Epilogue

28 3 0
                                    

"Hoy pambihira ka! Kanina ka pa nandyan!! " tinignan ko naman siya ng masama. Kita mo ngang nakikipagusap pa dun sa tao eh! "Naririndi na sayo tatay ko!! Ano ba!! Malelate na tayo niyan! " sabi sakin ni Aries

"Teka lang! Ang sama mo talaga! " Naglakad na naman ako papunta sa kanya. "Sino nagsabi sayong naririndi siya sakin?! Tignan mo hindi nga nagsasalita! "

"Hala! Wag mo nang antayin na lumabas siya diyan tapos sabihan ka. " Binatukan ko nga. Ipapamulto pa ako sa tatay niya.

Wala lang. I had an urge to visit his father's grave. Pati na rin yung asawa nung ate niya. Both died because of that stupid debt. Biglaan nga kaya pinapamadali ako nitong sira-ulong 'toh. Bakit?



Graduation namin ngayon.



Cool di ba? Hanggang ngayon magkasama pa rin kami, or rather, ginugulo niya pa rin ako. If you're wondering kung ano ba talagang nangyari at nagkaroon siya ng disappearing act nun? Well, he just had many injuries.

At kapag sinabi kong many, marami talaga. Gusto ko ngang dagdagan nung nakita ko kasi ni-hindi man lang ako sinabihan na ganun yung nangyari sa kanya.

"At kapagtinuloy mo yan pagtutunganga mo hindi ka makakagraduate at maghihintay ka nanaman ng limang buwan para makagraduate. "

"Oo na po sir! Dali! "

At wooosh! Nagdrive na naman siya ng mabilis. To think na 15 minutes away na lang yung school at meron na lang kaming... WHAT THE--?!

5 minutes?! Mukhang naging super daldal ko nanaman kanina dun.

Nga pala, graduation means katatapos lang naming mag-4th year. AND it means a year already passed. Kung tinatanong niyo kung sinagot ko na siya. ABA! Hindi pa noh. Tama mga kaibigan. One year na siyang nanliligaw at masaya ako dahil hindi pa rin siya sumusuko. Parang panahon lang ng mga kastila noh? Well, sinabi niya naman a willing siya maghintay.

Nakarating naman ako ng ligtas sa school at late man kami pero hindi pa rin nagsa-start. Talk about Filipino time. Sinalubong naman kami agad nila Gino, Mika, Ice at Mara.

Niyakap naman ni Ice si Aries tapos hinampas-hampas yung likod niya. "PARE!! Mami-miss kita!! " binatukan lang naman ni Aries.

"Sira! Malapit lang yung law school mo sa bahay namin. And for I know, may usapan na kayo ni Mama na dun ka samin tutuloy. " Pambihira?!

Next naman niyang niyakap si Mara. "MARA!! MAMI-miss kita!!! " nagpumiglas naman si Mara para makalis dun sa yakap ni Ice.

"Pwede ba Ice!! Lagi kayang tambay sa tindahan namin!! " Pambihira?! "Nagsasawa na nga yung tatay ko kasi lagi na lang ikaw yung umuupos nung maja blanca na niluluto niya. "

"GINOOOO! " sunod naman niyang niyakap "MAMI-miss kita!!!!" Binatukan lang naman ni Gino si Ice. Ayun! Napabitaw agad.

"We're in the same law school... " sabi ni ET habang nakatingin ng masama kay Ice. Nag-peace sign naman si Ice sa kanya.

Tinignan naman ako ni Ice. Oops... Ano bang pwedeng i-dahilan sa kanya. Yayakapin na sana ako ni Ice kaya lang...

"Don't even think about it. " Sabi ni Aries.

"'Toh naman! Masyado kang overprotective! Cool man! " Tinignan niya naman si Mika. "Mik-- !!" payakap na sana siya kaya lang...

"Don't even think about it. " Kawawa naman si Ice.

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon