Chapter 33

1.2K 37 5
                                    


Magkasama sa Kubo sina Clyde at Ashley..
Sa ganung oras ng gabi ay kapwa gising pa sila at nagkukwentuhan habang magkatabing nakahiga at naka-unan ang dalaga sa braso ng binata at magkasalikop ang kanilang mga kamay.


"Alam mo ba kung kailan ang pinaka-masayang oras sa buhay ko?" malambing na tanong ni Clyde sa nobya.

"Hmm? Kailan?"

Mas kinabig nito ang dalaga para mas magkadikit sila.

"Tuwing magkasama tayo at ganito tayo kalapit sa isa't-isa." Hinalikan nito sa noo ang dalaga. "At kapag ganitong abot-kamay lang kita, napapalis ang lahat ng pangamba sa puso ko. Ayoko ng maulit ang nangyari sa atin noon. Ayoko ng may humadlang pa sa ating dalawa."
Niyakap nito ang nobya.
"Hinding-hindi na ako makakapayag na magkahiwalay pa tayo."

"Tandang.. ang inaalala ko ngayon sina Ced at Ashanti. Natatakot ako sa mga kaya pang gawin ni Scott."

"Ngayong nag balik na si Ced at sa hawak niyang ebidensya, wala ng kawala si Scott."

"Ano bang balak ni Ced? Bakit wala pa siyang ginagawang hakbang, sa makalawa na ang kasal nina Ashanti at Scott."

"Everything is under our control. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano. Mula bukas ang pagka-abalahan mong isipin ay ang mga gusto mo sa nalalapit nating kasal."

"C-Clyde?"

"Oo mahal ko. Pagkatapos ng gulong ito, paplanuhin na natin ang ating kasal."

"T-Talaga?" lumawak ang pagkaka-ngiti ng dalaga.

"Uh mmm.. masyado na kasi tayong maraming pinagdaanang pagsubok. At halos kalahati ng buhay natin, magkasama na tayo.. And I think, this is the right time na planohin na natin ang pag buo ng sarili nating pamilya."

"Ikaw.. ako.. at ang magiging anak natin?"

Dugtong na patanong ni Ashley sa nobyo na may ngiti sa labi at sa mga mata nito siya diretsong nakatingin. habang ang fingertips nito ay marahang dinadama ang labi ng nobyo.

"Oo at ng magiging an--- WHAT!?"
Napa-seryoso si Clyde na napatitig din sa nobya.

"A-Anong sabi mo?"

Pero di maalis-alis ang pagkaka-ngiti ng dalaga.

"Ikaw dhie, ako at ang magiging baby natin."

Napaawang ang bibig ni Clyde kaya naman kinuha ni Ashley ang kamay nito at dinala sa kanyang puson.

"Oo tandang, magiging daddy ka na. Diba ito naman ang lagi mong kinukulit sa akin.?"

Unti-Unting napunit ang ngiti sa labi ng binata.. mga ngiti na unti-unting nauwi sa tawa. Tawang nag simula sa mahina hanggang sa napahalakhak na ito.

"H-Hoy! Hoy Tandang!!"
Napabangon ang dalaga.

"hoy ano ba.. t-tumigil ka nga! Mukha kang tanga.." sabay hampas sa tiyan ng nobyo

Napa-upo rin ito sabay kamot sa tiyan pero di na maalis ang abot taynga nitong ngiti. Maging mga mata nito, animo'y tumatawa rin. Hindi na kailangang sabihin nito, kitang-kita ng dalaga ang kasiyahan nito sa magandang balitang sinabi niya.

"Naman ito.. Masaya lang, Mukha ng tanga agad?"

Bigla nitong niyakap ang dalaga.

"T-Totoo ba? T-talagang buntis ka na? D-Daddy na ako?" tanong nito na nanatiling yakap ang dalaga. Natatawa nalang na napatangu-tango si Ashley.

"Whoah! Hahahaha Daddy na ako.. Daddy na ako! Tama.. Gising pa ako.. sigurado ako gising pa ako ei.. Bata, Kurutin mo nga ako mahal ko.. dahil kung panaginip lang ito a-ayoko ng gumising.."

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon