"H-Hon!?"
Mabilis na napatayo si Angie at napalapit sa binata. Agad niyang inabot ang table napkin para punasan ang nabasang hita nito dahil sa natapon na kape.
"Honey.. ayos ka lang ba?"
"O-Oo. E-Excuse me.. magbibihis lang ako."
Agad na tumayo si Ced at walang lingon-likod na umakyat ito. Nag-aalalang napasunod nalang ang tingin ditto ni Angie.
SAMANTALA, hinatid ni Clyde si Ashley sa Villa sakay sila ni Hercules. Papasok pa lamang sila sa bukana ng Villa ng mula sa kung saan ay hinarang sila ni Mylin. Bakas ang matinding galit sa mukha nito.
Agad na pinahinto ni Clyde ang kabayo.
"Sinasabi ko na nga ba, magkasama kayong dalawa magdamag. Kaya di ka umuwi sa inyo ha Clyde?"
Bumaba si Clyde saka inalalayan si Ashley na makababa rin. Lalo namang nanggalaiti sa galit si Mylin ng makitang T-shirt ng Clyde ang suot ni Ashley.
Samantala, kampanti ang mukha ni Ashley at taas noo na sinalubong ang galit na tinging ipinukol sa kanya ni Mylin. Blanko ang eksprsyon ng kanyang mukha.
"Walang hiya kang babae ka! Malandi ka!" galit na galit na sigaw ni Mylin na akma sanang susugurin si Ashley ngunit mabilis na nakaharang si Clyde dito.
"Binabalaan kita Mylin!" galit din na sabi ng binata.
Nginisihan ni Ashley si Mylin sabay tinaasan ng kilay habang umiiling-iling na para bang sinasabi ng dalaga na "Kawawa ka naman!" dahilan para lalong mag wala ito sa galit at mismong si Clyde na ang sinugod nito at pinagkakalmot.
"Walang hiya ka talaga.. ilalampaso kitang babae ka! Mang-aagaw! Malandi! Kiri! Ingungudngod kita kung ano ang ginawa ko sayo kahapon!" di parin paawat na sigaw nito. Natigilan naman si Clyde na pilit lang umiiwas.
At dahil sa mga narinig nito mula sa bibig mismo ni Mylin ay hinaklit nito sa braso ang dalaga.
"Anong sabi mo? Si-sinaktan mo si Ashley!?" sigaw nito sa mukha ng dalaga na biglang natigilan dahil sa nakitang galit sa mukha ng binata.
"Ikaw ang may gawa ng mga galos niya? Ha!?" muling sigaw nito.
Lalong pinanginigan si Mylin dala ng matinding takot
"Sumagot ka!! Anong karapatan mong saktan siya ha!? ANo!?"
"Tama na Clyde." Pigil ni Ashley sa isang braso ng binata. "Hayaan mo na siya. At hayaan mo rin ako na sabihin ito sa kanya.."
Kapwa napatingin ang dalawa sa kanya.
"A-Ashley..?" ani Clyde na unti-unting binitawan si Mylin.
"Gusto ko lang sabihin sayo Mylin, mula sa araw na ito binabawi ko na sayo kung ano ang akin. H'wag ka lang lalapit sa fiancée ko, bayad kana sa lahat ng atraso mo sa akin."
"F- fiancée? Hindi totoo yan Ang kapal ng mukha mo!" nag simula na namang mag wala si Mylin. "Ang kapal mo!"
"Tumigil ka Mylin." Muli nitong pinigil sa mga braso ang dalaga. " Totoo ang mga narininig mo. Wala akong ibang pakakasalan kundi si Ashley lang."
Lingid sa kaalaman ni Clyde muling binigyan ni Ashley si Mylin ng pang asar na ngiti at dinilaan pa ito saka mag isang sumakay sa kabayo.
"Tayo na Clyde! Kung gusto mo akong maka-usap Mylin, nasa Villa lang ako."
Patulak nitong binitawan si Mylin na napa-upo saka tinalikuran at sumampa narin sa likod ng kabayo.
Naiwa itong nagsisigaw sa galit.
"Pilya ka talagang bat aka." Ani Clyde na mahigpit na niyapos sa beywang ang kasintahan. Habang sinimulang palakarin ang kabayo.
"Bakit? Wala naman akong ginawa ah." Patay malisyang sagot ng dalaga rito.
"Hmm.. wala ba? Akala ko kasi meron." Natatawang sabi nito na pasimpleng ginagat sa balikat ang dalaga. "Wala ng bawian ha, magpapakasal tayo. Saka alam mo ba? ang sarap pala pakinggan.."
"Ang?"
"Yong marinig na pinaglalaban mo ako." Hinaplos nito ang magkabilang braso ng dalaga. "Bakit di mo sinabi sa akin ang totoo, sinaktan ka pala niya kaya ka nagkaroon ng mga galos.
"Baliwala naman lahat ng galos na ito o lahat ng sakit na binigay nya sa akin.. nawala ng lahat yon dahil narito kana uli sa akin. Masasabi kong akin ka parin."
"DI naman ako nawala sayo. At hinding hindi ako mawawala sayo. Magbago man ang lahat, Ang pag mamahal ko sayo kahit kailan di magbabago." Madamdaming pahayag ng binata.
"H'wag ako ang kumbinsihin mo kundi sina Lolo at Papa." Ani Ashley na nakatingin sa taong pasalubong sa kanila ng tuluyan silang makapasok ng Villa.
Ang Kanyang ama na si Marshall. Bakas ang pag-aalala s amukha nito habang lakad takbo itong sumalubong sa kanila.
Pinahinto ni Clyde si Hercules. Agad na inilahad ni Marshall ang dalawang braso para alalayang maka-baba ang anak.
"Anak, saan kaba galing ha? Saan ka nagpalipas ng mag damage sa kasagsagan ng bagyo?"
"P-Pa.."
Agad naman niyakap ni Marshall ang anak ng tuluyan itong maka-baba ng kabayo at hinalikan sa noo.
"Ano ka ba namang bat aka. Alam mo bang di nakatulog ang mama mo sa pag-aalala sayo. Ang Lolo mo, panay ang akyat panaog s apag hihintay sayo."
"Sir Marshall Pasensya na. Magkasama po kami ni Ashley sa Kubo. Di ko magawang ihatid sya sa kasagsagan ng bagyo dahil mapanganib." Si Clyde na ang sumagot.
Doon lamang napansin ni Marshall na iba na ang suot na damit ng anak.
"Clyde! Ayokong isipin na may ginawa ka sa anak ko. H'wag naman sanang tuluyang masira ang tiwala ko sayo."
"Sir Marshall, Kilala mo po ako. Kung ano aman ang namagitan sa amin ng inyong anak, handa ko pong panagutan yon anumang oras."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ahm papa.. na-nag bibiro lang po si Clyde hahaha.. Clyde baka maniwala nyan si Papa. Tumigil ka na." hinila nan g dalaga ang Ama. "Tayo nap o sa Loob."
"Ashley!" nagawang pigilan nito sa braso ang dalaga. "Nag usap na tayo at nagkasundo.."
"Tungkol saan?" nagugulohang nagpalipat-lipat ang tingin ni Marshall sa dalawa.
"Pa.."
"May nangyari sa aming dalawa ni Ash---!"
Di na natapos ni Clyde ang sasabihin dahil bigla na lamang siyang sinapak ni Marshall. Napatili na di malaman kung ano ang gagawin ng dalaga.
"P-Papa! Clyde!"
"Bawiin mo ang sinabi mo!! Bawiin mo!" Galit ng sigaw ni Marshall sa binata na akmang sisipain pa ang binatang bumagsak sa lupa.
"Papa H'wag!" mabilis na niyakap ni Ahley ang binatang di nagawang kumilos. Kaya naman nabitin sa ere ang papa ni Marshall. "Papa.. Please tama na.." Nanginginig na lalong humigpit ang pag kakayakap ng dalaga kay Clyde.
Iyon naman ang tagpong nalabasan ni Ashanti na balak sanang mangabayo.
"D-Daddy!" mabilis itong nakalapit sa mga ito at nahila sa braso ang Ama. "Ate Ashanti.. Clyde.. anong ibig sabihin nito.?"
Napapunas si Clyde sa kanyang bibig ng maramdamang may umagos ng mainit na likido.
"I'm sorry.. I'm sorry.." halos bulong ni Ashley na di bumibitaw sa pagkakayakap sa binata. Binalingan niya ang ama. "P-Papa.."
"Anak.."
"Pa, Mahal ko si Clyde.. Mahal na Mahal.."
"Ikakasal na sila ni Mylin.!"
Inalis ni Clyde ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya at inalalayan itong tumayo.
"Sir Marshall, alam mo na hanggang ngayon Mahal ko parin ang anak ninyo. Ang sabi mo noon, umaasa ka na magkakabalikan kami. Di nga ba at nagalit ka s aakin dahil agad-agad akong sumuko? Hindi nag hintay? At ngayon na sigurado ako na bumalik na si Ashley hindi na ako papaya na magkahiwalay kami. Handa ko siyang pakasalan kahit ngayon na mismo!"
Hindi agad nakasagot si Marshall, samantala natigilan sina Don Ramon at Loida sa akmang pag lapit sa mga ito na nakasunod pala kay Ashanti.
"At uulitin ko, walang nangyari sa amin ni Mylin. Pero sa amin ni Ashley? Oo. May nangyari sa amin."
Lahat ng naroon ay nagulat sa sinabi ng binata lalo na si Don Ramon na sag alit ay inilang hakbang si Clyde at pinagbibigwasan ng suntok ang binata.
Nagkapanabay pang napatili sina Ashley at Ashanti.
"P-Papa!"
"lolo!!"
"Lapastangan kang bata ka! Pinalaki kita na para ko ng Apo tapos ito ang igaganti mo!!" sigaw ng Don habang hawak-hawak sa kuwelyo ang binata. "Sinaktan mo na ang apo ko.. hindi kapa nag kasya doon at.."
"Mahal ko si Ashley! Kahit patayin ninto ako ngayon mismo.. Hindi mag babago, mahal namin ang isa't-isa kaya may nangyari sa amin. At handa koi yon panagutan." Matatag na wika ng binata na sa mga mata ng matanda nakatingin.
Muli na naman sana itong susuntukin ni Don Ramon ngunit nahawakan na ito sa braso ni Ashley.
"L-Lolo Please.. H-H'wag mo na po siyang sasaktan.." Napayuko ang dalaga ng di na mapigil ang tuloy-tuloy na pag balong ng masagananag luha sa Kanyang mga mata. "P-Para narin kasing ako ang sinasaktan ninyo Lolo."
Natigilan naman ang matanda at unti-unting nabitawan si Clyde. Napa-upo ito.
"A-Apo.."
"L-Lolo.. Mahal ko si Clyde." Halos bulong ng dalaga na tigmak sa luha ang mga mata ng dalaga. "Mahal na mahal ko siya."
Di na nagsalita ang matanda na niyakap nito ang Apo. Makita lamang na malungkot ang Apo ay di na siya mapakali, ngayon pa kaya na Umiiyak na ito sa kanyang harapan. Sumisikip ang kanyang dibdib.
Minsan na siyang nakagawa ng pagkakamali noon at di na niya iyon uulitin ngayon sa kanyang Apo.
Inalalayan ni Marshall si Clyde na tumayo. Agad itong dinaluhan nina Ashanti at Loida.
"Pumasok muna tayo sa Villa. Doon na natin ito pag usapan." Ani Loida na tiningnan si Marshall. Sumang-ayon naman ito.
"HINDI KO ALAM KUNG TAMA ANG GINAWA KO."
Ani Angie kay Franz sa loob ng kanyang opisina. Ikinuwento nya rito ang naging usapan nila ni Miguel sa bahay.
"Bigla ko lang naisip sabihin na buntis ako dahil nag alala ako ng sabihin niyang gusto nya kaming pumunta ng bicol. P-Paano pala kung unti-unti ng bumabalik ang kanyang ala-ala?"
Palakad-lakad naman ang baklang si Franz sa kanyang harapan habang malalim na nag-iisip.
"kapansin-pansin na kasi ang madalas niyang pananahimik. Ilang araw narin na lagi nalang nya akong tinutulugan. Laging katwiran pagod siya." Ani pa niya.
"Kung sakali man na may maalala siya, tingin ko mag sasabi yan." Ani naman ni Franz.
"SO ano ang ibig sabihin ng bigla-bigla niyang pagnanais na pumunta ng Bicol? Napapaisip talaga ako."
"Paano mo pala ipapaliwanag sa kanya kapag lumipas ang ilang buwan at di lumalaki ang tiyan mo ha?"
"Yan nga ang iniisip ko ei. Dapat pala di ako nagpadalus-dalos. Panibagong problema tuloy."
"Di mo muna kasi iniisip, ilang buwan lang dapat malaki na ang tiyan mo. At dahil alam mo na walang ilalaki yan, paano mo iyan ipaliliwanag sa asawa mong hilaw?" Ani Franz na mas Stress pa kaysa kay Angie dahil pakana naman talaga niya ang pag papanggap ni Angie bilang asawa ni Miguel. "Kailangan bago pa niya malaman na di ka totoong buntis, maikasal na kayo. Diba yon naman talaga ang plano ninyo? Angie, kailangan mo siyang apurahin na mag pakasal kayo sa lalong madaling panahon."
Lalo lamang napapa-isip si Angie.
SAMANTALA, Sa harap ni Brando nagwawala sag alit si Mylin.
"H-Hindi ako papayag. Hinding hindi ako papayag na sirain ng babaing yon ang kasal naming ni Clyde."
SI Brando ay naka-kuyom lang ang kamao habang tahimik nan aka-upo sa isang tabi at nakikinig sa mga sinasabi ni Mylin.
"Bakit kasi di ka kumikilos? Nasa sayo na ang pagkakataon." Baling nito sa kanya. "Hanggang ngayon wala ka parin ginagawa. Kapag di ka parin kumilos, sinusumpa ko ako ang gagawa ng paraan para mawala sa landas namin ni Clyde ang babaing yon! at sisiguraduhin ko na pati ikaw, magsisisi!"
Malalim ang iniisip na tumayo nalang at iniwang ito na wala paring tigil sa kaka-talak.
SA RANCHO DE SAN SEBASTIAN.
Hawak-Hawak ni Scott ang kanyang Cellphone at tinitingnan doon ang mga larawan ni Ashanti. Mula ng i-reject nito ang proposal niya ay di na siya mapakali. May bahagi ng kanyang puso ang nasasaktan kahit na pilit nya iyon baliwalain ay pilit na umiibabaw iyon.
Gustong-gusto niya itong tawagan para kahit manlang boses nito ay marinig niya subalit nagdadalawang isip siya baka galit parin ito sa kanya.
Hindi niya alam ang puno't dulo ng panlaalmig nito bigla sa kanya at iyon ang dapat niyang alamin.
Bigla niyang sinuntok ang sarili niyang dibdib.
"Bweset! Di ka pwedeng Masaktan!" aniya sa sarili.
Naiinis na siya. Di na niya maintindihan, namimiss niya ang dalaga. Nasasaktan siya sa panlalamig nito sa kanya ngayon. Nasasaktan siya sa pambabaliwala nito. At higit sa lahat, nasasaktan siya ng tanggihan nito ang kanyang proposal. BAKIT?
Nang oras na iyon mismo ay nag pasya si Scott na bumalik sa Hacienda Del Rio.
---ITUTULOY---
![](https://img.wattpad.com/cover/55961685-288-k93846.jpg)
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG