Chapter X - Watch out! I'm gonna be a star!

7 1 0
                                    

Chapter X - Watch out! I'm gonna be a star!

"Ayos ba yun?? " tanong nung may-ari ng resto.

Nung nagpuntang Hawaii si bouncing baby boy, siya na muna yung nag-manage nung restaurant. At lahat kami ay super sumaya dahil super mabait pala siya. Itago na lang natin siya sa pangalang Mr. Valdez.

"Ayos na ayos po! " sabi ni Ice habang sumasaludo pa. Tapos bigla naman niyang inangat yung kamay niya na parang nanlilimos. Pambihira?! Manghihingi pa ata siya.. "eh sir yung clothing allowance po? " sabi na nga ba eh.

"Aba! Covered na yan ng matatanggap niyong bonus!! " sabi niya habang nakangiti. Buti pa talaga itong si Sir mabait. Naaalala ko nanaman yung mga masalimuot na napagdaanan namin sa mga kamay ni Bouncing baby boy. "Siguro naman kahit papano may natatago kayong mga semi-formal sa mga aparador niyo? "

Nag-nod naman kaming apat, ako, Mika, Steph at Aries. Si Ice lang yung masyadong madaldal at hyper active dahil sa event na mangyayari. "Naka-enervon ka ba?? " tanong ko kay Ice.

"OO naman noh!! More energy mas happy!!! " may topak nga siya... Tumingin ulit siya kay sir "Sir kalansay po laman ng aparador namin eh." Tumingin naman kaming lahat sa kanya. Sigurado akong walang ka-kwenta-kwenta nanaman yung sasabihin nito... Nagpeace sign naman siya sabay sabing "You know... skeleton inside the closet?? " tapos tumawa siya ng malakas. Nagulat kami nang bigla siyang sumigaw "AAAAAAAWWWWWWCCCHHH!!! " sabi niya sabay hawak sa ulo niya.

"Sorry pare, hindi ko napansin naglanding na yung kamay ko sa ulo mo. " Sabi ni Aries.

"Nagjo-joke lang eh... " sabi niy while acting na umiiyak siya. At mana-nanching pa sana ang loko. Payakap na sana siya kay Mika kaya lang biglang tinulak ni Steph si Mika sa side tapos siya yung yumakap kay Ice. "WAAAAHH!!! Ayoko naa!! Hindi na ako magjo-joke ever!!!" habang nagpupumiglas kay Steph. Yan kasi... dapat hindi na nagda-drama eh...

Tinignan ko naman si Mr. Valdez. Nakatingin lang siya sa amin na parang nagtataka. "Ganyan na pala ang kabataan ngayon... Tsk! Tsk! Tsk! " sabi niya habang umiiling. Steph kasi eh! Nagpakita ng bad example. "Oh basta! Aasahan ko kayo mamayang hapon ah. Dapat mga 5pm nandito na kayo. Magdadatingan na kasi yung mga bisita ng mga 6:30pm. " Paalis na sana siya kaya lang bago siya makalayo lumingon uli siya sa amin. "Nga pala, ikaw Ice. Isuka mo yung nainom mong enervon. Na-overdose ka ata. "

Tumawa naman kaming lahat. "O pano ba yan mga boys!! Magpapaganda muna kaming mga girls para sa event mamaya ah! Sige mauna na kami!! " sabi ni Steph.

"Ahh... Steph, narinig mo ba yung sabi ni Sir kanina?? Hindi tayo yung star ng show. " Sabi ni Mika. Pero bago niya matapos umarangkada naman yung bibig ni Steph.

"Mika, maniwala ka, ako ang magiging Star ng showness na magaganap!! "

"Sabihin mo, falling star... " bulong ni Aries.

"Ano yun papa Aries?? " umiling naman si Aries. Takot yata sa super powers ni Steph. Di hamak na mas malakas yung hadouken powers niya kesa sa akin. "Tara na mga girls!! Magpapa-spa tayo, magsa-shopping ng cocktail dress at-- "

"Steph, magwe-waitress tayo... I mean waiter for you... " sabi ko sa kanya.

"Ah basta!! Tara lets gooooo!!! " At woosh! Tinulak tulak na lang kami ni Steph papunta sa bahay daw niya. I mean sa bahay ni Mika. Alam ko namang hindi pwede sa bahay nila kasi hindi pa alam nung mga ka-pamilya niya na.... you know... baluktot siya... (hindi straight )

Pinag-lunch na muna kami nung mommy ni Mika. May kakaiba nga kay Tita eh. Masyadong masaya today. Hindi ko alam kung bakit. Yun naman pala, buntis daw ang kanyang beloved mom. Haaayy... Tuwang-tuwa nga siya kay Steph.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon