BASTA'T KASAMA KITA by: Tonyang CHAP 27

2.3K 45 6
                                    

"N-Napatay mo yata si Mylin, Brando!" si Clyde na napaluhod sa tabi ni Mylin at agad itong pinulsuhan.

"Sa ginawa niya kay Ashley, di ako mag dadalawang isip na patayin ang babaeng yan! Di ako matatakot mabulok sa kulungan!" humihingal sa galit na sabi naman nito

"D-Don Ramon?" baling ni Clyde sa matanda. Yakap-yakap parin nito ang apo.

"Patay na ba?"

"M-may pulso pa naman. Mahina."

"Dalhin kay Laila, madali kayo!"

suminyas si Clyde sa mga taong naroon. Agad naman nagsikilos ang mga ito at binuhat ang walang malay na dalaga.

Nilapitan naman ni Clyde ang nobya at agad itong yumakap sa kanya.

"Tahan na.."
hinaplos2 niya ang buhok nito at hinalikan iyon sa ulo. "I'm sorry na wala ako sa tabi mo.."

"Nasaan si Hercules? Saan nilibing si Hercules? G-gusto kong pumunta roon. Dalhin mo ako doon." ngayon ay humihikbi nalang ito.

napabuntong hininga muna ang binata.
"Oo.. Pupunta tayo roon. Ngayon din."
napasulyap si Clyde sa Don. Tumango naman ito.

"Susunod ako sa clinic ni Laila. Dahil di pa kami tapos ng babaeng yon."

"Dapat kasi hinayaan nyo nalang na mamatay ang babaeng yon!" kuyom ang kamao na sabi ni Brando.

"Tumigil kana Brando!" si Clyde.

IYAK NG IYAK si Ashley sa harap ng pinaglibingan ng kanyang kabayo..
Hinayaan lang ito ni Clyde. Tumalikod siya at pasimpleng pinunas ang luhang nag babantang pumatak mula sa kanyang mga mata.
Dama niya ang pag hihinagpis ng nobya sa pagkawala ng paborito nitong kabayo. Saksi siya mula ng unang araw na dalhin nila si Hercules sa bahay nila Ashley noong ikasampung kaarawan nito. Kung paanong kumislap ang kasiyahan sa mga mata nito ng malaman na ibibigay dito ang kabayo.
Saksi rin siya sa pang araw-araw na buhay ng nobya na kasama nito si Hercules.
Gusto nga rin niyang pag selosan ang kabayo at isiping mas mahal iyon ng nobya kaysa sa kanya.

Natawa siya sa sarili sa isiping yon. Nang lingunin niya ang dalaga ay tahimik na ito.
Naupo siya sa bandang likuran nito at niyakap ito habang ang kanyang baba ay nakapatong sa balikat nito.

"Nagpahanap si Don Ramon ng kahawig ni Hercules.." mahina niyang sabi sa punong taynga nito. "Sigurado ako na masaya si Hercules na buhay ka."

"Bakit di mo kaagad sinabi sa akin?"

"A-Ashley.. N-natakot lang ako sa maaring maging reaksyon mo kapag nalaman mo ang nangyari."

di sumagot ang dalaga.

"Bata, bakit di mo sinabi sa akin ang totoo? Kilala mo pala ang nag tangka sa buhay mo. Bakit di mo sinabi sa akin na si Mylin pala.."

"A-Ayoko sana ng gulo. A-alam ko na magagalit ka. Ayoko na.."

"At ayoko na manakit ang mga kamay na ito." putol ni Clyde sa sinasabi ng nobya. Ginagap nito ang kamay ng dalaga at dinada sa bibig nito at dinampi-dampian ng halik.
"Huwag mo ng uulitin ang ginawa mong pananakit kay Mylin."

"Nag aalala ka sa kanya?"

"Nag aalala ako sayo. Mahal kita at ayoko na mabahiran ng dugo ang mga kamay na ito. Dahil ang kamay na ito, ang mga haplos ng kamay na ito ang nag papagaan ng pakiramdam ko. Umaalis sa pagod ko. Ang babaeng nag mamay-ari ng mga kamay na ito ang buhay ko."

Di nakatiis na pumihit si Ashley paharap sa nobyo at niyakap rin ito.

"I'm s-sorry.. I'm sorry.." nag simula na namang mamuo ang mga luha sa mga mata ng dalaga.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon