BASTA'T KASAMA KITA BY: TONYANG CHAPTER 18

1.8K 46 3
                                    


Tiim bagang at tahimik lamang si Scott habang nagmamaniho. Pabalik na sila ng dalaga sa Hacienda. Maya-maya ang sulyap nya rito ngunit sa labas ng bintana nakatuon ang pansin nito.


Hindi maalis sa kanyang isipan ang nakita kanina. Paanong angyari iyon? Buhay si Ced? Kaninong bangkay ang natagpuang sunog sa kotse nito ng mangyare ang aksidente? Alam na kaya ito ni Ashanti? Nagkita na kaya ang dalawa? Hindi kaya iyon ang dahilan kung abkit biglang nanlamig ito sa kanya?
Ilang mga katanungang kumikilkil sa kanyang isipan. Pakiramdam tuloy niya ay sasabog ang ulo nya sa sakit sa kaka-isip ng maaring kasagutan sa kanyang mga katanungan.
Panay rin ang kanyang sulyap sa dalaga ngunit di manlang ito tumingin sa kanya kahit saglit.

Hanggang sa sila ay makabalik ng Hacienda ay walang kibuan ang dalawa. Maging ng bumaba ang dalaga ay dali-dali agad itong pumasok ng Villa na di nag-abalang lingunin ang binata.

NAGTAKA si Ashley ng makitang sabay na dumating sina Scott at Ahanti sa Villa. Nakasalubong nya ito ngunit tuloy2 ito at nilampasan lamang siya.

"A-Ashan--!"

Napatingin siya kay Scott na kasunod nitong pumasok.

"S-Scott? M-magkasama kayo ni Ashanti?"

"Oo. Nagkita kami sa Maynila."

"H-Ha? P-pero.."

"Excuse muna ha.. kakausapin ko lang siya." Anito na nilampasan na siya at sumunod sa pag akyat kay Ashanti.

Awang ang kanyang bibig na napasunod ng tingin sa mga ito. Ano ang nangyari? Bakit magkasama ang dalawa gayong ang kanyang alam ay magkikita sina Ashanti at Ced?
Dali-dali niyang tinawagan si Clyde.

"Bata, maya na tayo mag-usap ha. May kausap ako ngayon, mahalaga ito. I'll call you later. I love you."

"W-Wait!" subalit nai-off na ng binata ang phone. "aist!" bulalas ng dalaga na muling napasulyap sag awing itaas.

Samantala..

Bahagya namang nagulat si Ashanti ng sumunod sa kanyang pumasok sa kanyang kwarto si Scott.

"Ashanti we need to talk."

"Anong ginagawa mo dito? Pinayagan ka nanaman ba ni Lolo o ni Daddy na pumasok dito sa room ko?" paasik na tanong niya rito.

"Ashanti, hanggang ngayon ba bawal parin ako dito? Kaya ako nariritp dahil Sa tingin ko kailangan ko marinig ang reason mo kung bakit ka naroon sa fastfood na iyon sa Maynila. Anong ginagawa mo roon at bakit "

"at ikaw? Bakit mo ako sinusundan?"

"Hon naman.. nag-aalala kasi ako sayo."

"Nag aalala o naghihinala?"

"May dapat ba akong ika-hinala sa mga pinupuntahan mo?"

Natigilan ang dalaga.

"M-May dapat ba akong malaman?" nang aarok ang tingin na tanong nito.

"W-Wala.."

"Wala naman pala. Ei bakit galit na galit ka? Look, di natin kailangang mag away ng mag away. Di na tayo mga bata. Kung may problema ka, narito naman ako. Handing makinig."

"Umalis ka na.. gusto kong mag pahinga."

"A-Ashanti.."

"Please.."

"May nag bago. Nararamdaman ko. Ano pa ba ako sayo ngayon ha? Itinuturing mo nga ba akong Boyfriend? Mahal mo nga ba ako?
O may nangyaring di ko alam na siyang dahilan kung bakit naging ganyan ka sa akin?

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon