BASTA'T KASAMA KITA by: TONYANG CHAPTER 26

2.1K 53 6
                                    

"Lolo.. Hindi pa ba ako pwedeng lumabas? Namimiss ko na si Hercules at namimiss ko ng mangabayo at mag ikot sa buong Hacienda."

"Hindi pa."

kasalukuyan silang nasa hapag kaninan isang umaga para mag almusal.

"Pero Lolo. Magaling na ako at kaya ko na po ang sarili ko."
di na siya sinagot ng matanda.

"Lolo.. Halos isang linggo na akong nakakulong rito sa Villa." pag rereklamo niya.

"Ok. Pero hindi ka lalabas ng Villa ng walang kasama. At dahil abala ngayon si Clyde, ako ang kasama mong mag-iikot."

"Yes 'Lo hehe.." binalingan ni Ashley si Ashanti. "Sama ka rin, mangabayo tayo."

"May lakad kami ni Scott, aasikasuhin namin ang mga kailangan para sa kasal namin."

"T-Tuloy na pala talaga?"

"Oo sis. Wala narin naman dahilan para di ituloy." malungkot na sabi nito.

"S-sis.." ginagap ni Ashanti ang isang kamay nito.
Pilit itong ngumiti.
"Pasensya ka na ha, bigla mauuna ako sayong ikasal."

"A-ashanti.."

muli, pilit itong ngumiti. Bakas sa mukha nito na di ito masaya sa sitwasyon nito ngayon.

BIHIS NA BIHIS na si Ashley para mangabayo at talagang excited siya. Pakanta-kanta pa siya ng lumabas ng Villa at nag tungo sa likurang bahagi ng Villa kung saan ay naroon ang kanyang lolo at naghihintay na.

Subalit ng palapit na siya at makita ang kabayong naghihintay sa kanya, natigilan siya. Wala siyang maramdamang excitement o saya habang palapit siya kay Hercules. Mataman lamang nakatingin sa kanya si Don Ramon at Mang Macario.

"N-No.." bulong niya habang ilang hakbang na lamang ang layo niya kay Hercules.

"S-Señorita?" si Macario

"Apo tayo na."

"L-Lolo h-hindi siya si Hercules, tama ba ako?" mahina niyang tanong na ikinabigla ng dalawang matanda.

"Lolo! Hindi siya si Hercules! Nasaan ang kabayo ko? Nasaan si Hercules!!" agad na pumatak ang luha sa kanyang mga mata. At naalala niya ang trahedya ng gabing iyon. Nakarinig siya ng ilang ulit na putok ng baril bago siya pinuntahan ni Mylin sa kinahulugan niya.

"H-Hindi.. H-hindi maari.. H-Herculesss!!" sigaw ng dalaga na tuloy2 na ang pag balong ng masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.

Hinarap niya ang kanyang lolo.

"L-Lo..lolo a-anong nangyari kay Hercules ng gabing iyon? Ano!!?" sigaw niya sa kabila ng walang patid na pag-iyak.

Napayuko na lamang si Macario dahil ayaw niyang tingnan ang batang amo.

"Lolo! Sagutin mo ako!! Anong nangyari kay Hercules? Ano..!?"

"A-Apo.." nilapitan ng matanda ang dalaga at agad na niyakap. Lalo lang lumakas ang pag hagulhol ni Ashley.

"Hercules.. Hercules.."

"Apo.. Wala na si Hercules.. Namatay siya ng gabing yon. Marami siyang tama ng baril sa katawan."

"H-Hindi.. Hindiiii!!!"

"S-señorita, hindi namin naabutang buhay si Hercules.

"Hindi siya maaring mawala.. Lolo ayoko!!" nagpapadyak na ang dalaga. "Si H-Hercules.. Siya ang unang regalo mo sa akin.. Wala siyang kasing halaga sa akin lolo.."

"Kaya nga agad akong nagpahanap ng kawangis ni Hercules."

"A-Ayoko.. Ayoko nyan ayoko!!"

"Apo.. Apo tama na.."

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon