Hi,
This was written around July 2011 and was onhold for almost a couple of years before I was able to finally complete it around 2014. So there were differences in tone because of the gap and pace while writing this. Anyway, I implore you to go easy on this material because I was only a baby while writing this in my free time. And c'mon. Who judges a book written almost a decade ago?
What year are you reading this? 2020? Then please expect the datedness of the story. Luma na ito so please proceed with caution and leveled expectation. 'Yun lang.
Hope you still enjoy!
Cheers,
Glimmer
CHAPTER ONE - ZYLIE
ZYLIE's POV
Umuulan. Malakas. kung kelan ka naglalakad. Kung kelan kabababa mo lang ng tricyle para maglakad ng napakahaba tska bubuhos ang ulan kasabay ng malakas na hangin. Ganun naman yun diba? Parang nananadya lang ang mga pangyayari.
For instance (or more like the usual) Hindi makita ang mga bagay na hinahanap. Nalalaman ang halaga ng bagay kapag wala na. At nangyayari ang mga bagay na ayaw at hindi kaaya-aya. Ano pa bang bago? Nagmumukha pa akong emo kapag sinasabi ko.
At ngayon, parang may bagyo pa yata kasi ang lakas ng hangin na parang kahit na anong oras, magkakaroon ng ipo-ipo. Mabuti na lang at hindi masyadong posible yun sa bansa kasi kung hindi, matagal na siguro akong tinangay. Ang nakakapagtaka lang talaga, bakit kasi umuulan ngayong November?
Bakit ba kasi hindi na-suspend yung klase ngayong ganito kalakas na yung hangin? Akala ko ba nag-install na sila ng bagong Doppler weather radar na nagkakahalaga ng milliones? Eh ano ng nangyari dun? Kung kelan umuulan tska may pasok. Kapag naman nasuspend yung klase, asahan na maganda ang panahon. Yung PAG-ASA talaga, nakapaka-"accurate."
*peeep peep*
May kanina pa bumubusina sa likod ko kaya feeling ko ako na yung binubusinahan. Lumingon ako at nakita ko yung isang pamilyar na convertible. Aba kilala ko na nga ito. Hindi na lang sana ako lumingon.
Bumaba ang bintana katabi ng driver's wing. At syempre... ang magandang mukha ng batchmate kong si Bettina.
"Need a lift?" malamig na sabi nito. I swear tumitig muna ako ng mga 2 seconds bago magreact at maproseso ang mga pangyayari. Ganito kasi kapag napapaharap sa magagandang mukha.
Kasi naman, si Bettina Becarez ang resident Barbie ng school, malapit na talaga siyang maging Barbie eh, only hindi siya blonde. Super fashionista. Mabait naman siya pero siyempre, gawa minsan ng mga mayayaman at magagandang kasama at may tunay na maipagmamalaki naman, paminsan siyang nagiging mean sa mga slow na tao. Sa mga hindi nila ka-uri. Kung may caste system lang sa school, pwede mong sabihing sila na yung mataas na tao. Mga angkan ng datu. Tapos kami, aliping saguiguilid. Ganun.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...