CHAPTER XXXIII - Things are getting better or worse?

3 1 0
                                    

CHAPTER XXXIII - things are getting better or worse?

"HAAAAPPPYYYY BIIIIRRRTTTHHDAAAAYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!! " Lechugas?!

Bigla akong nagising nung may mga sira-ulong nag-gate crash sa party sa panaginip ko! Akalain mong ina-awardan na ako ng Famas best actress?! Teka?! Anong sinasabi nila kanina?

"Sinong may birthday?? " tanong ko kayla kuya tsaka Wyc.

Sa ikinataas ng langit, ayun nagtinginan lang yung dalawa. Siniko naman ni Wyc si Kuya, "Huy kuya... Sino daw may birthday?? "

"Si Shing di ba??" bulong ni Kuya kay Wyc. "IKAW SHING!!! Happy Birthdayyyy!! " sigaw sakin ni kuya sabay yakap. Tinitikman na naman ni Wyc yung 'birthday cake ko-kuno' Pambihira talaga.

"March 22 na ba?? " nagtinginan na naman yung mga mokong sa harap ko. Tsk! Sinasabi ko na nga ba eh.

Siniko naman ni kuya si Wyc this time. "Wyc, March 22 ba ngayon? Di ba November 27 lang kahapon?? Tumalon ba yung kalendaryo ko?? "

Bumulong naman ulit si kuya. "Siguro... " tumingin naman sila sa akin. "HAPPY BIRTHDAY ATE!! WE LOVE YOU!! "

Bigla namang bumukas yung pinto. "Mga anak, mali yata kayo ng pinasukan na kwarto. " Sabi ni Mama pagkatapos tumawa ng pagkalakas lakas at pagka haaaaaaaaaaaba-haaaaaaba. Akala nga naman nababaliw na yung nanay namin eh.

'halatang may pinagmanahan...' pwede?! Wag na sumabat?! Konsensya ka lang!!

"OH! " nagulat naman si papa nung makita kaming parang mga ewan dun sa kama. "Bakit naligaw dito yung cake ko?? "

"Si papa yung may birthday?? " Tinaas lang naman ni Wyc yung mga balikat niya. Binatuakn naman ni Kuya. "Bakit hindi mo alam?! "

Binatukan naman ni Wyc si kuya pabalik. "Eh ang nakasulat lang sa calendar sa kwarto ko 'Happy Birthday!'! Ikaw kaya nakalimot! "

"Ikaw noh! May pa-cake cake ka pang nalalaman diyan!! " at yun, nagbugbugan na yung dalawa sa kama ko.

"IKAAAWWWW!!!!!!! " sigaw ni Kuya

"IKKKKKKAAAAWWWWW!!! Wala kang kwentang anak nakalimutan mo yung birthday ni papa!!! " Pambihira?!

"TUMIGIL NA KAYOOOO!! "

*BLAG!*

Binatukan ko nga pareho. Ayan sabay pa sila bumulagta sa baba ng kama ko. Kailangan pang masaktan eh bago tumigil! "Alam niyo, parehas niyong nakalimutan yung birthday ni Papa! Wag na kayong magulo okay?! "

Nahulog naman ako sa kabilang side nung kama nang bigalng lumitaw yung mukha nung dalawa sabay sabing, "IKAW BA NAALALA MO?! "

Haaayyy... Matapos magbugbugan yung dalawa, nahagis bigla yung cake. Mabuti na lang at nasalo ko kung hindi wala kaming kinain kaninang breakfast. Pambihirang talaga yung mga kapatid ko. Mangsu-surprise na nga lang mali pa.

After ng first two classes ko dumiretso na ako sa cafeteria. At hindi nga ako nagkamali na cafeteria yun dahil may wumawagayway na bandera na hindi ko maintindihan kung ano dun sa isang table. Later did I know na si Steph yung may pakana nun. Para daw makita ko agad yung table. Pambihira?!

"BVzish shajun huga mie nemp apooiksd weiyrnmzymwqiy uiqywmnxi iuwynmzdiu terdin erkjc. Oiusjkejr? Lamock tughirthopm. AKASWOIIIOIOEI!!! " szwjush njoh. Nyeyla? Nhanim gwautoi nanina mbo? Este-nage-alien talk nanaman kami.

"Whoa?! Can someone please translate that into human language? " Teka?! Bakit hindi niya maintindihan? Akala ko ba alien si ET?

"That means... Uh, it means... The statement... " nagkamot naman ng ulo si Ice. Binatukan nga ni Mika. Under pala si Ice kay Mika. Ever since na naging sila twice siya binabatukan ni Mika in a day. "Dahan dahan naman! Magkaka-tumor na ako sa utak niyan eh! "

Stolen ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon