CHAPTER XXXVII - lucidity
"Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong nangyayari. " Sabi ko dun sa hindi ko alam kung bakit ko kinakausap. "May humahabol saking goons. Anong ibig sabihin nun? "
"Baka gusto lang naman nila makiaglaro ng tumbang preso! " binatukan ko nga. Pambihira?! Dapat talaga hindi na ako nakipag-usap dito kay Ice.
"Tss... Siguro nga. " Napatingin naman siya sakin. "Kaya lang ako yung lata. "
"Hey! What's the drama all about?! " napatingin naman kami sa may likod namin. Si ET nga. Naman?! Ang gulo-gulo na nga ng utak ko dumadating pa yung mga magugulo.
"Alam na ni Shing. " Sabi ni Ice kay ET.
Muntikan namang madapa si ET nung pa-upo na siya dun sa may slide. Nasa playground kasi kami ni Ice ngayon. Nakita niya ako mag-isa ayun. Nilapitan ako. Baka daw umiyak ako dahil walang kalaro. "I... I don't know what to say. "
"Tama na nga... " tumayo na naman ako dun sa inuupuan kong swing. "Tara Ice bumalik na tayo sa dorm. At ikaw... " tinuro ko naman si ET. "Umuwi ka na sa planeta mo! "
Parang ang gulo ng isip ko buong araw kinabukasan. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalala o isiping joke lang yun. Sa totoo lang...
Natatakot ako.
Bago ako lumabas ng school, tinignan ko muna kung nandun yung kapatid ni Aries. Well, hindi ko naman siya pinagtataguan. Baka kasi mamaya pagdalhin niya nanaman ako ng dinner ni Aries. Ayoko muna silang makita.
Hindi ko alam kung masyado lang akon mag-isip pero masaya ako at nakauwi ako sa dorm. Haaayy... Para tuloy tino-torture yung mga brain cells ko.
Tama na.
"SHIIIIIIIINGGGGGGG!!!! " nagulat naman ako ng biglang yinakap ako ni Steph. "Na-dethrone yung reigning Miss Gay!!! " Ah, anong koneksyon ko?!
"Ano ngayon?? Si Mara na yung papalit?? " binato lang naman ako ng unan ni Mara. Tapos nag-mouth ng 'Sira! '
"HINDDEEEE!!! AKOOOO!! MEEE!!! Di ba ako yung 1st runner up?! Hindi ka ba nanood?! " Nandun nga ako pero...
"How do you show your care for someone??"
"Simple as, do things that would make him or her happy. "
"...Para sa akin, I'll do nothing. "
*snap*
"HA?! "
"Hindi ka naman nakikinig eh!!" sabi ni Steph sabay upo dun sa kama ko. Next thing I know, nakahilata na siya pambihira?!
"Ui umalis ka nga diyan!! " sabi ko sa kanya hila sa kanya paalis dun sa kama. "Ayoko magka-galis!! "
Tumayo naman siya dun sa kama tapos humarap sakin. "CHAKA! I THOUGHT YOU'RE MY FRIEND! " tapos inangat niya naman yung kamay niya tapos bumwelo para tamaan yung mukha ko.
"HEP!! " sigaw ko sabay hawak dun sa kamay niya. "Pagyan tinuloy made-dethrone agad yung bagong ms gay dahil na-ospital! "
"JOKE LANG!! " naglakad na naman siya papunta dun sa pinto. "Hui!" sabi niya sabay turo kayla Mika at Mara. "Mainit ulo oh. Palamigin niyo nga! Hindi kinekeri ng powers ko. Masyado red ang aura niyan! "
"At kelan pa natutong makakita si Steph ng Aura?!" tanong ko sa kanila.
"Shing... Hindi psychic si Steph. Kaibigan mo siya. "
"Matagal na tayo magkasama at alam naming kung malungkot ang isa't-isa. Mas lalo na kung yang tumitibok sa dibdib mo yung dahil. "
"Tama! Para tayong magnet! Naaapektuhan mo yung iba kahit hindi mo sinasadya. " Nginitian lang naman nila ako.
BINABASA MO ANG
Stolen Shot
RomanceFinding love is like working on a stolen photo. You point the camera on your subject, hoping you'll not be caught. But once you get caught, you only get one of two outcomes - your subject will leave or will smile for your photo. Author's Note: This...