"Good Morning!"
"Good Morning, Too.."
bati nila sa isa't-Isa ng sabay silang magmulat ng mga mata at marealized na magkaharap parin silang dalawa tulad kung paano sila natulog matapos ang party ng nagdaang gabi.
Naroon sila sa silid ni Ashley natulog.
Kapwa rin silang napangiti sa isa't-isa."Happy?"
tanong ni Ashley sa kapatid na sa subrang pagud kagabi ay di na nagawang mag bura ng make-up bago matulog."Super happy sis.." malapad ang ngiti na sagot nito.
"Wala na akong mahihiling pa." dugtong pa ni Ashanti."Ako man, masaya ako para sayo."
"Hindi makukumpleto ang aking kasiyahan kung di dahil sayo, Ate. Thank you so much.."
"Ayan na2man tayo sa walang humpay na pasasalamat." bumangon na si Ashley. "Halika na, ayosin mo na yang mukha mo. Baka magka pimples ka pa nyan."
"Ay oo nga pala." Naupo narin.
"Oh my God!"
sabay nilang bulalas ng mapatingin sa orasan at mapagtanto nilang hapon na.
Sabay pa silang napahawak sa kani-kanilang tyan."Gutom ka na?" sabay na tanong nila sa isa't-isa saka sabay na nagtawanan.
"Balik na ako sa room ko. Kita nalang tayo sa ibaba." paalam ni Ashanti na tumayo na.
"Sige."
Nang makalabas si Ashanti, nagsimula na si Ashley na ayosin ang kanyang sarili.
Napangiti sya sa malaking salamin ng makita ang sariling reflection doon.
"Thank you papa God." mahinang usal nya.
Maya ay nabahiran ng lungkot ang kanyang mukha ng maalala ang kanyang papa Edgar."P-Papa.. Alam ko na kung nasaan ka man ngayon, masaya ka para sa amin ni mama. Papa, mis na mis na po kita."
umalis sya sa harap ng salamin at pumasok na ng banyo.
Maging sa pag baba ay nagkasabay din sila ni Ashanti.
Sinalubong sila ni Loida."Kakain na ba kayo? Ashanti, nasa kusina ang mommy mo naghahanda ng merienda."
nagkatinginan ang dalawang dalaga.
"Si mommy? That's impossible!" bulalas ng dalaga kaya natawa si Ashley.
"Ayos sa reaksyon ah.."
"Honestly, hindi talaga ako makapaniwala. Ang alam lang ni mommy ay ang mag mando sa mga katulong." halos pabulong na sabi pa nito.
"Tama na yang bulungan nyo. Wala kayong almusal at lunch kaya tiyak na gutom na kayo. Hala, magsibaba na kayo." pukaw sa kanila ni Loida sa may puno ng hagdan.
Nagkatinginan muna sila bago sumunod dito.
Nakangiting Madeline ang bumungad sa kanila sa kusina.
"Hmm tamang-tama at gising na kayo. Lumabas na kayo."
"Bakit po?" tanong ni Ashanti rito.
Napatingin sila sa ilang maids na nilalabas ang mga tapos ng ihanda ni Madeline.
"Sa garden tayo kakain." sabi nito. "Nandoon ang mga daddy ninyo at ang lolo 'nyo."
"Wow!" panabay na reaksyon ng mga ito.
Nagbitbit narin si Ashley.
Pag labas nila ay may dalawang lamesa roon.
"Oh, nariyan na pala kayo." bungad sa kanila ni Marshall na agad tumayo at sinalubong si Ashley para kunin ang dala ng anak.
Humalik muna ito rito.
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG