"Diyos ko Scott!! Please tama na! Tama na baka matamaan mo siya!" umiiyak na awat ni Ashanti sa lalaki."Talagang papatayin ko ang lalaking yan! Papatayin ko siya.!"
nagawang makapag kubli ni Ced sa isang punong kahoy sa tabi ng kalsada. At ang kabayo ay nagtatakbo na kung saan.
Pinapaputukan parin ito ni Scott.
"Tama na! Oo na, oo na! Sasama na ako sayo. Papakasal na ako sayo please tama na Scott!"
"Yan! Dapat kanina mo pa yan sinabi, inaksaya mo lang ang bala ko!"
hinila nito ang dalaga sa buhok pabalik ng kotse."Aaah.. Araaay Scott!"
Samantala.,
pinagpawisan ng malapot si Ced sa kanyang pinagkukublehan at matamang nakatingin sa kanyang palad na may dugo."Damn!"
muli niyang kinapa ang kanyang kaliwang braso na nadaplisan."S-Scott n-nasasaktan ako!!"
dinig niyang sigaw ni Ashanti kaya naman napasilip siya.
Akma siyang lalabas sa kanyang kinakukublihan ng muli siyang pinaputukan ni Scott kaya di siya natuloy sa pag labas.
Malakas na tili ang narinig niya buhat sa dalaga."A-Ashanti.."
ang kasunod ay ang tunog ng pag start ng kotse ang kanyang narinig at nakita na lamang niyang paalis na ang mga ito.
Saka naman dumating sina Brando at Clyde."Ho!"
sabay na pinahinto ng mga ito ang mga kabayo."K-Kotse ni Scott yon!!" sigaw ni brando tukoy sa papalayong kotse.
"K-Kung ganun, naroon si Ashanti?" si Clyde.
Napatangu-tango lang ang lalaki.
Akma na nila iyong habulin ng lumabas si Ced. Hawak-hawak ang braso na pumagitna ito sa daanan.
"C-Ced!! Ced!"
napatalon si Clyde at agad na nilapitan ang pinsan."A-ayos ka lang ba?"
"O-Oo. Daplis lang ito. K-Kasama niya si Ashanti."
"A-ang mabuti pa, bumalik ka sa Villa para magamot ka. Kami ng bahalang humabol kina Scott."
"Hindi! S-Sasama ako! Ako ang babawi kay Ashanti sa mga kamay ng demonyong Scott na yon. Hinding-hindi ako papayag na magtagumpay siya."
"K-Kaya mo pa ba?" sabad sa kanila ni Brando.
Masama ang tingin na binalingan ito ni Ced.
"Anong ginagawa mo dito!? Bakit kasama mo ang lalaking yan Clyde!?""T-tutulungan niya tayo."
"Tulong!? Hindi mapagkakatiwalaan ang taong yan!"
At kung di ito napigilan ni Clyde ay muli na naman sana nitong susugurin si Brando."Hayop ka! Hayop!! Kasalanan mo lahat ito! Ikaw ang nag dala kay Ashanti sa Scott na yon. Ikaw ang may kasalanan. Kapag may masamang mangyari sa kanya, hindi kita mapapatawad! Hindi!!"
"Alam ko na may kasalanan ako. Pero hindi natin mapipigilan si Scott sa kanyang masamang plano kay Ashanti kung dito lang tayo at magsisisihan!" ani Brando. "Kaya pwede ba!? Kung gusto mong mabawi si Ashanti, tayo na!"
"Halika na." si clyde na pasasakayin na sa kanyang kabayo ang pinsan ng makarinig sila ng maraming yabag ng mga kabayong parating kaya naman napatingin sila sa maaring pinagmulan niyon.
"HOLYSHIT!!"
Bulalas ni Clyde ng tumambad sa kanila ang limang kalalakihan na sakay ng kabayo at isang babae.
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG