Basta't Kasama kita(Ang Ikalawang Yugto)By: Tonyang CHAPTER FIVE:

2K 38 1
                                    


  Magkahawak kaway at kapwa nakangiti habang palabas ng Airport sina Miguel at Angie. Galing silang dalawa sa Italy kung saan ay naroon ang family ng dalaga. Doon sila nagbakasyon.

"Welcome back to Philippines!" nakangiting sabi ni Angie kay Miguel na bumitaw sa binata at niyakap ito sa Beywang.

"Same to you." Nakangiting sagot din ng binata.

Sa buong taon na walang maalala ang binata sa kanyang nakaraan ay naniwala syang mag asawa nga sila ni Angie. Kaya sila pumunta ng Italy ayon sa dalaga ay para ituloy ang kanilang honeymoon.

"Happy?" bulong ni Miguel dito na hinapit ito sa beywang at hinalikan sa ulo.

"Yup! Super happy, honey." malambing na sagot ni Angie na napatingin sa relo. "Ano ba, ang tagal naman ni France." ito kasi ang susundo sa kanila.

"Hayaan mo na, baka Traffic lang."

di naman nagtagal at dumating na ito. Nagtitili ito ng makababa ng sarili nitong kotse.

"My God bezy!! Ang ganda2 mo. Blooming ka girl! Hiyang ka sa fafa mo." salubong nito sa kanila.

"Magaling mag-alaga si Mister ei." nagyayabang naman nitong sagot kaya mas natawa si Miguel.

"Hay tara na nga!! Na iinggit ako baka bigla ko maisipan bumalik ng bicol at baka muling bumagyo at makatagpo ako ng tulad rin nya."
nawala ang ngiti ni Angie at napatinging nandidilat kay france. Nakauna naman ito na napatakip ng bibig. kinuha nalang ni France sa kamay ni Miguel ang bagahe at nauna ng bumalik sa kotse.

"Anong meron sa Bicol?" naka kunot noo na tanong ni Miguel sa kinikilalang asawa.

"H-Ha? W-wala. Tara na Hon.." yakag nya rito na agad naman sumunod sa kanyang pag hila sa kamay nito.

Nang makasakay ng kotse ay agad na humilig sa balikat ni Miguel si Angie.

"Napagod kaba ng husto?" tanong ng binata sa kanya na hinaplos pa ang kanyang buhok at hinalikan.

Sa loob ng isang taon ay nagsama silang dalawa na parang tunay na mag asawa kaya naman di maiwasang tuluyang mahulog ang kanyang loob dito at minahal ito. Ramdam nyang ganun din ito sa kanya kahit wala itong maalala. Hiling nya na sana ay di na bumalik ang ala-ala nito dahil di nya kakayanin na mawala pa ito sa kanya.

"I love you!" tanging sagot nya rito.
Pero tulad ng mga nagdaan, tuwing mag I love you sya rito ay di ito sumasagot. Tumatahimik nalang ito.

"Hon?" untag nya sa pananahimik nito.

"Hmm?"

"What if magpakasal tayo uli dito sa pinas?"

napatingin si France sa kanila. Maging si Miguel ay nabigla sa narinig.

"Bakit pa? Diba kinasal na tayo sa states?"

"Wala. Naiisip ko lang na mas maganda kung kasal tayo dito sa Pinas diba?"

"Hmm.. Sige. Kapag bumalik na ang ala-ala ko."

"H-Ha? K-kailangan pa ba natin hintayin yon? Ok naman na tayo kahit wala kang maalala sa nakaraan mo."

"Hon, di ko kilala ang sarili ko. At least kung ikakasal man tayo uli at least manlang masabi ko na buo na ako sakaling bumalik na ang aking ala-ala."

"Antagal na ha, wala ka manlang maalala kahit kunti?" sabad ni France sa usapan ng dalawa.

"Wala talaga ei. Ngayong nasa pinas na uli kami, sisikapin ko ng maalala ang nakaraan ko. At tingin ko, kayo lang ang makakatulong sa akin."

nagkatinginan sa mirror ang magkaibigan.

"BATA!"

napalingon si Ashley sa tumawag sa kanya saka sya napangiti at binaba ang binabasa.
Kauuwi lang nya galing sa pag iikot maghapon sa Hacienda. Hindi nya inaasahan na susunod agad sa kanya ang binata sa Villa.

Hindi na nagsalita na tumayo sya at sinalubong ito.

"Bakit narito kana? Umuwi ka ba muna sa inyo?"

"yup. Pumunta lang ako rito para sunduin ka, sa bahay ka na mag dinner." sagot ni Clyde matapos kintalan ng halik sa labi ang kasintahan.
"Magluluto si Mama ng paborito mo. Request nya na doon ka mag hapunan."

"Hmmm.. Anong pakulo na2man yan Clyde?"

"Pakulo? Wala.. Bukod sa gusto ka makasama sa hapunan ng family ko, wala na hahaha.."

"Sus! Tumanda na ako sa pakulo mong yan Tanda. Noon pa man idadahilan mo na sa akin na si Tita ang may gusto na doon ako kumain sa inyo tas yon pala may di magandang mangyayari."

"Hindi talaga maganda ang nangyayari?" taas kilay ni Clyde.

"Hehehe.." niyakap nya ito sa beywang. "Maganda! Sa piling mo naman walang pangit na nangyari." lambing ng dalaga rito.

"So.. Sa bahay ka maghahapunan?"

"Makakatanggi ba ako kay tita?"

"Si mama ang dahilan?"

"Tandang naman ei.. Sabi mo si tita ang may gusto--?"

"Ako! Gusto ko doon ka kumain. Gusto kitang masolo." bulong nito kaya nakurot nya ito sa tagiliran.

"O sya.. Magkita nalang tayo mamaya sa bahay dahil may aasikasuhin muna ako sa Kubo. parang uulan kasi napansin ko na may sira na ang bubong, aayosin ko muna."

"Sama ako Tandang.."

"Hindi pwede. Nag hihintay si mama sayo. Doon ka na tumuloy sa bahay. Baka maabutan tayo ng ulan ei."

"Hmm ayaw mo akong kasama tandang?"

"Of course not.. Kung pwede nga lang na magpakasal na tayo, gagawin ko para lagi na tayong magkasama."

"Hmm.."

"Magpakasal na tayo. Graduate ka narin naman."

"Sige, lumakad kana tandang. Kita nalang tayo sa bahay ninyo." natatawang taboy dito ng dalaga.

"Ayan.. Kapag kasal na ang inuungkat ko sayo.. Kung di mo ako itataboy, iibahin mo ang usapan o mas tamang sabihin na umiiwas ka. Minsan tuloy naiisip ko na di mo talaga ako mahal." himig nagtatampo na saad ni Clyde kay Ashanti.

"Hmm di ganun ha.. Bata pa ako at marami pa akong gustong patunayan kina papa at Lolo."

"Tssss!! Sige maya nalang." nakasimangot na tumalikod na si Clyde.

"Ui tandang!"

pero tuloy2 na itong umalis.

Sumakay na si Clyde sa kabayo.
Hindi nya alam na nakasunod sa kanya sina Brando at Mylin.

"Sa kubo ang tuloy nya. Ikaw na ang bahala." sabi ni Brando sa dalaga.

"Ok. Sisiguraduhin ko na di matatapos ang gabing ito na di mag hihiwalay ang dalawang yan." nakangising sabi naman ni Mylin na bumaba na ng kabayo. "At gawan mo ng paraan na pumunta rito si Ashley."

"Ariglado."

DALA ang bote ng alak na sinadyang dumaan ni Mylin sa tapat ng kubo. Kunwari pa ay umiiyak sya kaya napalingon sa kanya si Clyde na kasalukuyang nasa bubong ng kubo.

"Hoy Mylin!"

Humihikbi na napatingala si Mylin sa tumawag sa kanya. Nakita nya ang binata pero kunwari ay dedma nya ito na nagpatuloy sa paglakad.

"Ui Mylin!"

bumaba na si Clyde at hinabol ang dalaga.

"May problema ba?" tanong nya ng maabutan ito.
Sa halip na sumagot ay yumakap ito sa kanya.

"Ayoko na! Gusto ko ng mamatay Clyde! Ayoko na." humahagulhol na na sabi pa nito.

"H-Ha? Bakit? Saka.. Alak yang dala mo ah." akma niyang kukunin ang alak sa kamay nito ng bumuhos ang ulan.

"O shit! Tara, sa kubo muna tayo." sabi ng binata na hinila na ito papasok sa kubo.

Napangiti naman si Brando buhat sa kinakukublihan nito saka sumakay ng kabayo at bumalik ng kwadra.

"Anong problema mo? Talagang may bitbit kang alak ha?"
natatawang tanong ni Clyde sa dalaga ng makapasok na sila.

"H'wag mo akong pagtawanan! Nakakainis.. Bakit ba ang malas ko? Una, nabigo ako sayo.. At kung klan naka move on na ako., nag mahal ng iba.. Niloko pa ako. Bweset talaga!" pagtatapat ng dalaga na sinabayan pa nito ng pag hikbi.

"Ha? I'm sorry.." nakaramdam ng habag sya rito.

"No.. Tanggap ko na. Ganun talaga siguro. Wala ng lalaking magmamahal sa akin." naupo ito at
binuksan ang hawak na bote ng alak at akmang tutunggain ng pigilan sya ng binata.

"O teka.. Relax lang." awat ni clyde na tumabi ng upo sa dalaga. "Sino bang may sabi sayo na walang nagmamahal sayo? Siguro di pa dumarating ang tamang time at tamang guy para sayo."

"Tseee! Ang mabuti pa sabayan mo nalang ako uminom. Diba magkaibigan naman tayo. Dito ka lang.. Kailangan ko ng karamay ngayon Clyde.."

"H-Ha?"

bahagyang natigilan ang binata ng humilig ito sa kanyang balikat. "Pakiramdam ko nag-iisa ako at walang kakampi. Clyde.. Alam ko na maari kitang pag hingahan ng mga problema ko please dito ka lang muna. Promise pag tila ng ulan aalis na ako."

napatingin sya sa labas ng kubo mas lumalakas pa ang ulan pag tingin nya sa orasan ay Alas singko na ng hapon at sa hinuha nya ay nasa bahay na nila ang kanyang girlfriend.
Napabuntong hininga muna sya.

Tumayo sya at kumuha ng dalawang baso.

"Pwede kitang sabayan habang nagpapatila ng ulan." nakangiting sabi nalang ni Clyde.

"Talaga?" nanlaki sa tuwa ang mata ni Mylin.

Inilapag na ng binata ang baso.
"Kunti lang ha, nasa bahay ngayon si Ashley at.."

"Ok naiintindihan ko." naka ngiti na sabi nalang ng dalaga.

"Ako na magsasalin ng alak." kinuha na nito ang bote.

Samantala, palakad-lakad sa sala si Ashley. Naroon na sya sa bahay nila Clyde.

"Iha, maupo ka. Nagpapatila lang marahil yon ng ulan." Ani Mrs Alvama.

"Tita, puntahan ko kaya sya sa manggahan? Kinakabahan po ako ei."

"Ay hindi. Tumigil ka Hija, mapanganib ah. Hintayin nalang natin sya na maka uwi."

"Oo nga Ashley. Maya-maya baka nariyan na iyon, magkasalisihan kayo." sabad naman ni Macario sa kanila.

Samantala,
unang iniabot ni Mylin kay Clyde ang baso ng alak.

"Clyde, thank you ha.. Nariyan ka parin."

"Sus, Ok lang.. Itinuturing naman kitang kaibigan ei." nakangiting sabi ni Clyde na dinala sa bibig ang baso at ininom ang laman niyon.

Gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi ng dalaga habang nakatingin sya sa ililapag ni clyde walang laman na baso. Muli nya yon tinagayan.

"Teka, daya.. Di ka ata umiinom ah." kunwari ay sita sa dalaga ni clyde.

"Hindi ah.." dinala nito ang bote sa bibig.

"Tsk! May baso naman." inagaw nya ang bote mula sa kamay nito ay sinalinan ang baso ng dalaga.

"O, uminom ka sa baso. Ikaw talaga." inilapag nya ang bote at muling dinampot ang kanyang baso at walang pasubali na ininom ang laman yon.
"Woah!!" bulalas nya sabay pilig ng ulo. "Ano bang alak ito? Dalawang baso palang para ng lakas makatama."

napahagikhik si Mylin.
"Loko ordinary wine lang yan. Baka di ka lang sanay uminom. Ikaw talaga."

"Baka nga.. Di naman talaga ako pala-inom ei." sang ayon nalang nya. Ramdam nya ang agad na pamimigat ng kanyang mga talukap.
Napatakip sya ng bibig ng di nya mapigilang mapahikab. Di nya mapigilan ang pag pikit ng kanyang mga mata.
Bago tuluyan syang napapikit, naramdaman pa nya ng niyakap sya ni Mylin at hinalikan. Natabig pa nya ang bote ng wine ng pinilit nya itong itulak saka ibinagsak nya ang katawan sa sahig at tuluyan na syang nakatulog.

"Uhmm napaka gwapo mo talaga, Baby ko. Sa pag gising mo.. Wala ka ng gagawin kundi ang magpa alam sa mahal mong si Ashley at aasikasuhin mo ang ating kasal dahil pagkatapos ng Ulan.. Pag mulat ng iyong mga mata.. Hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo." nakangiting sabi ng dalaga habang hinuhubad ang damit ng himbing ng natutulog na binata.

Ala siete y media na at wala parin si Clyde. Laganap na ang dilim sa paligid, tumila narin ang buhos ng ulan. Tanging mga huni ng mga kuliglig ang maririnig sa labas.

Hindi na nakatiis na tumayo si Ashley at humakbang patungo ng pinto.

"Ashley, Hija.. Saan ka pupunta." nag-aalala narin na wika ni Ginang Alvama.

"Uuwi na po ako Tita, Tito."

"Hija, baka pauwi na si Clyde. Tiyak na.."

"kanina pa tumila ang ulan. At saka hindi po ginagabi ng uwi si Clyde. Dati naman umuuwi sya kahit umuulan ei."

"Hija.."

"Pasensya na Tita."
saka tuloy2 na syang lumabas at kinuha si Hercules sa pinagtalian nya rito.

"Nakakainis ka talaga. Mas inuna mo pa ang kung ano mang ginagawa mo kaysa sa akin." himutok ng dalaga habang pasakay sa kabayo.

Tinatahak na nya ang daan patungo sa villa ng makasalubong nya si Brando.

"Ms Ashley! Gabi na ah, bakit di mo kasama si Clyde."

di nya yon pinansin at nilampasan lamang ito.

"Nasa kubo sya kanina ah.. Sila ni Mylin." malakas nitong sabi kaya napahinto ang dalaga at nilingon ito.

"A-Anong sabi mo?"

"H-Hindi mo alam? S-sorry akala ko alam mo na magkasama sina Mylin at Clyde doon sa kubo sa may manggahan." naka ngising sabi pa ni Brando.

Di na nagdalawang isip na kinabig nya si Hercules patungo sa manggahan.

"A-Ashley!"

pero mabilis na nitong pinatakbo ang kabayo. Wala syang nagawa kundi ang sundan ito.

Samo't saring emosyon ang nadarama ng dalaga. Pinagdarasal nya na sana'y naka uwi na si Clyde sa bahay nito. Bakit magkasama ang dalawa samantalang paalam nito sa kanya ay saglit lang..

Mas lumakas ang tibok ng kanyang dibdib ng palapit na sya ng palapit sa kubo.
May ilaw sa loob kaya siguradong may tao pa sa loob.

"C-Clyde.." bulong nya sa sarili ng pahintuin si Hercules.
Dahan-dahan syang bumaba, di alintana ang pag lubog ng kanyang boots sa putik.

Dahan-dahan ang kanyang ginawang pag hakbang palapit sa kubo. Bahagyang naka awang ang pinto. Kagyat siyang napahinto at napahawak sa sariling dibdib. Hindi nya maunawaan ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

Nakamasid lang sa kanya si Brando na kadarating lang.


---ITUTULOY  

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon