CHAPTER XIV - time
Nakaupo kami ngayon sa likod ng grandstand sa field. Mukhang hindi pa tapos yung laban sa soccer ng kuya ko at ni Ice. Nakita ko pa nga sina Mika at Steph sa may bleachers. Sumama ba sa akin si Mara? Yep. Nagtataka nga ako bigla bigla na lang siyang sumama. Hindi man lang nagsasalita. I guess after all these years, she wanted to talk with me too.
"Yel... Andyan ka pa ba?? "
"Siyempre naman. Hindi naman ako nawala eh." Sabi niya sa akin.
Who's Yel?? She's no other than Mara. Yel's short for Mariel. Kaya lang si Yel para sa akin ay yung mabait bestfriend ko nung highschool pa kami.
"I've been waiting a long time to hear you call me with that again." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa floor.
I stopped calling her Yel pagkatapos nung incident na nakita niya kami ng boyfriend niya. Ako lang kasi yung tumatawag sa kanya nun.
"Akala ko galit ka sa akin eh. " Pinipilit kong hindi umiyak. Naman!
"Akala ko rin eh." Tinignan niya ako tapos nakita kong naluluha na siya. "Masyadong magulo lang yung isip ko nun. Hindi ako nakapagisip ng tama." Kelan ba siya nag-isip ng tama?? Teka?! War freak mode nanaman ako!! Ano ba nakikipag-usap na nga ng maayos eh.
"Tell me everything. " Kasi nararamdaman kong may problema siya. Sa bagay matagal na naman yung problema niya sa utak. WAAAIT!! Nanga-away na naman ako. Sorry! Reflexes lang! Pasensya!
"Ayoko na... " sabi niya habang umiiyak. "Napapagod na akong awayin ka." Hala?! Humagul-gol?!
"Teka... " sabi ko sabay pat sa shouders niya. Pero inalis niya naman. Akala ko ba hindi siya galit sa akin.
"Ina-away kita pero lagi ka namang nananalo. " Ahh... Eh yung huli??
"Eh hindi na naman sana ako makaka-labas dun sa gulo about sa exam cheating eh. Kung hindi lang may nagsabi dun sa DC kung anong nangyari. " Sabi ko sa kanya.
"Yun nga eh... " at talagang iyak pa rin siya ng iyak. "Ako nagsabi sa kanila.. " tapos tumigil na siya sa pag=iyak. Hala hala! Naubusan ng luha?? Ang bilis naman nung iyak na yun??
"Eh, mapapa-alis mo na naman sana yung scholarship ko... Mananalo ka na." sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang muna ako saka siya nagsalita.
"Natakot ako. Natakot ako kay Steph. " ANO?!? Wag mo sabihing nalaman niya na mangkukulam si Steph?! "She knows my secret... "
"Sikreto?? "
"Yeah. *sob* At that time... Gustung-gusto kitang puntahan. 1st year college yun nung gumrabe yung problema ko. Pero naisip ko baka hindi mo ako pansinin kasi... galit ka sa akin. " So...
"All this time, iniisip natin na galit tayo sa isa't-isa. " Medyo napangiti naman ako dun. Masaya ako na nalaman ko na hindi naman pala siya galit sa akin.
"Think so. " Napangiti na lang ako ng sobra kasi ngumiti siya sa akin after 4 years. Puro kasi roll ng mata yung natatanggap ko sa kanya eh...
"So, what's this problem?? Or this... what?? Secret?? " tanong ko sa kanya. Bigla namang nawala yung ngiti niya. "Sabi mo may kinalaman diyan si Steph??"
"I..." you??? "I... " you??? "I..."
"Teka?! Ang tagal ah!! " tinignan niya naman ako. Sorry!! Atat lang!! "Ahh... pasensya... Sige ituloy mo lang... "
"I killed someone... "
"ANO?! " sabi ko sa kanya. Napatayo naman ako. Hindi nga?! Teka, seryosong usapan 'toh kelangan ko magseryoso... Ahummm.... Oh ayan serious mode na ako... "You what?! "
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...