KULANG NALANG TAKBUHIN NI ASHLEY papasok ng Heaven's Boutique.
"Bata, di mo kailangan tumakbo." Pigil dito ni Clyde
"Ewan ko.. kinkabahan kasi ako ei."
"Relax lang.."
Sabay silang pumasok at agad na sa information desk sila nag tungo.
''Good morning Ma'am, Sir." Magalang na bati sa kanila ng naka-assign doon.
"Ahmm.." napatingin muna si Ashley sa binata bago muling binalingan ang babae. "Gusto sana naming makipag appointment sa mga Boss mo. Angie and Miguel, right?"
"Naku ma'am, sorry pero nasa bakasyon po ang mga big boss naminn."
"H-Ha?" panabay na sabi ng dalawa.
"Opo ma'am. Actually dumaan pa sila rito kanina."
"Saan? Kailan ang balik?" tarantang tanong ng dalaga.
"H-Hindi po namin alam. Pero kung gusto ninyo, bibigyan ko kayo ng calling card para makontak sila o kayo ang mag iwan ng contact number ninyo para tawagan naming kayo oras na bumalik sila."
Muling nagkatinginan sina Ashley at Clyde..
KAPWA BAGSAK ang mga balikat na muling lumabas ang dalawa sa Boutique.
''Saan kaya sila?" wala sa loob na tanong ni Ashley.
"Akin na ang number at tatawagan ko si Ced. Ako ang akkausap s akanya. Nakakainis talaga. Alam na nga niya ang totoo, na di niya asawa si Angie, patuloy parin siyang nakikisama. Bakit kasi di nalang siya gumawa ng paraan para balikan ang kanyang mga nakaraan. Alalahanin ang totoong siya." Sabi ng binata nab akas ang pagka-inis kay Ced.
"Kung gusto nyang kilalanin ang sarili niya, siya na ang kusang lalayo sa alam niyang kasinungalingan." Dugtong pa nito.
"Tanda, nagugulohan pa siya ngayon."
"Andoon na tayo, magugulohan talaga siya. Paano si Ashanti ha? Nasasaktan yong tao!"
Di nalang nag salita si Ashley, may point naman kasi ito. Sumakay naalng siya ng kotse. Sumunod ito.
"Bumalik na na tayo ng Villa. Nag aalala ako kay Ashanti ei." Nasabi nalang niya.
Tahimik na mina-obra nito ang sasakyan.
HABANG NASA BYAHE si Ashanti, patuloy ang tahimik niyang pag luha.
Paulit-ulit na sumisiksik sa kanyang isip ang mga huling sinabi s akanya ni Ced. Para narin siyang pinatay nito sa mga sinabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/55961685-288-k93846.jpg)
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG