BASTA'T KASAMA KITA BY: TONYANG CHAPTER EIGHT:

1.8K 38 0
                                    

  MATULING LUMIPAS ANG MGA Araw, lingo at buwan.. Isang taon narin ang nakalipas.

"ATE ASHLEY.."

Napakunot noo si Ashley ng marinig ang malungkot na boses ni Ashanti sa kabilang linya ng telepono.

"Ashanti bakit? May problema ba kayo ni Scott?"
Alam nya ang tungkol sa Relasyon ng dalawa at natutuwa sya para sa kapatid na naka move-on na ito sa pagkawala ni Ced.
"N-Nag away ba kayong dalawa?"

"H-Hindi ate. Hindi ito tungkol sa amin. T-Tungkol ito kay Clyde. Ate ikakasal na sila ni Mylin."

Natigilan sya sa narinig. Bigla ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Saka sya nag hagilap ng mauupuan. Mabuti nalang at kapapasok lang nya ng sala.
Dali-dali syang na-upo sa sofa.
Bigla ang sunod-sunod na pag patak ng mga luha ng dalaga. Hanggang ngayon ay dala-dala parin nya sa kanyang dibdib ang sakit ng pagtataksil sa kanya nina Clyde at Mylin. Akala nya ay makakalimot sya sa oras na lumayo sya, nagkamali sya. Bumangon na naman ang poot sa kanyang dibdib dahil sa balitang hatid sa kanya ng kapatid. Di nya napigilan ang mapahikbi kaya agad syang napatakip ng bibig para mapigilan makalikha ng ingay.

"A-Ate..? ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ashanti sa kabilang linya ng telepono ng marinig nya ang impit na pag hikbi ng kanyang kapatid."Mahal mo parin sya ano? Kailan kaba uuwi dito? A-Ate?"

"Ah.. ei.. h-hindi ko alam kung kailan ei."

"W-Wala kang balak na pigilan sila?"

"Para ano pa? Ginusto naman nila yan." Pagmamatigas nya kahit pa nadudurog ang kanyang puso.

"Ate.. Galit ako sa ginawa ni Clyde sayo pero mula pa ng mga bata tayo.. saksi na ako kung paano ka nya minahal. Parang si Ced. Nag hintay ng matagal. Kahit alam nila na kapwa iba ang mga gusto natin ng mga oras na iyon,, hindi sila sumuko."

"Pero nagawa nya yon sa akin.?"

"Bakit di mo sya kinumpronta tungkol sa nangyari?"

"Para ano pa? para bigyan sya ng dahilang magsinungaling?"

"A-Ate.."

"Ano kaba Ashanti.." pilit pinasigla ang boses. "Taon na ang nakalipas at may sarili na syang buhay. Hayaan nalang natin siya. M-May sarili narin akong buhay.

SA HACIENDA.

"Subrang disappointed ako."
Sabi ni Marshal kay Clyde ng sadyain nya ito sa kuwadra isang hapon. Ilang araw na ang nakalipas mula ng makarating s akanya ang balita sa nalalapit na kasal ni Clyde at ni Mylin. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito dahil sa madalas silang nasa maynila ni Loida dahil inaasikaso nila ang kanilang nalaalpit din na kasal.

"S-Sir Marshal.." bakas ang pagkagulat sa mukha nito ng malingunan ang amo.

"Hindi ko alam kong dapat ba kitang batiin para sa nalalapit ninyong kasal. Aaminin ko na umaasa parin ako na magkaka-ayos kayo ng anak ko pero mukhang bigo ako."

Nagtagis ang bagang ng binata.
"Iniwan ako ng anak ninyo Sir Marshal." Madiin niyang sabi. "Siya ang nang-iwan."

"Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo."

"Sir Marshal.. Kung sa nangyaring ito ay paaalisin mo na ako at ang pamilya ko rito sa Hacienda.. maluwag kong tatanggapin."

"Hindi Clyde. Inaasahan ko parin na makikita kita sa araw ng kasal ko."

"S-Sir Marshal?"

"Isa ka sa mga batang pinalaki ng Hacienda, paano ba kita itataboy palayo. Para narin kitang anak."

"S-Salamat Sir.. n-napaka buti ng iyong.."

"Pero hindi ibig sabihin noon ay pinapatawad na kita sa ginawa mo sa anak ko."

"S-Sir.."

"Kailan ang kasal?"

"N-Next Month po Sir.. 3rd week next month. "

Bahagyang natigilan si Marshal. Next Month din ang kasal nila ni Loida. First week naman sa kanila.

"Masyado naman yatang mabilis? Buntis na ba ang girlfriend mo?"

Muling nag tagis ang bagang ng binata.

"Hindi po Sir. Sa maniwala ka man ho o hindi.. sigurado akong walang nangyari sa amin ni Mylin.. Sir kilala mo ako. Hindi ako sinungaling na tao. Lalaki Karin sir. Kahit lasing tayo alam natin kung may nagyari sa atin at sa babaing katabi natin."

Di nakasagot si Marshal.

"Si Ashley parin ang mahal ko. Nag hintay ako na bumalik siya.. na balikan nya ako. Pero wala. Nagpa-bulag sya s akanyang galit. Sinarado nya ang kanyang puso para sa akin. Ngayon na nag pasya ako na pakasalan si Mylin, wala na po itong atrasan. Pinilit nya na may nangyari sa amin.. ei di meron. Wala narin naman siguro akong hinihintay. Agad na sumuko ang inyong anak."

Nakaramdam ng habag si Marshal para sa binata. Alam nya ang pakiramdam na matali sa babaing di mo mahal.
Kung may magagawa lamang sana siya para matulungan ito.

SAMANTALA..

"Hon, Mula bukas sasama na ako sa shop."
Salubong ni Miguel kay Angie na kadarating lang mula sa boutique.
"Naiinip na kasi ako dito sa bahay."

"H-Ha? S-Sige."

"Tingnan mo ito." Sabi ni Miguel na kinuha ang sketch pad sa inuupuan nito. "Tuwing mag-isa ako rito, tinitingnan ko ang mga designs mo.. nakakatawa pero may talent pala ako sa design."

Namangha si Angie ng makita ang wedding gown na naka drawing doon. Di pa yon nalalagyan ng kulay ay alam nyang maganda nga ito.

"G-Gawa mo?" tiningnan nya ang binata ng puno ng pag hanga. Todo ngiti din ito na para bang nagyayabang.

"O diba, mukhang compatible tayo diba hon. May talent din ako tulad mo. Kaya dapat lang na isama mo na ako sa shop para naman makatulong ako."
Inakbayan nito ang dalaga paakyat sa kanilang kwarto.
"Hon, ano ba ang trabaho ko noon?"

"h-Ha?" natigilan.

"Uhm.. ayan ka na2man.. lagi kang nagugulat tuwing nag tatanong ako sayo."

"ha? Ano kasi hon.."

"Sige na.. mag bihis ka na at bababa ako para ako ang mag luto ng hapunan natin."

"S-Sige.."

NANLALAMbot ang mga binti kaya agad na napa-upo si Angie sa gilid ng kama sabay napa-sulyap siya sa pintuan na nilabas ng binata.

Mula ng bumalik sila ng Pilipinas ni Miguel, di na maalis-alis ang kanyang kabang nadarama. Naging makulit na si Miguel sa pagtatanong sa mga nakaraan nito.

Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang puson. Halos isang taon narin silang nag sasama ni Miguel bilang mag-asawa pero hanggang ngayon bakit di sya mabuntis-buntis. Kung sana ay mag dalang tao sya, may panghahawakan sya rito kahit pa bumalik na ang ala-ala nito. Anang kanyang isipan.
.
.
.
"ANAK.. next month na ang kasal namin ng Mommy mo kaya naman gusto ko sana na umuwi ka na rito para kasama ka namin sa paghahanda. Gusto rin namin hingin ang opinyon mo sa ginagawang preparasyon."
Sabi ni Marshal sa anak ng tawagan nya ito katanghalian ng mga sumunod na araw.

"P-Papa..?"

"Anak.. Please. Gusto namin makasama ka sa araw na yon."

Kapwa nakatingin lamang sina Ashanti at Loida kay Marshal habang magkatabi sa sofa at kapwa may hawak na magazine.

Dahil wala si Ashley ay siya muna ang kasama ni Loida sa pag tingin sa mga wedding gowns.
"Tita, tingnan mo ito. Mukhang magaganda ang mga wedding gowns dito."

Iniabot ng dalaga ang kanyang hawak na Magazine dito.

"Heaven's Boutique." Nakangiting basa nito. "Aba.. pangalan palang mukhang magaling nga ang designer nila. Tama ka nga. Magaganda." Sabi pa nito na nilipat-lipat ang pahina.

"Luluwas ako ng Maynila bukas. Sasadyain ko ang boutique na 'yan. Kapag Magaganda yan saka po natin puntahan ng sabay at sana kasama natin si Ate Ashley." Binalingan nito si Marshal na kalalapag lang ng telepono.

"Dad, an ang sabi? Uuwi na ba raw siya?"

Naupo ito sa tabi ni Loida.
"Oo. Pero di niya sinabi kung kalian. Actually pag-iisipan daw nya kasi ang plano nya ay uuwi sya a day before the wedding."

"Hmm.. si Ate talaga."

"Ok naman ba siya?" nahalinhinan ng pag-aalala ang mukha ni Loida sa narinig.

"Ok naman daw sia."

"nag-aalala lang ako na bahka hindi pa handa ang anak natin na bumalik rito. Hindi pa siya handa na makaharap muli si Clyde."

"Naisip ko na paalisin si Clyde at ang pamilya nya rito sa Hacienda. Maging ang pamilya ni Mylin."

Iisa silang napatingin sa pinagmulan ng ma-otoridad na boses, Mula yon sa matandang Del Rio.

"P-Papa.."

"L-Lo.."

Panabay pa na sabi nina Marshal at Ashanti.

Naupo rin ito sa Bakanting single sofa at dumampot din ng magazine na puro wedding cakes ang makikita.

"Total naman binigo nya ako. Tayo. Hindi siya tumupad sa pangako nya na di sasaktan ang apo ko."

"Papa.. Hindi aalis si Clyde at ang pamilya nya. Para ko ng nakakatandang kapatid si Macario. Buong buhay nila inilaan nila sa Hacienda."

"Naisip ko rin naman yan. Pero kung sa pag babalik ng aking apo ay mas masasaktan siya sa balitang makakarating sa kanya na ikakasal na ito.. mas mainam na si Clyde na ang lumayo rito."

"Papa, halos isang taon narin naman ang nakalipas.. tanggap na marahil ng anak ko ang nangyari." Sabad naman sa usapan ni Loida.

"Ewan ko ha.. hay naku,!" Napailing-iling nalang ang matanda. "Mukhang maganda ang Cake na ito." Pag iiba nito ng usapan.

NAGULAT ang nag-iisang si Clyde habang nag papahinga ng bigla nalang may yumakap sa kanyang likuran.

"Baby!"

Nakangiting si Mylin ang kanyang nalingunan.

"Hmm bakit ka naririto.?"

"Dahil namimiss po kita." Sabi nito na hinalikan sa lee gang binata. Mabilis naman nitong naiiwas ang sarili.

"Ano ba.. pawisan ako. H'wag mo akong hahalikan."

"Asus.. magiging asawa na kita, bakit pa ako mag-iinarte sa pawis mo saka.." sinamyo nito ang binata. "hmm Smell so good. Baby ang bango mo talaga." Naupo rin ito at di inalis ang pagkakaakap sa kanya.

Di nalang ito pinansin ni Clyde. Wala na syang paki-alam kung may mga trabahador na makakita sa kanila.Pero sa tuwing sasabihin nito na malapit na nya itong maging asawa, hindi nya mapigilan ang pag tatagis ng kanyang mga bagang.

Ibang babae ang iniisip nyang tatawagin nyang asawa. Ang babaeng mag dadala ng kanyang pangalan bilang Mrs Alvama.
Pero mukhang di na magkakatotoo ang lahat ng iyon. Lahat ng iyon ay sa pangarap nalang niya.
Naramdaman nyang inihilig ni Mylin ang ulo nito sa kanyang likod habang nanatili itong nakayakap sa kanya. Napa-buntong hininga nalang sya.

KINABUKASAN, Umagang-Umaga ay bumyahe na para lumuwas ng Maynila si Ashanti. At dahil may siminar si Scott doon ng two days, usapan nila na doon nalang sila mag kita pagkatapos ng kani-kanilang mga lakad.

Dahil sa ilang oras ang byahe mula sa Hacienda del Rio hanggang Maynila kaya naman bago mag tanghali na siya ng makarating doon. Humanap muna siya ng makakainan bago nya planong puntahan ang Heaven's Boutique.

"HON, may Lunch meeting ako ng 12:30. Gusto mo bang sumama?"
Pukaw ni Angie kay Miguel na abala sa ginagawa nito.

"Dito nalang 'hon. Mag order nalang ako ng lunch. Gaano kaba katagal?" tanong nito na di manlang nag-angat ng paningin. Ganado kasi siya sa pag sketch ng isang gown.

"Hmm ganda nyan ah.." sabi ni Angie na bahagyang yumuko sa tabi ng binata. Pinisil nya ito sa balikat kaya nag-angat ito ng mukha at nilingon siya.

"H'wag kang magtatagal ha." Sabi nito na hinalikan sa lips ang ina-akalang asawa. "Bye! Take care."

Pinisil lang ng nakangiting si Angie ang pisngi nito saka umayos at dinampot ang bag.
"Ikaw na ang bahalang humarap sa mga bagong customer. "

"Yes Boss!" nakangiting sumaludo pa ito.

Nang lumabas ng pinto ng office si Angie ay muling itinuon ni Miguel ang kanyang pansin sa sketch pad.
Napangiti siya habang tinitingnan ang wedding gown na sarili nyang design.
Hanggang ngayon ay di siya maka-paniwala na magagawa nya iyon.

Napagkatuwan nya na lagyan ng mukha ang wedding gown. Muli, seryoso na siya sa pag du-drawing.

SA BUKANA NG HACIENDA DEL RIO,
makikita ang napakalaking Arko kung saan ay nakalagay ang 'WELCOME TO HACIENDA DEL RIO' At naka hilira ang mga naglalakihan at nag tatayugang mga punong kahoy na animo'y sinadyang ilagay roon para mag silbing bakod.
Sa magkabilang panig ay may naka-sulat na "Private Property"

Napa-baba si Ashley sa kanyang kotse.
Naipikit nya ang kanyang mga mata ng salubungin siya ng malamig na simoy ng hangin. Halos isang taon narin mula ng umalis sya papuntang states. Pero ganun parin ang kapaligiran ng iniwan nyang Hacienda. Naroon parin ang makapigil na hiningang kagandahan ng paligid hanggang sa abot ng kanyang. Nakakagaan sa pakiramdam. Iba parin ang sarap ng pakiramdam na naroon sya sa lupang kanyang kinalakhan.

Napatingin sya sa langit kung saan tila naka-ngiti sa kanya ang tirik na tirik na araw. Inayos nya kanyang mata ang kanyang shades na ginawa nyang hairband saka siya nakipag titigan sa araw.

"Welcome back home, Ashley!"
Bulong nya sa sarili.

Maaga pa lang ng lumapag sa Airport ang kanyang sinasakyang eroplano. Dahil matapos maka-usap ang kanyang ama ng nag daang araw ay nag pa-book agad sya ng fligt pabalik ng pilipinas. Sinabi lamang nya rito na pag-iisipan nya kung kailang siya uuwi. Gusto nyang surpresahin ang mga ito higit lalo ang kanyang Lolo.

Tuwang-tuwa naman si Nana Edna ng mapag buksan sya nito ng pinto. Nakasanayan narin nya iton tawaging Lola.
Dumaan sya sa Bahay ng kanyang mama Loida para kunin ang kanyang kotse at pinaki-usapan ang matanda na huwag ipa-alam sa Hacienda ang kanyang pag dating.

Ngayon na narito na siya, Unang-una nyang gustong gawin oras na makarating sa Villa ay hanapin kaagad si Hercules. Iikutin nya ang buong hacienda sakay ng kanyang matikas na kabayo. Pupuntahan nya ang lahat ng paborito nyang lugar. At s ahuli, ang pinaka-paborito nyang gawin.. ang mag tampisaw sa batis. Mag laro at mag babad sa tubig tulad noon.. noon ng..
Nawala ang kanyang ngiti kasabay ang pag yuko ng biglang may sumagi sa kanyang ala-ala.
Mga ala-alang naging dahilan ng kanyang panandaliang pag layo. Mga ala-alang hindi nya magawang kalimutan kahit na anong pilit nya.

Ilang ulit muna siyang napa-buntong hininga bago nag pasyang bumalik sa sariling sasakyan at sinimulan yon paandarin.  

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon