CHAPTER XX - Kalkal

8 1 0
                                        

CHAPTER XX - kalkal

"Sigurado akong sinabi niya yun eh... " sabi ko sa kuya ko. Dito na kasi ako pinatulog ng mga magulang ko pagkatapos ko i-door to door deliver yung ostrich egg ni kuya. "Teka, para saan nga ba yung ostrich egg na hinihingi mo?? "

"Kilala mo pa ba si Tita Mia?? " tanong ni kuya.

"Yata. Yun ba yung nanay ni Ayla?? " Sino si Tita Mia?? Eto nanaman ang aking name dictionary!!

Tita Mia (ti-taaaa Mi-ya) - Ang sobrang nakakatuwa kong tita. Sobra siyang natutuwa sa akin hindi ko alam. Napaka-updated niyan pagdating sa mga achievements ko. Kaya super spoiled ako sa kanya.

"Oo yun na yun. " sabi ni kuya habang nilalantakan yung nilutong ostrich egg. "Buntis daw eh. Pinaglilihian daw yata yung ostrich. Ayan! Yung itlog naman yung napagtripan. " Ganun ba talaga ka-weird ang panlasa ng mga buntis??

"Nakakatakot naman. Buti binigyan ka niya. Masarap ba?? " tanong ko. Hindi pa yata ako nakakatikim ng ganung itlog noh.

"Sus! Parang itlog ng manok. Kung nakita mo lang yung niluto ni mama kagabi, tinalo nung isan buong itlog yung isang dosenang itlog na nasa ref natin. " Medyo natawa naman ako kasi sobrang langis na ng bibig ni kuya. Kain kasi ng kain. "Bakit?? "

"Wala lang... " Kinalikot ko naman yung digicam ni Kuya. Pumunta pala sa amin kagabi sina Tita Mia. Hindi ko man lang nalaman kasi tulog na tulog ako pagdating ko. "Kamusta na daw si Ayla?? "

"Aba malay ko sa loka-lokang yun?! " Pambihira?! Galit pa rin siya kay Ayla. "Teka, ano palang sinasabi mo kanina tungkol dun kay labidabs mo?? "

Binatukan ko nga. "Sira ulo!! " kinuwento ko kasi kay kuya yung nangyari kahapon sa zoo. "Nanibago lang kasi ako eh. " Sabi ko sa kanya.

"What's the big deal kung unang beses ka niya tinawag sa pangalan mo?? " sabi niya habang pinupunasan yung bibig niya. Ang dami kasing mantika na pinanluto dun sa itlog eh. "Na-touch ka naman?? "

"Ewan ko sayo kahit kalian hindi ka talaga magandang kausap. " Binuksan ko naman yung tv. Makapanood nga ng Eat bulaga. Itaktak mo... Itaktak mo...

"Bruha ka!! " tapos sinabunutan daw ba ako ng magaling kong kuya.

"Problema mo?! " sigaw ko sa kanya.

"Uunahan mo pa ako magkaboyfriend!! " sabi niya habang naga-act na parang bading. Langya! Pano na ang Steph-Michael love team?! Magiging Steph-Mikaela na ba?!

"Pambihira?! " sinabunutan ko rin! Aba! Buti na lang hindi natanggal anit ko dun sa ginawa niya ah! "Parang Steph lang ha!! "

Binutakan ba naman ako ng pagkalakas lakas?! "Sa dinami-dami ba naman ng bading sa buong mundo, si Steph pa yung ginamit mong adjective para sa akin?! " Pambihira?! May paadjective adjective pang nalalaman?!

"Sinong gusto mo?? Si Allan K?? " binatukan ba naman ako ulit?! "Aray ko!! Nakakarami ka na talaga ha!! "

"Ano ba naman yan!! Pwede naman si Ricky Reyes!! " at talagang namili pa siya?! "Sige na nga lumayas ka na!! Puntahan mo na yung labidabs mo!! Alam ko namang gustong-gusto mo na siyang makapiling!! " binato ko nga sa kanya yung digi cam niya. Nagda-drama nanaman siya.

"Sinong may tuliling?! " nagulat naman ako nang biglang sumulpot yung ulo ng mas bata kong kapatid sa may pinto.

Tumayo na naman ako sabay sinabi kay Wyc, yung mas bata kong kapatid. "Subukan niyong tumingin sa salamin. Makikita niyo yung may tuliling. " kinuha ko na naman yung gamit ko at aalis na talaga ako.

"Ay! Kaya pala! " napalingon naman ako kay Wyc. "Pagtumitingin ako sa salamin ikaw yung nakikita ko... " Haaaayy!! Headache!!

Nilapitan ko naman si Wyc tapos hinawakan yung magkabilang pisngi ni Wyc, "Alam mo... Masyado mo lang ako nami-miss. " Tapos hinalikan ko siya sa right cheek niya. "Sige Kuya! Una na ako!! Ikaw naman " tinap ko yung ulo ng kapatid ko na matatangkaran na ako, "Ang bagal mo dude!! " at talagang inirapan lang ako ng kapatid ko at winalk outan. Nagmamaldita?!

Stolen ShotMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon