"TITA!! TITA LAILA!!" malakas na sigaw ni Clyde sa tapat ng pinto ng bahay nila Ced. At buhat-buhat at duguang si Ashley..
"Tita Laila nakikiusap ako buksan ninyo ang pinto.!!"
pinitilit idunggol ang kanyang likod sa pinto dahil di niya mapindot ang doorbell.
"Tita Laila!!"
maya ay humahangos si Mang Nestor na dumating din doon. Tumakbo lang ito ng mabilis para makasunod kay Clyde.
"Clyde!!" sabi nito na mabilis nakalapit sa tabi ng binata at tumulong ito sa pag kalampag ng pinto.
Pinindot din nito ng ilang ulit ang doorbell.
Maya-maya ay binuksan na ito ng isa sa mga katulong.
Maging ito ay gulat na gulat sa napag buksan.
Wala ng sabi-sabi na agad pumasok si Clyde.
"Nasaan si Tita? Pls pakitawag madali ka!! Tawagin si Tita Lai--!" di na natapos ni Clyde ang sasabihin dahil lumabas ng kusina si Dra Laila at ang asawa nito.
"A-Anong.. Clyde!!?" maging ito ay di maipinta ang mukha sa pagkatigagal habang nakatingin sa dalagang karga ng pamangkin at duguan.
"D-Diyos Clyde! A-anong nangyari kay Ashley!!" mabilis itong nakalapit.
"Tita pls.. Iligtas mo siya. Iligtas mo si Ashley."
pagmamaka-awa ni Clyde sa tiyahin.
Mabilis naman na kumilos ang asawa nito at tinakbo ang mga gamit ni Laila.
"Dali, dalhin mo sa clinic ko." utos nito na ang tinutukoy ay ang clinic sa tabi ng bahay nito. Para yon sa mga emergency pang pamilya Del Rio.
Agad na tumalima ang binata nakasunod parin dito si Mang Nestor.
Ilang saglit lang at sumunod na si Dra Laila na naka-bihis na kasama ang asawa nito dala ang mga gamit na kailangan.
"Sa bahay na muna kayo Clyde. Ako ng bahala rito." sabi ng ginang.
Ayaw man iwan ni Clyde ang nobya pero wala siyang nagawa.
Pag balik nila sa bahay ng mga ito ay agad silang binigyan ng tuwalya at mabibihisan.
Humingi narin siya ng raincoat para maka-uwi na si Mang Nestor. Unti-unti narin tumila ang ulan kaya nag pasya siyang ihatid muna ang matanda.
Samantala, magkayakap na kapwa na nakahiga sina Mylin at Brando.
"Hmm bakit parang ang saya mo ngayon." si Brando na pinaglalakbay ang dalawang daliri sa makinis na braso ng dalaga.
"Ako ba ang dahilan nyan.. Haha" biro pa nito.
"Basta masaya lang ako."
"Hindi ako ang dahilan ng pag saya mo?"
"Syempre hindi! Ugok!" tinampal nito ang kamay ng binata.
"At sino? Si Clyde? Ei magpapakasal na yon at si Ashley."
sa sinabi nito ay bumadha ang galit sa mukha ni Mylin.
"Hindi! Hindi mangyayari yon. Dahil akin si Clyde."
"Hmm?"
naupo na si Brando at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at nag sindi.muling tumawa ito.
"Dahil ngayon sigurado na ako na nagtagumpay na ako na pag hiwalayin silang dalawa.""T-Talaga?" napalingon si Brando kay Maylin saka nag buga ng usok.
"Ano ba! Huwag nga dito sa harap ko ibuga ang usok na yan." yamot nitong sabi na pinapaypay ng isang kamay palayo ang usok.
"Pano mo sila pinag hiwalay?" kunot noo na tanong parin ni Brando, hindi pinansin ang pag tataray ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/55961685-288-k93846.jpg)
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG