Chapter 29 by; Tonyang

2.1K 53 3
                                    

"BAKIT NAMAN BIGLAAN ANG PAG BYAHE MO?"
tanong ni Scott kay Ashanti, umagang-umaga kinabukasan.
Sinadya ito ng binata sa silid nito.

"Sana sinabi mo ng mas maaga, dehins sana'y sabay na tayong nag byahe. Ayan mag-isa kang bumyahe."

"Kung sesermonan mo ako pwede ba umalis ka nalang? Wala ako sa mood." Sagot ng dalaga na tinalikuran ito.

"Hon, nag aalala lang naman ako. Malapig na ang kasal natin at..."

"Natatakot ka na di matuloy ang kasal natin? Huwag kang mag-alala nakahanda na ang lahat walang dahilan para hindi yon matuloy."

"Hon.. h-hindi ganun. Nag aalala ako na baka mapahamak ka sa pag byahe ng mag-isa."

"Lumaki ako na si Ced ang kasama konb bumabyahe, hindi ibig sabihin nun na aanga-anga ako mag-isa.!"

Natigilan ang dalaga ng marealize ang bknitiwang salita.
Lalo na ng makita niya anv biglang pag dilim ng mukha ni Scott at nakita niya kung paanong nag tagis ang mga bagang nito.

"I-iwan mo muna ako."

"Nagkakaganyan kaba dahil sa kanya? Dahil iniisip mong buhay si Ced at siya yong nakita natin kahapon? Ha! Si Ced parin ang iniisip mo!?" Hindi na nito napigilan ang mag taas ng boses.

"Lumabas ka na!"

"Mahal mo parin siya?"

"Lumabas ka na!"

"Sagutin mo ako, Mahal mo parin ba siya? Mahal mo pa siya!?"

"OO! Oo mahal ko siya!"
Hindi na nakatiis na sigaw niya.

"Mahal na mahal ko siya!" Pabulong niyang sagot na di na napigilang mapa-iyak.

Tigagal at di nakakilos si Scott sa kinatatayuan.
Ibayong sakit ang naramdaman niya sa pag-amin nito.
Halos alam na niya iyon at dapat wala siyang pakialam doon pero bakit ang sakit-sakit niyon sa kanya.

Talo pa niya ang sinampal ng ilang ulit ng dalaga.
Anong nangyayari sa kanya.? Hindi na niya naiintindihan ang sariling damdamin.

"LOLO.. M-Maari po ba tayo mag usap?"
bungad ni Ashley kay Don Ramon ng sundan niya ito sa labas. Paalis na sana ang Don para mag ikot sa buong Hacienda.

Sumenyas ang Don kay Mang Macario para ilabas ang isang kabayo.

NANGABAYO ANG MAG-LOLO.
Dinala ito ni Ashley sa kanilang kubo ng kanyang tatay Edgar ng nabubuhay pa ito.

"Ano ang bumabagabag sayo apo ko."
Panimula ng matanda ng maka-upo sila sa mahabang upuan sa labas ng kubo.
Ang upuan na iyon at lamesa doon ay ginawa pa noong kaarawan niya.

"Lolo.. t-tungkol po ito sa kasal nina Ashanti at Scott."

"Apo, nasa edad na ang kapatid mo at kung plano na nilang magpakasal.. wala na tayong magagawa."

"Lolo.. hindi mahal ni Ashanti si Scott. Hanggang ngayon si Ced parin ang mahal niya."

"Wala na si Ced kaya tama lanv na harapin na ni Ashanti ang sarili nyang buhay."

"L-lo, may dapat kang malaman.."

Saglit na nag-tama ang mga mata ng mag lolo.
Ang isa ay mga matang nag tatanong at ang isa ay nang-aarok sa maaring maging reaksyon nito.

"L-lo.. b-buhay po si C-Ced."

"A-ano!?" Awang ang ama ng matanda. "Ulitin mo nga ang sinasabi mo?"

"Totoo po buhay si Ced. Ang problema, nagka-amnesia siya."

Napailing-iling ang matanda.
"H-hindi.. hindi totoo yan."

"Lolo nagsasabi po ako ng totoo. Nakita ng mga mata ko.. ni Ashanti, ni Clyde.. nakita po namin at naka-usap mismo si Ced."

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon