang lapit niya! Aba't-teka?! Mukhang 1st time kong maniniwala kay Steph na... na... na.... No to bad thoughts... Go go go Shing!

"Hindi yun!! " napatingin na lang siya sa akin nung hindi na ako umiimik. At buti naman napansin niya. "So-sorry... " Pagkatapos nun, umiwas siya ng tingin. "Hindi yun yung tinuturo ko, ayun oh!"

Shoot! "Magkaka-rumble dito... "

"Ha?? I was pointing at Ice and Mik-- " tinignan niya lang ako. Sira yung battery or low batt?? "Malapit nga ako... " tapos lumayo siya. After 10 yearssssss....

Kumuha naman ako ng kung anong scratch paper sa may baba. Wala naman si Bouncing baby boy kaya walang magagalit at magiging shrek. Cinrumple ko tapos binato sa ulo ni Mika ayun! SAPUL!

Tumingin naman siya sa may cashier side. Sumenyas naman ako dun sa parating customer. Naki-osyoso naman sina Ice at Aries. Kalalaking tao mga usisero.

"Ano yun?? " tanong ni Aries na ngayon ay mga 1 metro na yung distansya sa akin. Nasobrahan naman. Pambihira?! Parang may deadly virus ako ah??

"Lumapit ka nga ang layo mo. " Lumapit naman siya. Pambihira?! "Nakikita mo yun??" tinuro ko sa kanya yung dumating na mga customers.

"Yung..." yep. Yung sira-ulong boyfriend ni Mik- "yung mukhang basketball yung ulo tapos yung kasamang babae eh parang naga-abang ng customer sa may baywalk?? " ano raw?! Mapanglait... Tumingin lang ako sa kanya with sobra-kang-mapanglait look. "What?? "

"Oh well, yung sinasabi mong basketball head, boyfriend yun ni Mika. "

"Ano?! " sobra naman 'tong maka-react. "Akala ko pa naman matino si Mika. Pumapatol pala siya sa bola." Na-speechless nalang ang lola niyo. Wala akong ibang nagawa kundi tignan lang siya. Mapanglait... "Ano nanaman??" Tinignan niya lang din ako. "Wag mo kong tingnan ng ganyan mamaya magandahan ako sayo, magka-crush pa ko. "

Ah-ahmm... Teka may line dapat ako after nun. Nawala na lang sa isip ko kung anong ginawang move ni Mika since tinuro ko nga sa kanya yung.. ahem... wala talagang kwenta niyang boyfriend.

Nakita ko si Mika. Patay tayo dito... "Manood ka. Magkakaroon ng Pacquiao-Barrera Part II. " Sabi ko kay Aries.

Lumapit si Mika dun sa, I quote from Aries, "bola" . Nagtitigan sila, at poof! For the second time sa tanang history ng restaurant na 'toh, may pinabagsak na customer sa floor.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon